Chapter 7
Nakaupo na kaming lahat sa hapagkainan. Nakikisali ako sa kanilang kwentuhan habang 'yung katabi ko naman ay tahimik na kumakain. Kanina pa niya ako 'di pinapansin kahit na nung lagyan niya ng pagkain ang plato ko.
Siniko ako ni Tris na nasa kanan ko.
"LQ kayo?" Nguso niya roon sa isa. Nakuha naman nito ang atensyon nina Luisa at Sandy.
Napangisi ako nung maalala ang itsura ni Duke kanina. Lumabas na agad ako ng kwarto niya bago pa siya natapos magshower. At halos isang oras yata ang itinagal niya roon sa loob.
"Nope." I popped the "p" and proceeded eating. Halata namang 'di naniniwala si Tris pero hinayaan na muna niya ako. Alam ko namang kukulitin ako nito mamaya eh.
"Galit ata sa pagkain si Duke." Bulong ni Matt sa katabing si Geo pero rinig na rinig naman namin.
Hinintay ko ang reaksyon ni Duke pero 'di man lang siya nag-abalang tingnan ang mga kaharap at patuloy lang sa pagtorture sa kawawang karne na nasa pinggan niya.
Bahagya ko siyang siniko kaya napalingon siya sa akin gamit ang blanko niyang mga mata.
"Problema mo?" Taas-kilay kong tanong.
Kinunutan lang niya ako ng noo at ibinaling sa pagkain ang atensyon.
Aba't dinedma ako!
Inis na hinawakan ko ang nakababa niyang kamay and I felt him tensed up.
He tried removing it but I held his hand tightly at ilang sandali pa ay marahan kong hinaplos-haplos ang likod ng kanyang palad.
Pinukol niya ako ng masamang tingin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.
He sighed in surrender that caused me to smile triumphantly. Since mga bata pa lang kami, isa ito sa mga ginagawa ko para matanggal ang inis niya at pakalmahin siya.
He murmured something I didn't catch, before ruffling my hair.
"Shot me out of the sky..." Napangiwi kaming lahat kay Tris nang kumanta ito, rather tumula.
"You're my kryptonite.
You keep making weak, yeah, frozen and can't breathe~~" Kinindatan pa ako nito.
"Maganda ba boses ko?"
Baliw talaga. Bigla-bigla na lang kakanta.
"I knew it!"
Palatak ni Jay at may tumalsik pa na kanin mula sa bibig nito. Yuck!
"Ay, sorry." Ngisi nito at humarap ulit kay Tris.
"Ikaw nga 'yung narinig ko noon na kumanta. Matagal kitang hinanap eh!"
Parang kinilig naman ang babae sa narinig.
Hala ang bruha. Lumalandi. Akala ko ba loyal 'to sa iniirog niya?
"Talaga? Nainlove ka sa ganda ng boses ko noh?"
Bahagyang nabilaukan si Jay sa sinabi nito at mabilis na umiling.
"Nako, hindi! Nacurious lang ako kung bakit may ganun kapangit na boses!"
Nagsitawanan kami sa kaseryosohan ni Jay.
Sumama naman ang timpla ng mukha ni Tris at umambang tapunan ito ng
buto ng manok.
Pagkatapos ng magulong hapunan, kanya-kanya na kaming nagsipuntahan sa may sala.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
Narrativa generaleSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...