Rebecca’s POV
Sa pagkakatanda ko, walang masama sa sinabi ni Rye pero napansin kong natulala ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Bumalik lang ako sa aking malay nang magpalakpakan na ang lahat ng audience. Si Rye ang pinapalakpakan nila, ica-clarify ko lang. Pero wait, parang nag-slow motion lahat ng sabihin niyang, “Namiss kita.”
Hinawakan ni Rye ang kamay ko. Pumunta sa may center-stage, kasama na rin ‘yung tumugtog ng drums at gitara at piano. Medyo rockish type of human being rin sila. Medyo awkward lang dahil hindi tugma sa floral kong dress. Ang layo talaga. *inhale-exhale* Hawak ni Rye ang kamay ko nang mag-bow kami sa harapan ng audience.
Hawak niya pa rin ako ng pumasok na kami sa backstage. Kaya lang, pagkakita sa amin ni Chloe, bigla niyang hinatak si Rye sa kabila nitong kamay. “Rye. You have to change your suit na. Ikaw na lang ang hindi pa nakakapagbihis,” sabi nito sa kanya.
“Aba malamang. Siya ang last na nagpresent ng talent ‘di ba?” sagot ko.
“Could you just please stay outside? Ayokong may maingay dito,” sagot ni Chloe.
“Ha? Eh competition ito Ma’am. Sa’n ka nakakita ng isang competition na tahimik?” pambabara ko plus irap.
“You—“ naputol ang sinabi niya nang makarinig siya ng isang matinding “ehem” mula kay Rye. Uhm. Malakas rin pala ang power ng ehem. Well. He’s Rye, can’t agree more.
“Pwede ba. Hindi ito ang oras para pagtalunan niyo ang pagbibihis at pag-iingay. Para kayong bata. Please. Get out. Both of you,” and here he go again. Bumabalik na naman siya sa pagkamainitin ang ulo. Kilala ko siya. Ganyan talaga siya.
Nagkibit balikat na lang ako at lumabas na sa loob ng backstage. Si Rye kasi ang taong kapag galit, kailangang pinapabayaan muna dahil mamaya, magiging cool na rin siya.
Habang lumalabas ako ng kwarto, naririnig akong pinapalabas niya na rin ng kwarto si Chloe. Hmm. Nakalimutan ko bang sabihin sa kanya na minsan, parang meron rin si Rye? Well. Nakakatuwa. Kapag ‘yon na ang nagalit, walang pinipiling tao.
Napatawa ako papalabas ng backstage. Dun ako dumaan sa makipot na daanan diretso sa mga seats sa harapan. May isang row roon na puro reserved seats kaya wala talagang nakaupo kahit pa halos nagtutulakan na ang mga tao sa likod lang mismo ng mga upuan na ‘yon.
Naupo ako with feelings. Nawala ang lahat ng feelings nang sadyain talaga ni Chloe na tumabi sakin. Well, wala eh. Wala akong magagawa.
“Pwede ba. ‘Wag kayong mag-PDA ni Rye sa school. Go get a room,” she whispered.
“How could we get a room kung lagi kang nakadikit sa kanya?” I chuckled.
“What a mouth. Ilang taon ka na pero ganyan na ang lumalabas sa bibig mo,” Is she mad?
“Please. ‘Wag mo kong awayin. I’m trying to follow a dare today.”
“At kapag inawah kita?”
Lumapit ako para ibulong sa kanya ang mas mahalaga ko pang sasabihin. “Sasabihin ko sa fans club ni Rye na kinakalantari mo siya. Gets?”
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomancePG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)