Chapter 22
"This is too much, Duke." Iminuwestra ko ang basket namin na punong-puno na. 20 minutes pa lang kami rito pero andami na niyang nakuha. Halos hindi na nga ako pumipili eh.
"You think so?"
I rolled my eyes. Seryoso ba siya?
"Yes. And besides, may mga gamit na naman na akong nabili eh. Nandoon pa sa resort."
Kailangan ko pa palang tawagan si Marco para mapadala ang mga gamit ko. Sa nakikita ko kasi, parang 'di na ako makakabalik doon sa ngayon.
"You really planned on hiding there, huh?" Napakunot-noo ako sa lamig ng boses niya kaya agad ko siyang nilingon.
Nag-iwas siya ng tingin habang igting ang mga panga.
Ano na namang problema nito?
Wala siyang imik hanggang sa makabalik kami sa sasakyan. Ang kaninang tahimik naming biyahe ay mas lumala pa ngayon, lalo na at nararamdaman ko talaga ang tensyon mula sa kanya. I kept glancing on his hands, gripping tightly the wheel until they turned white. His jaws were clenched and his eyes were coldly directed on the road ahead. He's oozing with danger when he's like this, and I don't want to be lashed at kaya nanahimik na rin ako.
I don't know what his problem was, or maybe alam ko pero ayaw ko lang talagang aminin. It would just stress me out.
Mawawala rin naman 'yang pagkabadmood niya siguro.Pero hanggang sa makabalik kami ng bahay ay hindi pa rin siya nagsasalita. Ni hindi nga niya ako pinapansin eh!
Inikot ko ang mga mata ko at nagdire-diretso sa kwarto ko sa itaas pagkatapos niyang ipakuha kina Mang Dencio ang mga pinamili namin. Agad kong naramdaman ang pagod nang makaupo ako sa kama. I sighed and lay down not even bothering taking off my shoes.
Blanko lang akong nakatitig sa puting kisame. I don't want to entertain any negative thoughts.
Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at ang mabibigat na mga yapak ang pumuno sa tahimik na silid. Hindi ako gumalaw o nagsalita kahit umatake na sa akin ang kanyang pabango.
Lumapit siya sa may paanan ko at malalim na napabuntong-hininga. Bago ko pa makuha ang gagawin niya ay naramdaman ko na lang ang mga kamay niya sa paa ko at ang pagtanggal ng sapatos ko. Agad akong nakaramdam ng kaginhawaan kaya hinayaan ko na lang siya at 'di na itinuloy ang balak na pagsaway.
"Are you tired?" Malamig niyang tanong pero nababanaag ko parin ang nakapaloob na pag-alala sa tono nito.
"Hmmm..." I sighed in pure bliss as I felt his hands massaging my left foot. I almost forgot how good he is on this. Ganun din ang ginawa niya sa kabilang paa. At nang dahil sa pagod at sa ginagawa niya, hindi ko man lang namalayan na napaidlip na pala ako.
Nagising ako sa marahang paghaplos sa buhok ko. Dahil inaantok pa ako ay mas isiniksik ko pa ang sarili sa mainit na katawan na nakayapos sa akin. Saglit na huminto ang kamay nito at mas lalo pang humigpit ang pagkakayakap sa akin. Naramdaman ko na lang ang pagdampi ng malambot na bagay sa ulo ko.
Ilang saglit pa kami sa posisyong 'yun bago ako bahagyang gumalaw at tuluyang dumilat.
"What time is it?" I covered my mouth as I let out a yawn. I stretched my arms at in-adjust niya ang pagkakayakap sa akin. Napataas ang kilay ko. Wala ba siyang balak bitawan ako?
"8pm. Gutom ka na?" Agad akong tumango nang maramdaman ang kaunting pagsiklab ng sikmura. My baby's hungry already.
Maingat niyang kinuha ang braso at umupo ng maayos. Ginulo niya saglit ang buhok at binalingan ako gamit ang namumungay pa na mga mata na marahil ay galing din sa pagkaidlip.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
Ficțiune generalăSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...