48: Almost and Really

8.1K 152 19
                                    

Chapter 48: Almost and Really

Jael’s POV

 

“Tulala ka na naman, Bec.”

“Xan, hindi ko na alam gagawin ko.”

“Soul searching na siguro tawag d’yan.”

“’Yon na ba bagong meaning nun?”

“Ewan ko, ‘yun na lang. Kunwari, seryoso ka na sa buhay mo.”

                Hindi ko alam kung seryoso ba silang nag-uusap ng best friend niya o sadyang normal lang silang magbarahan. Kasama ko sila ngayon sa canteen and we’re eating our lunch. Napapakunot-noo na lang ako sa tuwing mapapakinggan ko ‘yung pambatang asaran nila.

                Kasama ko silang kumakain ngayon sa iisang table. Sinasamahan ko lang talaga siya. Vacant ko naman kapag break time nila. Nagkakataon pero sinasadya ko rin. Kahit panay ang patawa ni Roxanne, ramdam ko pa ring hindi masaya si Rebecca. There is always a mystery on her eyes. Siguro, kalungkutan ‘yon, gawa na rin ng nangyari sa kanila ni Railey. Oops. This is what I hate about love.

                Even the sweetest couples break up. What can I expect from love?

                Sa una, masarap, pero kapag tumagal-tagal, nagsasawa na sila, nawawalan ng gana. Konsepto na lang ng love ang alam nila, pero ang taong dapat minamahal nila, nakalimutan na nila.

                I almost captured Rebecca when Railey almost left her. But, almost is not enough. There came a time when Railey kept her away from me. I’m not saying that I wanted to keep Rebecca, but then, I’m comfortable whenever I’m with her. I’m being real without limits.

                Naaalala ko tuloy noong unang araw na nakita ko siya. Hindi niya siguro napansing may teacher sa klase ni Roxanne na pupuntahan niya kaya ganoon na lang siya makatawag sa kaibigan niya. Speaking of Roxanne, she almost got my interest, but Rebecca really got me.

                I keep on staring at them. Then, dumating na rin ang matagal na oras na nagpaalam na sila sa isa’t isa. I immediately followed Rebecca and called her.

                “Rebecca. Are you free  tonight?”

                “Of course, I am. Bakit? Ayoko ng date. Tigilan mo ko.”

                “Date? Asa ka. Yayayain lang kita uminom. Kung gusto mo lang naman, pero kung hindi, ayos lan naman rin sa akin. Sayang naman ‘yung bagong drinks na pinopromote sa Timog…” and before I could even continue describing that drink, she already freaked out.

                “Sige! Sige!” natawa ko sa itsura niya. “Tandaan mo, ‘di ako iinom dahil broken hearted ako, iinom ako dahil alam kong malaya na ko. Is that clear?”

                “Teacher ka talaga d’yan sa follow-up phrase mo. Fine, fine. Let’s drink to celebrate your freedom.” I chuckled. Natatawa ko. Mas lalo siyang gumaganda.

               

Mabilis na lumipas ang oras. Dumating na rin ‘yung oras na inaatay ko, ‘yung madala ko si Rebecca sa may Timog. Hinanda ko na ‘yung motor ko at inilabas ‘yung helmet na gagamitin niya. Tumingin ako sa relo ko at sakto, nakita kong alas-syete na ng gabi. Alam kong masyado pang maaga para pumunta sa pupunatahan namin, kaya pwede pa kaming maggala somewhere.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon