Chapter 5

144 6 1
                                    


Chapter 5



"Hurry up, Duchess! Baka gabihin tayo sa daan!"

I rolled my eyes for the nth time. Paano ba naman, kanina pa niya ako minamadali.

Kung 'di ba naman siya nag-aya na magmovie marathon kagabi, 'di ako tatanghaliin ng gising, at 'di ako magkukumahog sa pag ayos ng mga dadalhing gamit ko ngayon. Dahil nga medyo naging busy kami sa finals, nakalimutan kong iprepare ang mga dadalhin namin para sa bakasyong ito. At ang isa, 'di man lang nagsayang ng oras- the next day after our last exam, nagyaya agad na umalis. Hanep eh.

Hinila ko ang maliit na maletang dadalhin ko at lumabas na ng kwarto. Sinalubong ako ng bahagyang nakakunot-noong Duke at kinuha mula sa kamay ko ang maleta.

He's wearing a white t-shirt and a cargo shorts.

Nakalagay sa ulo niya ang Rayban.

Ay nako! Ang gwapo talaga ng damuhong 'to kahit anong suot. Kahit ata ang sako ng copra kaya nitong pagmumukhaing designer clothes.

"Ang kupad mo talaga." Palatak niya.

Siniko ko siya at nagpatiunang lumabas ng unit. Siya na rin ang naglock ng pintuan.

Excited much ang taong 'to na magbakasyon eh. 1 week din kasi kami sa beach house ng Lola niya kasama ang barkada.

Ako nga rin naman. Para rin kasi 'tong last gala namin before the hell sem starts. Pareho kasi kaming mga graduating at alam naming magkukumahog kami sa last semester namin- meeting requirements and everything.

Tas sa akin pa, may mockboard kaming dapat ipasa para makagraduate ng BSA. Sus. I just hope na makakasurvive ako nito.

"Hey guys!" Patiling salubong ni Tris sa amin. Kasama rin kasi siya sa trip na 'to since kaibigan niya rin naman ang barkada ni Duke.

Nagtatatalong niyakap niya ako at hinila papasok sa loob ng van na gagamitin. Kasya naman kaming sampu rito.

"Hi Avvie!" Bati sa akin nina Sandy at Luisa. They're Noel and Geo's respective girlfriends. Nakakausap ko sila minsan, 'yun nga lang, 'di kami masyadong close tulad ni Tris.

Nilingon at nginisihan din ako ng mga kabarkada ni Duke. At ang mga baliw, nagbow na naman sa akin.

"Ui! Kumusta?"

Doon ako pumwesto sa may bintana. Sumunod naman sa akin si Duke.

Ilang sandali pa, umandar na kami. Si Matt ang nagmaneho, at si Jay naman ang katabi nito. It's a 4hour drive kaya salitan daw sila.

Nasa likod nila si Noel Sandy, Tris, at Mark.

Kami naman ni Duke ang nasa likod nila. At ang nasa panghulihan ay ang magkasintahang Luisa at Geo.

Sobrang ingay namin sa loob at nagpapasahan pa ng mga chichirya.

"Avvie o." Inabot ko ang Piattos na binigay ni Luisa. Tiningnan naman 'yun ni Duke at kinuha mula sa kamay ko.

"Ui. Akin 'yan."

Itinabi niya 'yun sa kabilang side niya at tinaasan ako ng kilay.

"Remember the last time you ate a barbeque flavor chips? Sumama ang pakiramdam mo."

Napanguso ako nang maalala ang sinabi niya. Nasa biyahe rin kami nun papuntang Tagaytay, pero ilang sandali pa after kong kumain nun, nagsuka na ako. Our parents were even teasing me 'bout being pregnant. At sa huli, si Duke rin ang napiperwisyo dahil siya ang katabi ko.

Being His DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon