Chapter 27: Level Up
Railey’s POV
Pinulot ko ang nalalag na rose na dala ko. Inabangan ko si Rebecca sa kanyang paglabas at sinundan siya. Oo, nagbulag-bulagan ako.
“Hindi ko na mabigkas ng maayos ang mga salitang ‘I love you.’ Turuan mo naman ulit ako,” sabi ko sa kay Rebecca habang palabas kami ng Multimedia Room. Pabulong kong sinabi sa kanya ‘yun habang naglalakad akong nakalagay ang mga kamay sa aking mga bulsa. Nagsuot ako ng maganda para sa kanya, pero parang hangin na lang akong hindi niya nakikita.
“Aayain mo pa ba ko sa labas? Gusto ko na kasing umuwi.” Ito na lang ang isang sentence na narinig ko sa kanya simula pa nang makita ko siya kaninang umaga. Hindi ko alam pero naglalaro ako ng hindi ko na lang napapansin ang ginagawa sa kanya ni Jael. Naiinis ako. Natatapakan ang pagkalalaki ko. Akin siya eh.
Sinubukan ko siyang akbayan pero agad niya namang inalis ang kamay ko. Hanggang makalabas kami ng school, hindi niya na ako pinansin. Inyaya ko na lang siya sa kainan. Sa Agustin’s Diner malapit sa school. Walking distance, pero sinabi niyang sumakay raw kami ng tricycle papunta sa lugar na ‘yon. Nagmamadali daw siya.
Pagkalabas naman naming ng gate ng school. Tumawag ako ng tricycle. Habang naghihintay kami, sinubukan kong hawakan ang kamay niya, pero wala pa rin. Binibitawan niya ako. Iniiwasan. Sinasaktan. Deserving talaga siguro akong iwan. Pero hindi ko iisipin ‘yon. Kailangang paghirapang ibalik ang mga bagay na naiwanan at hindi ko nabigyan ng pansin doon.
Hindi rin nagtagal, nakasakay na rin kami ng tricycle. Nasa loob kaming dalawa. Pero parang ang lamig niya sa akin. Hindi lang hangin ang nagpapalamig kundi pati pakikitungo niya sa akin. Sa tuwing magoopen ako ng topic, it’s either tatango lang siya o mananahimik. Kulang na lang, ‘yung driver ‘yung kausapin ko sa sobrang katahimikan niya. Kung alam niya lang, nahihirapan na ko.
“Tara sa loob, Bec.” Sinubukan ko ng magsalita ulit. Tumango lang siya as expected. Kaya lang, nauna na siyang pumasok sa loob. Binayaran ko na ‘yun sinakyan namin. Pagkabayad ko, nagulat ako sa sinabi ng driver.
“Boss, payong kapatid lang. Ang taong nanlalamig, kailangang pinapainit.” Umalis siya agad pagkasabi nito sa akin. Ako naman, hindi ko na makuhang mapikon.
Sinundan ko na si Rebecca at nakita ko siyang nakaupo sa may bandang sulok ng kainan. Maganda ang ambiance ng lugar na ito. In fact, kaunti lang ang tao at sobrang sarap pakinggan ‘yung mellow na tugtugan nila. May maliit na stage sa harapan na siguro, kinakantahan ng mga performers.
Rebecca’s POV
Alas sais na ng hapon at katatapos lang naming kumain. Panay ang kwento niya, panay ang salita niya. Kahit kumakain siya, hindi siya tumitigil sa kakakwento. I wonder kung ikukwento niya rin ang tungkol sa kanila ni Chloe. Nakakairita. Kung itatanong ko siguro ‘yon, malamang change topic na siya.
“Gusto mong magpunta sa mall?” tanong niya sa akin. Umiling ako. Hindi ako pumayag. Pahard-to-get effect. Ako kasi ‘yung taong matagal magalit. Minsan lang ako talaga magalit, pero kapag nagalit naman, long lasting.
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
Roman d'amourPG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)