25: Railey Medrana's Way

16.3K 185 14
                                    

Author's Note: Konting appreciation naman po. Ipinagpalit ko ang tulog para sa chapter 25. I hope you'll like it. By the way, please add me on facebook. Isasali ko nga kasi kayo sa group natin. Thanks!

Railey’s POV

Gabi na nang matapos ako sa lahat ng gagawin ko sa school. Palabas na rin ako ng campus ngayon. Pansin ko nga, may Christmas Lights na ang nakadisenyo sa mga puno sa loob ng campus. May isang malaking Christmas Tree na mayroong iba’t ibang kulay. Nagpapatugtog rin pala sa loob ng Christmas Songs. Bakit may side ng Pasko na parang nakakalungkot? Although it’s a season to rejoice, there are still times that I find myself staring nowhere.

“Sir Rye!” Isang kamay ang naramdaman kong humawak sa balikat ko—Si Joe.

Binagalan ko ang lakad ko at sumabay sa kanya maglakad. Nakalagay ang mga kamay ko sa bulsa ko. “Joe, uwi ka na?” tanong ko sa kanya.

“Yes, Sir. Kayo po?” Natagalan akong sumagot sa tanong niyang ‘yon.

I am planning to visit Rebecca in her home. Yes, I know naroon na nga ang Mama niya. I’m willing to take risk para lang ipakita sa kanya lahat ng sincerity na meron pa ako. Sana lang talaga maniwala na siya.

“Mukhang malungkot kayo, Sir.” Tumingin si Joe sa akin na parang nag-aalala. Actually, I am really sad yet convinced to do something. “Dahil po ba ‘yan sa tsismis sa Faculty Room?” dugtong niya.

“Anong tsismis?” Napakunot ang noo kong nagtanong sa kanya. Hindi ako masyadong nagtatagal sa loob ng faculty room dahil busy ako sa clubs na hinahawakan ko. So, walang time to listen to any rumors.

“… Na, kayo raw po ni Ma’am Chloe ay exclusively dating? Aksidente lang pong narinig ko, Sir,” huminto ako sa paglalakad ko at tumabi sa daan. Habang papalabas ang ibang estudyante, magkausap kami ni Joe sa gilid ng gate. May mga puno rin doon kaya inaya ko siyang umupo.

“Anong sinasabi mong kami ni Ma’am Chloe ay exclusively dating? No way. She is just my friend. That rumor is the same rumor that has been scattered to bring me down.”

“Alam ko naman ‘yon, Sir. Alam ko rin naman pong wala kayong pakialam sa tsismis na ‘yon. Ang tanong ko lang po, paano niyo po babalikan si Rebecca sa ganyang sitwasyon?”

“Isa lang ang sagot d’yan. Liligawan ko siya ulit. This time, I’ll make sure na pakikiligin ko pa siya ng sobra.”

 

“Sabi na nga ba ‘yan po ang gagawin niyo Sir. Go for the gold lang po,” at nagpahiwatid na siyang mauuna na siyang umuwi.

I left the school. Naghanap na ako ng taxi, I waited until 7:00pm para lang makasakay. Saan ako papunta? Sa puso niya. I do sound corny, kaya lang, kapag inlove ka talaga, nakakalimutan mo na ang logic sa buhay mo. Nakakalimutan mo na ring iwasan lahat ng bagay na ayaw mo ng gawin.

Wala pang isang oras nang makarating ako sa bahay nila. Napatingin ako sa relo ko, at nakita ko na 9:00pm na pala. Inayos ko ang sarili ko. Inayos ko lalo ang damit ko, inayos ko rin ang buhok ko para mas magmukha pa akong presentable.

Sir, You're Mine. FINISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon