42: Guilty

9.9K 201 24
                                    

Rebecca’s POV

 “Buti na lang, sinundan mo ko. Kundi, wala ka sanang magandang girlfriend ngayon.”

“Sometimes, there are no second chances. If you have it now, hold it and never let it go. Kaya nga hindi na kita pinakawalan. I took the risk.” :)

                Usapang pagmamahalan kami ngayon. Kaya naman, hindi na natapos ang pagbobolahan nila Anna at Rain habang kumakain kami ng lunch dito sa isang kilalang restaurant sa loob ng mall. Double date kami ni Rye at kasama namin sila. Punung-puno ng langgam dahil sa bawat topic na pag-uusapan namin, palagi na lang may nakaakibat na pick-up line or something si Rain. Ang cheesy nila. Tsk. Porket tungkol sa pagbabalikan nilang dalawa ang topic.

                Wala namang imik si Railey habang kumakain ng paborito niyang carbonara. Paminsan-minsan, nakikitawa siya, pero ngayon, focus siya sa pagkain talaga eh. Kaya naman, tinapik ko siya, “Uy, magsalita ka naman. Tataba ka niyan, sige.” Ito naman ang pananakot ko.

                “Hehe,” tawa niya. Medyo ramdam kong may pagka-awkard na nagaganap sa tawa niya. Hindi kasi ‘yun ang normal niyang tawa. As in, hahalakhal siya kapag required, pero ngayon, wala eh. Pakiradam ko tuloy may hindi siya sinasabi sa akin.

                “Rayling, how come na noong isang araw, si Ma’am Chloe ang kasama mo. Then, ngayon, okay na kayo ni Rebecca. You really deserve an award for winning her,” sabi naman ni Sir Rain. Napansin kong halos sikuhin na siya ni Ma’am Anna na para bang winawarning-an siyang ‘wag na lang magsalita.

                “It’s because I’m hotter than you, bro,” sagot nito.

                Hinahanap ko ngayon kung nasaan na ang dating Railey na sobrang lakas mang-asar sa Kuya niya. Weird, ayos naman siya kagabi. Siguro, puyat lang, hangover, or as in pagod?

                “Kadiri. Mas mainit pa ‘yung pizza sa harap natin kesa sa inyong dalawa. Magsitigil na nga kayo,” sabi ni Ma’am Anna habang kumukuha siya ng isang slice ng pizza. Inilagay niya naman ito sa plate niya.

                I’m disturbed. Kahit pa dalawang makukulit ang kasama namin, hindi ko maramdaman si Railey. Should I investigate or not? Nakakainis na nakaka-ewan naman eh.

                “Rebecca. If you want to have the perfect relationship with my bro, you should know his deepest secrets. Enter his mind. That’s the first rule of falling in love with Railey.”

                Napakunot ako ng noo. Kailangan bang may first rule ang pagka-inlove kay Railey?

                “Second, kailangang maging honest ka sa taong ‘yan. He’s frank, so you should be honest to him as well,” I think being frank and honest are not synonymous.

                “And lastly, ‘wag na ‘wag kang magsisinungaling sa kanya,” binigyan ako ni Kuya Rain ng isang napakalapad na ngiti. “Am I right, Railey?” he winked at Railey, right after then.

                “Bec, pabayaan mo na ‘yan. Minsan, ganyan talaga ‘yan si Kuya. Actually, sinasabi niya ‘yan sa lahat,” unsure na sagot ni Railey. As in! Mararamdaman mo talagang parang hindi siya kumportable.

                “Rye. Ayos ka lang? Parang ang tamlay mo kasi.”

                “Uyy. Rebecca, hindi pala bagay sa’yo maging worried,” asar ni Anna.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon