Chapter 25
For years, I've known that my feelings for him were deeper than I could ever afford to dive into. Pero sa halip na matakot na baka malunod ay mas lalo akong naengganyong lumusong. Siguro kasi puno ito ng misteryo--alam kong malalim, pero hindi ko alam kung ano ang nasa ilalim.
Kasabay ng pagtanggap ko sa sarili na 'di na ako makakaahon pa, tinanggap ko rin na 'di niya ako sasagipin pa. Na malulunod ako rito na mag-isa.Mariin akong napapikit at pilit nilalabanan ang panibagong sakit na umatake sa kaibuturan ng puso ko.
"Don't..."
"Savvianah..."
I opened my eyes and met his confused ones.
"Don't say the words you don't mean, Duke." Mas lalo lang akong nasasaktan. Matagal ko naman nang tinanggap na hindi niya talaga kayang suklian ang nararamdaman ko. Masakit, pero wala na akong magagawa. Pero mas masakit pala na marinig ang mga salitang 'yun kung alam mo naman na kasinungalingan lang.
Maingat akong tumayo at sumunod siya. Umupo ako sa paanan ng kama. Matagal na dumaan ang katahimikan sa pagitan namin at tanging ang mabibigat lang namin na paghinga ang maririnig sa loob ng silid."Do you really think I'm lying this time?" Narinig ko ang sakit sa boses niya at 'di ko napigilang balingan siya. His face matched his voice--frustrated and pained.
Tahimik lang ako habang tinititigan siya."I have loved you even before I learned the meaning of the word."
Mapait akong napangiti.
"Of course. I'm like a sister to you."
He chuckled dryly."I wouldn't kiss you multiple times if you're just a sister to me."
Kumunot ang noo ko at napalabi.
"Bestfriend then."
"I wouldn't have slept with you if you're just a bestfriend to me!"
Nanlaki ang mga mata ko at napaawang ang bibig kasabay ng pag-init ng mukha.
God, paano kami napunta sa topic na to?!
"But you were so drunk!"
I exclaimed in panic.Tumiim ang kanyang bibig at nagkasalubong ang makakapal na mga kilay.
"Do you really believe I wasn't thinking straight when I took you?"
Mas lalo akong naguluhan. Ang ibig niyang sabihin, hindi siya lasing noon? What the hell? Parang lahat ng dugo ay umakyat sa ulo ko.
"And you blamed me for taking advantage of your state?!"
How dare he? Sinisi ko pa ang sarili ko sa lahat!
"Hey, I'm sorry. Hindi naman talaga kita totoong sinisisi sa mga nangyari. I'm a jerk. I'm a coward. I'm selfish, I know!" Taranta niyang saad at bakas ang pagsusumamo sa itsura niya. Gusto kong magalit, pero alam kong wala ring mangyayari. At the end of the day, may kasalanan pa rin ako. I could have said no. Kung pinili kong 'wag gawin 'yun, walang mangyayari--lasing man siya o hindi. Nangyari na ang lahat at wala na kaming magagawa pa. Wala akong pinagsisihan dahil isang biyaya ang nasa sinapupunan ko. Ang tanging pinagsisihan ko lang ay ang paggulo ko sa mga buhay nila.
"But please believe me when I say that this jerk is inlove with you. Only you..."
Napakurap-kurap ako at 'di makapaniwalang napatitig sa kanya. I searched his face for any hint of lying, pero ang tanging nakikita ko lang sa mga mata niya ay sinseridad at pagsusumamo na paniwalaan ko siya. Na para bang gagawin niya ang lahat, mapaniwala lang ako.
And then it hit me.
Mahal nga niya ako! I just couldn't believe it! Pagkatapos ng lahat ng mga nangyari, maririnig ko 'to mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin o mararamdaman.
He sighed heavily, his shoulders slouched as if in defeat.
"Hindi kita masisisi kung hindi mo ako paniwalaan. After everything--pagkatapos ng paghihirap mo, bigla-bigla ko na lang sasabihin 'to." He bit his lower lip like he's in pain.
"I don't even have the right to say this. Pero mahal kita, 'yun ang totoo. At gagawin ko lahat para iparamdam sa'yo 'yun."
Nakatitig lang ako sa kanya at 'di pa rin nakahanap ng dapat sabihin. My decision was already fixed, base na rin sa pagkakaalam kong nararamdaman niya. At ngayon, hindi ko na alam kung ano ang susunod kong mga hakbang.
"I need to think..." Wala sa sarili kong saad.
He nodded in understanding as he squeezed my hand, pero ang mga mata niya ay puno ng determinasyon. Na wari ay sinasabi nito na hindi siya aalis at hindi niya ako bibitawan.
And for the first time on that day, ang kaninang lamig na nararamdaman ko ay napalitan ng kakaibang init na humaplos sa buo kong pagkatao.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...