51: Naughty Railway

8.6K 185 27
                                    

Part 2

Dedicated to Sheele for her unstoppable na pangungulit sa update. :) 

Chapter 51: New Life?

 

Rebecca’s POV

After several months…

Kung yayaman lang ako sa bawat paghabol ni Rye, siguro yumaman na ako. Kaya lang, hindi e. Nakailang beses na akong nagsabi sa kanya na ayoko na. Pero, weird e. Kahit nasaan ako, inaasahan ko, deep inside, na magkasalubong man lang kami. Pero, the heck. Yoko na.

“Ma’am, dito po,” pag-guide sa akin ng isang babae sa in-apply-an kong school. Tanggap na ko. Salamat kay Mama na may connections sa lahat ng school na pwedeng tumanggap sa akin. Ang dami kong in-apply-ang school, pero ni isa, wala lang pumansin sa akin. ‘Di pa kasi lumalabas ‘ung result ng board exam ko. Isa pa, halos lahat ng grades ko sa TOR, may something na iniiwasan ng mga employer. Oo, naiinitindihan ko naman sila. Kahit ako, ‘di ako tatanggap nang may ganitong TOR.

                Naisip ko lang. Basehan ba ang grade sa pagkatao ng tao? Pwede namang magbago e. Malay natin, mas bumuti na ‘yung mga taong may bagsak na grades noon.

                “Thanks,” sagot ko sa kanya. Nakapusod ang buhok niya. Si Ate ata ‘yung teacher aide dito. Nasa school ako ngayon. School na bago kong papasukan. Nakaka-amaze.

                Binuksan ko ‘yung pinto ng kwartong itinuro niya sa akin. Pagbukas ko, isang grupo ng maliliit na bata ‘yung bumungad sa akin. Isang colorful na kwarto ang nasilayan ko.    

                Walang duda. Pre-school nga talaga ang bagsak ko. Private school. Kaya natanggap ako.

                “Good morning, Miss?” bati ng bagong babaeng sumalubong sa akin. I’m Teacher Joy,” sagot niya.

                “Hi, Teacher Joy,” sagot ko. “Rebecca Canlas po,” dugtong ko. Wala na akong choice. Kaya dito na ako nag-apply. Pre-school. Good luck sa pasensya ko. Err.

                “Class, say good morning to Teacher Rebecca,” sabi niya sa mga bata. “Today she’ll be observing you. She’ll be your new teacher in C.L.E.” Ito ba talaga ang subject na ipapaturo sa akin? “Aside from C.L.E., she’ll be teaching Language and Reading. Please be good to your new teacher, okay?” mabagal nitong sabi sa mga bata.

               

Aww. Ang gulo ng buhay ko. Parang bawat araw, bagong chapter na ‘yung kinakaharap ko. Tulad nito. May isang batang lalaki ang nakatingin sa akin. Para siyang naiiyak. Para siyang naiiyak. Wait. Wait. Iiyak na ata siya. “Umiiyak ata siya ate,” banggit ko sa teacher aide na sumalubong sa akin kanina. Nagwawalis kasi siya sa may likod na bahagi ng room.

“Si Josh talaga, naihi na naman,” may dismaya sa tono ng boses niya pero nakangiti pa rin siya at kinuha ang bata at inilabas. Sana may gano’n rin akong pasensya.

Natapos agad ang klase. Three hours lang naman kasi ang klase ng kinder 1. So, mabilis lang ang araw nila. Nakaupo pa rin ako sa likod habang nagninilay kung totoo na ba ‘tong kinalalagyan ko ngayon.

                Maya-maya, niyaya ako ni Teacher Joy malapit sa table niya. Ito lang ang mataas na table sa loob ng makulay na room na ito. Ang mga table ng bata ay mabababa rin. Siguro, 24 silang lahat sa loob ng room. Umupo na ako sa harap ni Teacher Joy. Siya rin ‘yung isa sa mga teacher na nanuod nung nag-demo ako eh.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon