Chapter 15

117 4 1
                                    

Chapter 15

I inhaled deeply and smiled contentedly as fresh air filled my lungs. Mas lalo pa akong napangiti nang makita ang kulay orange na kalangitan. Papalubog na ang araw at damang-dama ko ang tahimik na kapaligiran.
Nakaupo ako sa ibabaw ng malaking bato sa may bandang dulo ng resort habang sinasayaw ng hangin ang mahaba kong buhok.

Napahawak ako sa may kalakihan kong tiyan at marahan itong hinaplos. 5 months had passed at anim na buwan na ang pinagbubuntis ko.
Tinulungan ako nina Marco at binigyan ng pansamantalang tirahan sa resort nila sa probinsya.
Siya rin ang namamahala rito habang nagrereview para sa board exam. The guy's really a genius at nakaya niyang pagsabayin lahat.

Ako naman ay 'di pa magtitake ng board. Gusto kong isaalang-alang muna ang baby ko bago ang lahat. Alam kong sobrang delikado ang pagbubuntis ko kaya nga 'di ko hinahayaang ma-stress ako masyado. Mabuti na lang din at may matitirhan akong kagaya rito na sobrang payapa at malayo sa ano mang gulo at polusyon sa Manila.
Si Tris naman ay doon nagrereview. Noong una ay pinipilit niyang samahan ako rito pero ayaw ko naman na pati buhay niya ay madamay nang dahil sa akin kaya madalas na lang niya akong dalawin dito.

Sila lang talagang dalawa ang nakakaalam ng kinaroroonan ko matapos kong ma-ospital at 'di siputin ang sariling kasal.

Kasal

Kumusta na kaya siya?
'Di ko mapigilang minsan ay maalala siya kahit pa wala silang ibinabalita sa akin tungkol sa kanya, sa kagustuhan ko na rin.

Paano kaya kung natuloy 'yun?
Mag-iiba kaya ang kahihinatnan ng lahat?
Matatanggap niya kaya ang anak namin?

Napabuntong-hininga ako. 'Di ko na dapat isipin ang mga what if's na 'yan. I'm already here at ang tanging rason ko na lang para lumaban ay ang baby ko. I need to fight for him to survive kahit ang kapalit pa nun ay ang sarili kong buhay.

Nang mag-umpisa nang dumilim ay naglakad na ako pabalik ng cottage ko. May iilan pang tao ang nasa tabing-dagat at sinasamantala ang pagkawala ng araw.

"Avvie, hija, kumusta si baby?" Nginitian ko si Tita Farrah, nang makasalubong ito. Nakilala ko lang ito sa mismong resort dahil regular ito na nagbabakasyon dito kasama ang asawa at minsan ay mga anak. Family friend din kasi ito nina Marco.

"Okay naman po." Hinaplos ko ang tiyan ko at mas lumapad ang ngiti.
"Ang likot na nga minsan eh."

Umiiling ito habang natatawa.

"'Ku, ang active ni baby." Pinasadahan din niya ng haplos ang umbok ng tiyan ko at masayang kinausap ito.
"'Wag mo lang masyadong pahirapan si Mommy ha?"

Maya-maya pa ay nagpaalam na ito dahil hinanap na ng asawa, kaya nagtuloy-tuloy na rin ako patungong kwarto ko.

Ito ang araw-araw kong ginagawa sa loob ng limang buwan, namamasyal lang sa may dalampasigan tuwing umaga at dapit hapon o 'di kaya ay nagbabasa ng kung anu-anong libro na kadalasan ay about pregnancy at motherhood.

Minsan, 'di parin ako makapaniwalang may nabubuhay na sa loob ng sinapupunan ko, na pagkatapos ng ilang buwan ay may tatawag na sa akin ng Mama o Mommy o Nanay. Kahit andun pa rin ang takot dahil hindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin, sa amin ng anak ko, mas lamang pa rin 'yung kakaibang saya na hatid nito sa akin na siguro 'yung mga ina lang ang makakaintindi.

Pagpasok ko sa cottage ay naligo muna ako at nagbihis saka nagpadeliver ng hapunan. Kadalasan naman ay nagluluto ako, pero pag ganitong tinatamad ako ay nagpapahatid na lang ako ng pagkain dito.

Pagkatapos maghapunan ay nagbasa muna ako ng libro at mga isang oras pa ang lumipas bago tuluyang hilain ng antok.

7am uli ako nagising kinaumagahan tulad nang nakasanayan. I took a shower and decided going out for my daily walk before having a breakfast. Naka-white summer dress lang ako at naka-tsinelas na blue, bagay na bagay sa magandang panahon.
Pero mga ilang hakbang pa lang ay bigla akong napahinto nang makita ang bulto ng tao na hindi ko inaasahang makita rito.
He was staring at me with those dark unfathomable eyes that kept on haunting me for the past months.

Mariin akong napapikit.
Am I hallucinating? Again?

'Di kasi ni minsan na nangyari 'to sa akin, dala na rin siguro ng pangungulila, lalo na nung unang mga linggo.
Iminulat ko ang mga mata at napalunok nang nandoon pa rin siya sa kinaroroonan niya.

Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya. Ganun parin siya, pero halata ang pagka-matured nang kaunti.

Unti-unti siyang naglakad palapit sa akin at parang natulos ako sa aking kinatatayuan.

"Savvianah..." He breathed when he's already inches from me.
I swallowed the lump on my throat when I heard his deep voice.

Oh God. His voice. Gustong-gusto ko marinig ang boses niya noon-it used to make me happy. Pero ngayon, puro na lang sakit at pait ang nararamdaman ko.

Napapikit ako nang iangat niya ang kamay at marahang hinaplos ang pisngi ko.
At sa isang iglap lang ay nakapaloob na ako sa mga bisig niya para sa mainit na yakap.

"I missed you so much." Mahinang anas niya na siyang nagpagising sa akin.

Humihingal akong bumangon at napahawak sa dibdib ko. Nararamdaman ko ang malakas na pagtibok ng puso ko na para bang kagagaling ko lang sa pagtakbo.

Ba't napanaginipan ko na naman siya? Pagkatapos ng ilang linggo'ng payapa ang pamumuhay ko pati ang pagtulog ko, bumabalik na naman ito? No, ginawa ko ang makakaya ko para hindi na 'to maisip pa. I should just erase him in my system, kahit alam kong medyo malabo nang mangyari 'yun ngayon.

But anything is possible, right?

Being His DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon