5: Tuesdays With Chloe

22.9K 301 21
                                    

Rebecca’s POV (pa rin)

Nandito kami sa loob ng canteen at parehong naghahantay ng next class. Minsan, na-aappreciate ko  lang ang kaibigan kapag iniiwan ako ng kasintahan. Sh*t.  Ang user ko masyado. May brownies at coffee milk shake sa harap namin. Matamis, pampatanggal ng isang dekada na atang pagkabigo kay Rayling. Este, Railey. Wala na kong ibang magawa sa ngayon kundi ang isipin kung papaano ko marerelease ‘yung TOR ko. Hay. Am I really this bad?

“Wala pa rin bang balita, Bek?” nag-aalalang tanong ni Roxanne.

“Wala pa rin Roxanne. Hindi ko ma-gets. Ilang araw na nakalipas.”

“Oo nga eh. Once a week ka na nga lang sa school, tapos hindi mo pa siya nakikita.”

“Hahayaan ko muna siya.”

“Bakit naman?” kumunot rin ang noo niya pagkatanong niya rito. Kahit ako, kukunot talaga ang noo.

“Sometimes, we take people for granted because we assume that they won’t leave us. The sad truth is, people change. They get tired, impatient, and hopeless. Hanggang sa nakakalimutan na lang nila ‘yung taong unang kumalimot sa kanila.”

“Emo ka ngayon, Bek. Anong plano mo?”

“Wala naman. Gusto ko lang munang antayin na siya naman ang maghahanap sa akin. Tsaka pwede ba, masama ba mag-emo?”

Natapos ang usapan namin ni Roxanne nang mapatingin siya sa relo niya.  “Bek, siya. Sige. Mauuna na muna ako ng 30 minutes bago magsimula ‘yung klase namin. Gagawa na rin muna ako ng assignment. Kung wala kang magawa sa school, maki-seat in ka muna samin?” :)

“Salamat na lang, Roxanne. Next time siguro. Pupunta na lang rin muna ko sa classroom ng mas maaga,” sagot ko sa kanya. Inayos ko na rin ang bag ko at inilagay ang phone. Sa bagay, wala pa ring text o tawag akong natatanggap hanggang ngayon. Simula kagabi. Walang explanation no? Ang sarap murahin ng pakshit. Kainis. Kainis.

Pareho na kaming nagpaalam sa isa’t isa nang matapos na naming ayusin ang mga gamit namin. Pagkatapos, kanya-kanya ng punta sa room. Kainis! Hindi naman ako dapat pumapasok nang dahil sa secret arrangement kung hindi dahil sa prof na nakalimutan i-encode ang grade ko. Nako.

Naglalakad na ako papunta ng room. Tuesday nga pala ngayon. Kaya tawagin natin ang araw na ito na, “Tuesdays with Chloe”. Kahit hindi naman karapat-dapat i-insert ang name niya sa isa sa mga favorite kong books, gawin na lang natin. Oh kaya naman,  “Bad Chloe” este, Bad Teacher. Whahaha. Kung saan may BAD, may  CHLOE. ‘Wag sana akong karmahin sa pinag-iisip ko sa kanya.

Nang makarating ako ng room, nakita kong halos 20 na estudyante pa rin ang naroon. Dun ako tumabi sa bakanteng upuan sa may bandang likod. Isang lalaki ang nakaupo sa tabi ko. Tahimik. Pero, hindi siya gwapo. Kaya, tse muna sa ngayon.

After 10 minutes nang dumating na halos lahat ng kaklase ko sa subject na ito. Gano’n rin, dumating na rin si Chloe. Should I say Ma’am Chloe if she does not deserve to be called Ma’am?

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon