54: Second Day

4.8K 80 42
                                    

"Please maintain the silence," sabi sa amin ng matandang librarian na mukhang matagal na ring nagtatrabaho sa isang private library na ito. Halos dalawa o tatlo lang ang nasa library tuwing weekdays kaya sobrang nandito na lang ako gumagawa ng lesson plans kaysa sa loob ng preschool na pinagtuturuan ko. Hindi ganoon kalakihan ang library pero sapat na para tumanggap ng mga taong kailangan ng katahimikan. Ay wow. Is this me.

"Railey, tumigil ka. 'Wag kang maharot!" pabulong kong sabi kay Railey. Nasa harapan ko siya ngayon at alam kong ngumingisi siya kahit kaharap ko ang laptop ko. Kanina pa siya nangangalabit ng paa sa paa. Nakakabwisit.

Ang baliw lang niya kasi parang lahat na ata ng pupuntahan ko, pupuntahan niya rin. 

Nasa tabi ng laptop ko ang lahat ng librong kailangan ko para sa lesson planning. Pinagtatawanan ko rin ang sarili ko, deep inside. Nagtataka rin ako kung bakit ako nag-aral ng pagka-teacher kung buong buhay rin naman pala akong mag-aaral. 

Ang mahirap pa ngayon, nagtatrabaho ako sa lugar na hindi ko naman gusto. Well, thankful ako, oo, dahil may trabaho, pero iba pa rin magtrabaho sa work na gusto mo talaga. Malayo to sa course ko e. Pero sinong tatanggap sa akin sa ganitong panahon? Matagal nang nagsimula ang klase. 

Sa tabi ng laptop ko, isa-isang kinukuha ni Railey lahat ng libro ko at binabasa. Actually, simula nang mapagalitan kami ng librarian, hindi na ulit siya nagkwento. 

Sa likod ng laptop ko ay ang maamong mukha ni Railey na nagbabasa ng preschool books. The usual preschool books na malapad na manipis. 

Nahuli ako ng mga mata ni Rye na nakatingin sa kanya. Shet. 

"Bec, I can't believe na you're teaching this," sabay turo sa cover ng writing book ng student ko.

"Well, do I have a choice?" mahina kong sagot. 

"People always have a choice. They just tend to consider what is convenient for them."

Wow. Are we here for another lecture? "Railey, you know what, itigil mo na 'yang sermon mong 'yan." Ito na lang ang sabi ko sa kanya. 

Hindi na ulit siya sumagot. Binasa niya na lang yung libro. 

Isa-isa naman akong nagtipa ng plano kong lesson para bukas. Hindi ko lubos maisip kung bakit ko nga ginagawa 'yung mga ganitong bagay. Tangina, kung ginalingan ko lang noong college e 'di sana hindi ako magtityaga sa trabahong hindi ko gusto. Nakakagigil. 

Itinigil ko ang pagtitipa ng keyboard ng laptop ko. Ipinatong ko ang mga kamay kong iyon sa pile of books na nasa tapat ko. Hindi ko na kaya. Napa-ubob ako sa mesa. Anong klaseng strategy pa ba ang kailangan kong gawin maituro lang ang straight lines. Grrr. 

Sa pagkalubog ko sa sudden deep thoughts, naramdaman kong may humahawak sa mga kamay ko. 

"Ay, sorry, akala ko libro 'yung hinahawakan ko," excuse ni Railey. Pero tangina, hawak niya pa rin 'yung kamay ko. 'Yung kanang kamay ko to be exact. Nanlalamig ang mga kamay kong iyon pero ramdam ko 'yung init ng kamay niya. Mukha kaming tanga sa library. 

"Ehem. Ehem." Ito naman ang hirit ng librarian. Nakaismid na siya. 

Babawiin ko na ang kamay ko sa pagkakahawak ni Railey, pero hinawakan niya ito. 

"I will never let you go." 

Dahan-dahan niyang hinaplos ang kamay ko. Nag-iinit na ba ang pisngi ko sa kilig? o sa hiya? Baka nag-iinit na 'yung ulo ko dahil hindi ako makatapos ng lesson plan dahil sa kaharutan ng lalaki sa harapan ko. 

"Railey. Pwede ba. Tumigil ka." 

Tsaka lang niya ihiniwalay 'yung kamay niya sa kamay ko. 

"Bec, I was holding the book. Hindi ko intensyon na hawakan ka. It's just that, nagkataon lang na nandoon 'yung kamay mo. Assuming."

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon