Chapter 16
Maganda ang sikat ng araw pagkalabas ko, kasalungat ng nararamdaman ko ngayon. Nakatatak pa rin sa isip ko ang napanaginipan. It seemed like it's impossible to just forget it now. Ba't 'di kagaya ng ibang panaginip na pagkagising mo ay 'di mo na agad 'to maalala?
Pagkatapos magbreakfast ay nagpasya akong bumalik ng cottage para kunin ang librong kasalukuyan kong binabasa--fantasy ito at talaga namang nakakahumaling basahin. Balak kong doon sa may sun lounger malapit sa dalampasigan pumwesto para tanaw ko pa rin ang kulay asul na dagat.
"Avvie..."
Para akong natulos sa kinatatayuan ko nang makita ang taong nakatayo sa labas ng cottage ko. Matiim itong nakatitig sa akin at parang naghihintay ng magiging reaksyon ko.
Damn it, what's he doing here?!
Bumalik sa akin ang mga nangyari nung huli kaming nagkita kaya napatiim-bagang ako at pinipigilan ang sariling magpakita ng kahit kaunting kahinaan.
"What are you doing here?" Malamig kong tanong.
He stared at me for a moment, his brows furrowed, like I was a puzzle he couldn't solve.
"I've been looking for you everywhere." Napatingin siya sa tiyan ko at kita ko ang pag-iba ng emosyon niya.
Anger and--longing?
I silently reprimanded myself. Nababaliw na siguro ako para maisip man lang 'yun pagkatapos ng lahat nang nangyari. Galit siguro, oo, dahil sa ginawa ko noon.
Kinunot ko ang noo ko.
"Bakit?"
No. Don't ask further questions, Avvie.
You'd just stress your baby.Hindi ko na hinintay ang sagot niya at nilagpasan na lang siya para makapasok na sa loob.
Narinig ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga at pagsunod sa akin.
"Let's talk."
Binuksan ko agad ang pintuan ng silid ko, pero bago ko pa man maisara 'yun ulit ay malaya na siyang nakapasok sa loob. Mariin akong pumikit at kinalma ang sarili. He's invading my space again. Mas lalo ko pang naramdaman ang presensya niya ngayong kami lang dalawa sa loob ng tahimik na silid at tanging ang mga hininga lang namin ang maririnig. And my fast-beating heart.
"Wala na tayong dapat pag-usapan pa." Pilit kong pinapakalma ang boses ko at ang pagkalabog ng puso ko. Hindi na ako dapat pang makaramdam ng ganito. It's unhealthy. He's unhealthy for me.
Nakita ko sa sulok ng mga mata ko ang pagtiim-bagang niya at wari ay pagpigil sa sarili.
"Of course, we've got lot of things to talk to. After all, hindi mo ako sinipot sa kasal natin at bigla ka na lang naglaho! You even lied about your pregnancy!"
Para akong narindi sa narinig at marahas siyang nilingon. Namumula na ang mga mata niya sa galit at sa frustration, pero mas lalo lang nung pinapaalab ang nararamdaman ko.
Galit ako."Hindi ba 'yun naman ang gusto mo?! Ang 'di matuloy ang kasal? Ang 'di matali sa akin?! Binigay ko lang sa'yo 'yun, ano pa ang pinagpuputok ng butsi mo?!"
I've never felt this kind of anger towards anyone before. Kahit nung paulit-ulit niya akong saktan. Pero ngayon, parang naghalu-halo na ang nararamdaman ko hanggang sa ang nangingibabaw na lang ay galit.
Para itong nagulat sa biglaan kong pagsabog, pero agad ding nakabawi at mas lalong dumilim ang itsura. Mabilis itong lumapit sa akin at hinaklit ang braso ko sa pagkabigla ko.
"Kaya tinago mo ang pagbubuntis mo sa akin?!"
I clenched my jaw tightly as I felt the pain on my arm. I could already imagine the nasty bruise I'd get later, pero 'di ako umaray. Katulad na lang ng 'di ko pagreklamo rati kahit nasasaktan na ako.
"At anong plano mo, paghigantihan ako sa pamamagitan ng paglilihim mo dahil 'di ko gustong pakasalan ka?! You're really selfish!"
Sa isang iglap ay narinig ko na lang ang paglagapak ng kamay ko sa pisngi niya sa isang malakas na sampal. Tumabingi ang mukha niya at namula ang pisngi dahil sa lakas ng impact nito.
Nanginginig na ako sa galit.How dare he say that?!
"Ang kapal ng mukha mo..." Gumaralgal ang boses ko dahil sa matinding emosyon.
He clenched his jaw as he turned to me. 'Di pa rin humuhupa ang bagyo sa mga mata niya. Pero tingin ko, wala nang makapagpapigil pa sa akin ngayon.
Gusto niya akong makausap? Mag-uusap kami!
"Umalis ako dahil hindi sila titigil hangga't 'di tayo kinasal lalo pa at buntis talaga ako! And you don't want that, right? Umalis ako at nilihim 'to sa'yo dahil ayaw kong ipagpilitan ang sarili ko sa'yo at ang anak ko! I just saved you from that damn marriage like what I promised at ngayon, bigla ka na lang magpakita at susumbatan ako?! How--"
Bigla akong napatigil nang maramdaman ang pagsiklab ng sakit sa sinapupunan ko. Napahawak ako sa tiyan ko at marahas na huminga, pero mas sumidhi ang sakit nito at parang hinihila ang mga lamang-loob ko."What--Savvianah?"
Binalot ako nang takot nang naramdaman ko ang likidong umagos sa hita ko at nang tingnan ko ito ay nanlamig ako.
No...no...please!
"Fuck!"
Naramdaman ko na lang ang pag-angat at pagbuhat sa akin, pero ang tanging nasa isip ko lang ay baby ko.
No. Baby, please hang on. 'Wag mong iwan si Mama.
Narinig ko ang pagkalabog at ang boses niya na tinatawag ako, hangga'ng sa unti-unti na itong humina at dumilim ang paligid ko.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...