Chapter 2

136 7 0
                                    


Chapter 2

"Avvie?" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin at ang kaninang nakabusangot na mukha ay napalitan ng tuwa nang makita ang kaklase ko. He's actually a very nice guy at tinutulungan niya ako sa mga topics na 'di ko maintindihan.

"Marco, hi!"

"Grocery shopping?" Nakangiting tanong nito at bahagyang itinuro ang cart na nasa unahan ko. Ang haba kasi ng pila at halos 'di kami umuusad.

Tumango ako.

"Yes. Ikaw?" Chineck ko ko ang dala niyang basket pero wala pa itong laman.

"Just running some errands for my mom."

Kibit-balikat niya. Mas lumaki naman ang ngisi ko.

"Oh. Ikaw na ang good boy." Para siyang nahiya sa tinuran ko at napakamot sa batok.

"Who's he, babe?" Bahagya akong napaigtad nung may brasong pumaikot sa baywang ko. Pero nung napagtantong si Duke 'yun, I leaned a bit on his shoulder, but then I remembered how he flirted with that girl from earlier kaya agad din akong lumayo.

"May kasama ka pala."

Wala akong nagawa kundi ipakilala silang dalawa sa isa't isa.

"Duke, Si Marco, classmate ko. Marco, si Duke." Marco smiled politely at him pero tinanguan lang ito ng huli.

Umandar na naman ang pagka-rude nito.

Agad namang nagpaalam si Marco sa amin dahil papagalitan raw siya ng Mama niya pag tumagal pa siya.

Napailing na lang ako.

"Cute."

Narinig kong nag-tsk ang katabi ko kaya inismiran ko siya. Pinukol naman niya ako ng masamang tingin.

"Problema mo?"

"Cute? Really, that guy?"

Problema nito? Eh sa cute naman talaga si Marco eh. May pagkamahiyain din ito kaya parang bunsong kapatid ang turing ko rito. Idagdag pa na mas matanda ako rito ng dalawang taon. Accelerated ba naman ang bata.

Hindi ko na siya pinansin hanggang makalabas kami ng mall. Eh sa naiinis pa rin ako sa pakikipaglandian niya. Sanay naman talaga ako na ganyan siya, pero 'yung feeling na 'di pa nga umabot ng 24hours mula nung magmake out kami sa loob ng condo ko tas andun agad siya nakikipagflirt sa iba.

I feel so used! Chos.

Pero 'yun nga. Bahala siya sa buhay niya.

'Di rin naman niya ako pinapansin at ang sama pa ng tingin sa kalsada nung pauwi na kami.

Nauna siyang pumasok sa unit ko bitbit ang mga pinamili namin at padabog na inilagay sa kitchen counter ang mga 'yun.

Nag-init na talaga ang ulo ko at sinundan siya. Aba! Siya na nga 'tong lumalandi, siya pa itong galit? Matinde!

"Kung 'di mo nakuha ang numero ng kalandian mo kanina, 'wag mong ibunton sa akin ang galit mo!"

Napatigil naman siya at nagtatakang nilingon ako.

"Ano?" Anong "ano"? Eh kadalasan naman 'yang naiinis pag 'di nakakuha ng pwedeng ikama eh.

Tingin ko nga ilang linggo na 'tong tigang.

Parang may na-realize siya at nag-igting ang mga bagang.

Dahan-dahan niya akong nilapitan, habang ako naman ay napapaatras. Unti-unting naglaho ang galit ko at bahagyang nataranta sa ekspresyon niya.

Being His DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon