Chapter 46: Four Ways
“Break na kayo? For real, este, for good?”
“Roxanne. ‘Wag mo nga kong matanong niyan.”
“Eh nag-te-text pa ba?”
“Oo.”
“Ni-re-reply-an mo?”
“Oo, e.”
Halos mabatukan na ako ni Roxanne para i-emphasize sa akin ang katangahan ko. Eh ano naman kung nag-rereply ako ‘di ba? Ano naman kung miski mabagal, nagpapa-load pa rin ako para mag-reply kay Railey. Kahit puro “Okay.” “Ah, sige.” “Kain.” “Same to you.” “Good morning rin.” lang naman ang reply ko.
“Ang tanga-tanga mo talaga,” sabi ni Roxanne sa akin habang patuloy lang siya sa pagsusuklay ng buhok. Nasa safest place on earth kami—ang lugar para sa mga broken hearted—ang comfort room.
“’Di ba ang unang dapat gawin kapag nag-break na ay i-break na rin ‘yung communication? Anong point ng kaartehan mo, Bec?” dugtong niya at tinarayan niya ako.
“Gan’to kasi ‘yan…” simula ko, “hindi ko naman talaga intensyon na i-entertain siya, ang point ko lang, maramdaman niyang hindi ako okay sa kanya,” paliwanag ko.
“Ewan ko nga sa’yo, bumabalik ka naman sa dati. Ganyan ka sa tuwing nakikipag-break ka eh. Laging may continuation process na nagaganap.”
“Ibahin mo ko ngayon, Roxanne, this time, hindi ko na siya babalikan. Never na ko magpapaamo sa kanya.” Inirapan ko rin ng full-time si Roxanne para maniwala siya, kaya lang, never naman niya kong pinaniwalaan sa sinasabi ko simula ng magkwento ako sa kanya tungkol kay Railey. Achuchu ko lang raw ‘yon. Siya ang nangunguna para itigil ko na ang pagpapapansin kay Railey in all forms.
Nang matapos kaming magmaganda, lumabas na rin naman agad kami at pumunta na ng kanya-kanyang gawain. Ako, pumunta sa office ni Dean, at siya naman pumunta sa classroom niya. Pagpasok ko ng office ni Dean, bumungad kaagad sa akin si Sir Jael. Naghihintay siya sa may tapat ng table ko.
“Kumusta?” tanong nito.
Ang tanong na ‘Kumusta?’ ay isa sa mga nakakainis na tanong dahil parang ang required lang na sagot dito ay ‘Okay lang.’ Kapag sinagot ko ‘to ng okay lang, sigurado akong ‘Ahh…’ naman ang sunod na sasabihin nito.
“Okay lang,” sagot ko at inilapag ko na ‘yung maliit kong pouch sa table ko. “As if you care,” dugtong ko.
“As if you’re okay,” sagot naman nito. “Masakit ba?”
Hindi ko alam kung nang-aasar lang siya o nang-iinis o pareho niya ‘tong ginagawa. Close ba kami para tanungin niya ako ng ganoon? Malalim na buntong hininga na lang ang sinabi ko. Wala eh. Ganito talaga siguro ang reaction ko sa bawat break-up. Pero ‘yung kay Rye, ito kasi ‘yung pinakamabigat.
“Umupo ka nga ng maayos.” Ginawa naman niya. “Pagnilayan mo kung may taong naging masaya agad after ng break-up, dali.” Ito naman ang sagot ko. Buti na lang wala akong kasama sa loob. Hindi pa dumarating sila Dean at si Miss Jen eh.
“Ako lang ba ang masaya sa break-up?” at tumawa ito. Kainis. Masyado na ata siyang pumuputi at gumugwapo sa paningin ko. “Ganito kasi ‘yan,” tumigil siya.
“Ano po ‘yon, kamahal-mahalang Sir Jael Agustin?”
“May apat na paraan para maka-move on.”
“’Di ko kailangang maka-move on.”
“I don’t care, makinig ka na lang.” Bihira siya mag-joke kaya nawiweirduhan ako sa kanya.
“Una, burahin mo ang number niya. Dali, gawin mo na.”
Napilitan akong ilabas ang phone ko at burahin ang number niya. “Okay na ba?” tanong nito, at tumungo naman ako.
“Pangalawa,” naka-peace sign pa siya sa harapan ko, “Burahin mo lahat ng makakapagpaalala sa kanya sa’yo at sa buhay mo.”
“Ang dami naman,” sagot ko knowing na mag-iisang taon rin naman kami ni Railey.
“Kapag tapos mo na ‘yan, gawin mo na ‘yung pangatlo.” Tumango ako bilang signal na nakikinig ako. “Subukan mong maging busy sa ibang bahay—este bagay. Isip ka ng ibang activities na makakapagpa-busy sa’yo. Halimbawa, mag-gym, mag-zumba, at matulog ka na lang ng maaga kung tinatamad ka.” Tumawa ‘to ng marahan.
“Whatever. Ano na ‘yung pang-apat?” tanong ko.
“Sa palagay mo ba ready ka na sa pang-apat?” tanong niya.
“Oo nga. Bilisan mo na, at baka dumating pa sila Dean. Naiinip na ko,”iritableng sagot ko naman.
“Akin na ‘yung kamay mo. Sa palad lang malalaman ang kasagutan,” joke ba ‘tong sinasabi niya?
Inabot ko naman ‘yung palad ko sa kanya at kasabay nito inintay ko ‘yung susunod niyang gagawin. Nakalahad na ang palad ko sa harapan niya, at naghihintay ng susunod na ‘step’ kuno niya.
Kaya lang, imbes na magsalita, nagulat ako ng hinawakan niya ‘yung kamay ko, “Maghanap ka na lang ng iba.” Malamig ang kamay nito. Hindi ko ma-describe ang pagkakakatitig ng mga mata niya sa akin, at nakakakilig masyado ang tipid na ngiting binato ng labi niya sa akin.
Sa gulat ko, bigla kong binawi at inilayo sa kanya ‘yung kamay ko. “Kadiri ka,” ito na lang ang naisagot ko.
“Joke lang.” Agad niyang bawi. “Pero, some jokes are meant to be broken.”
“Huh?” mali ata ‘yung sinabi niya. “Baka naman some jokes are half-meant.”
“Hindi, sure ako sa sinabi ko. Kasi hindi naman joke na sabihin sa’yo na matagal ko nang hinihintay na maghiwalay kayo.”
Sumakit ata ang todo ang leeg ko. Kaka-break lang namin kahapon ni Rye tapos may isa agad na nagtatapat sa akin ngayon? Sabihin niyo nga kung gaano kahaba ang buhok ko? Dali dali.
“Hindi porket tinanggap ko ‘yung panyo mo kahapon ay ibig sabihin na no’n na tinatanggap rin kita. Tandaan mo, Jael, hindi mo pa ako lubusang kilala. Hindi rin kita kilala. Kaya, lumayo ka muna. Kaya ko namang mag-deal ng break-up ng walang kasama.”
“Rebecca, hindi ko piniprisinta ang sarili ko bilang manliligaw mo. Ang sa akin lang, gusto ko lang maging kaibigan mo. Gusto ko lang mag-abot ng panyo sa tuwing umiiyak ka. Gusto ko lang mag-tagay para sa’yo sa oras na gusto mong uminom at mag-isa. Wala naman akong inaantay mula sa’yo. Hayaan mo lang akong gawin ang gusto ko. Please.”
“Bahala ka, Jael. Ang sakin lang, distansya muna habang nagpapagaling ako ng puso. Naiintindihan mo ba?”
Tumango ito. Ay mali, ngumiti rin pala.
“As you wish, my princess.” Muli niya na naman akong binigyan ng isang ngiting pang-prinsipe.
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomancePG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)