“Teacher, ang cute po ng cheeks niyo.”
Pinipigilan kong hindi sigawan ‘yung batang lalaking kanina pa sumusundot sa pisngi ko gamit ang hintuturo niya. Naghihintay na lang siya ng sundo niya sa lobby. Wala pa kasi ‘yung magulang niya. Ako naman, kailangan ko siyang bantayan hanggang masunod siya.
Pinuno ko ng hangin kunwari ang pisngi ko. Tapos, pipindutin niya na naman ulit. Pauli-ulit lang kami hanggang sa magsawa sana siya. Eh, hindi pa rin nagsasawa. Ako naiinis na.
Rebecca. Konting tiis pa. Second day mo pa lang.
“Sino po bang magsusundo sa iyo?” mabagal na tanong ko sa bata. Nakalimutan ko na ‘yung pangalan. Hindi naman kasi ako matandain sa mga pangalan. Sa itsura, oo. Pero, pangalan, wala talaga. Binabagalan ko bawat word
Hindi niya ako sinagot. Mahiyain ‘yung bata kapag marami na akong tanong. Bakit ba napaka-unpredictable ng mga bata. Mamaya, mabait, mamaya naman tahimik. Ang gulo po nila. Sobra. Hanggang ngayon, kinukurot na ng bata ‘yung pisngi ko.
“Hi Jian!” bati ng isang…
Siya na nga. Akala ko nagkamali lang ako sa hula ko kahapon kung sino ‘yung bagong lipat na teacher. Dalawa nga kaming bago. Dalawa. Dalawa.
“May naghahanap sa’yo,” ngiting-ngiti siya. Kasama niya ‘yung sundo ata ng Jian. Jian pala ‘yung pangalan ng bata. Ang arte. Hirap tandaan.
“Hi,” bati ko. Ano ba ang dapat sabihin sa taong paulit-ulit mo ng tinatakbuhan. Pwede ba akong mag-rant agad? Hindi naman ‘di ba.
Hindi naman kami nabubuhay sa loob ng fairy tale.
“I miss you.”
Parang nanghina ‘yung mga braso ko nang marinig ko ‘yon.
“I miss you Jian. Kita ulit bukas.”
Pwe. Binabawi ko na. Nakakainis. Kailangan niya bang mang-asar? Sinasadya niya atang iparini sa akin ‘yon. Palibhasa, hindi ako sa kanya nakatingin. Hindi! Hindi!
“Hi Rebecca. Ay mali, Teacher Rebecca pala. Small world no?” ‘yung pagngiti ni Railey, ngiti ng isang consistent na tao. Consistent sa pangungulit. Kailan niya ba ako titigilan? Mukhang nagugustuhan ko na rin ‘yung paghabol niya.
“Kilala mo si Jian? Bago ka palang ah,” sabi ko. Magkaharap kami ngayon. Sa tapat ng lobby. Magaalas dose na pero sobrang nilalamig ‘yung braso ko. Dala na rin siguro sa ambiance or atmosphere na ewan.
Bad trip. Dahil sa presence niya, nagugulo ang senses ko.
“Close kami ng batang ‘yon. Ang sweet niya no?”
“Oo. Sobrang sweet pero mahiyain. Pa’no kayo naging close? ‘Di mo naman nakwento dati… Ah, wala. So, paano kayo naging close?”
“Pamangkin siya ni Chloe.”
Boom. Sana hindi ko na lang tinanong. “Ganun ba,” awkward kong sagot para sa mga awkward na conversation katulad nito. “Sige, una na ko sa room ko.”
“Rebecca, wait. Sabay na tayo mag-lunch? Break ko rin,” ngumiti siya.
“Busy ako,” bigla ko na lang nasabi. “Ang dami ko pang dapat tapusin.”
“Sana hindi pa tapos ‘yung sa’tin,” sambit nito.
“Pwede ba.”
“Sana hindi pa tapos ‘yung… Wala.” :)
Hindi ko naman siya pinayagang sumama pero pilit niya pa rin akong sinundan sa canteen. Sa pagpila ko, pumila rin siya. Bagong teachers lang kami dito, kaya, kami pa lang ang magkausap. Ang naisip ko lang, ang lakas ng loob niya para iwan ang lahat at sundan ako dito. Oo, na-aappreciate ko, pero nakakahiya rin. Nakapagdesisyon na rin kasi akong iwanan na lang ang past at mag-move on. ‘Yun naman dapat ‘di ba? Ang hirap hirap magtiwala. Sa totoo lang.
Umupo ako sa lamesang nasa gilid lang banda. Sa malapit sa bintana. Masarap rin kasing kumain kapag mag-isa ka lang habang nagmamasid-masid sa labas. Kaya lang, lumapit pa rin siya sa akin. Inilapag niya ‘yung tray niya sa mesang pinaglapagan ko rin ng tray ko. Ginagaya niya na ata lahat ng gagawin ko. Napipikon na ko. Seryoso.
“Balak mo ba ako sundan sa buong buhay mo?”
“Syempre hindi,”aray naman ‘yung sagot na ‘yon. “Bakit naman kita susundan?”
“Wala. Wala. Ewan ko sa’yo. ‘Wag ka nga dito,” sabi ko sa kanya. ANG HIRAP NIYANG BASAHIN.
“What if ikaw nga ‘yung dahilan ng pagpunta ko rito, mapapatawad mo ba ako?”
“Hindi.”
“See. Hindi ikaw pinunta ko dito. Si Jian.”
Kulang na lang sampalin niya sa akin ‘yung ideya na ‘yon. Hindi ko naman pinipilit na ako ‘yung dahilan eh. Tinatanong ko lang. Si Jian. Okay, siguro kailangan ko pang mag-research tungkol sa batang ‘yon. Mukhang siya nga talaga ang pinunta niya.
“Yaya ka na rin ba?”
“Hot Yaya? Siguro. Haha. I miss you. I really miss you.” :)
“Is that related to my question?”
“I’m sorry. I was just joking, teacher Bec. Ooops. teacher Rebecca.” :)
“Hindi nakakatuwa,” sabi ko sabay subo sa kinakain ko. Mawawalan na ata ako ng ganang kumain.
“Kumain ka ng madami. Dapat nga ganahan kang kumain kasi kasabay mo ako. Hehe.”
“Hindi naman airconditioned ‘yung canteen ‘di ba?” Insert sarcasms everywhere!
“Hindi nga, teacher,” ngumiti na naman siya.
“Bakit mo binabantayan si Jian?” Ang bait niya naman.
“May sakit kasi ‘yung batang ‘yon. Heart failure. May butas ‘yung puso. Kailangang i-close monitor ‘yung bata. Mahirap na.” Seryoso naman siya sa sinabi niya. Kailangan ko na talagang magbasa ng history ng mga bata. Lahat. Grabe. I love my job.
“’Wag mong sabihin lahat ng sasabihin ni Chloe, susundin mo.” Naghihimutok na ako.
“We’re friends, kahit hanggang ngayon. Tignan mo pa ‘tong cellphone ko, ikaw ang wallpaper. Ganyan kita kamahal Rebecca. I’m willing to give the world to you.”
Gusto kong sabihing I only need one world, and that is him. Gulo mo. Railey.
***
Sorry maikli. Sorry. Abangan niyo po ang next book ko. :) For more updates, please add me on Facebook. Just search my name. :) Lee Miyaki. :)
BINABASA MO ANG
Sir, You're Mine. FINISHED
RomancePG13. Nagsimula ang RIOT nang may isang babae ang nagsabing, "Sir, You're Mine." | Sir, You're Hot Book 2 | Not your ordinary student-teacher affair :) AVAILABLE IN NBS :)