Chapter 11
Mabigat ang pakiramdam ko kinabukasan. Pilit kong minumulat ang mga mata pero 'di ko agad 'yun magawa.
Nahihirapan na rin akong huminga kaya napaungol ako."Duchess..?" Nababanaag ko ang boses ni Duke at naramdaman ang mahinang pagtapik sa balikat ko.
Sinubukan ko ulit magmulat, at bumungad sa akin ang kanyang nag-aalalang mukha.
"Kanina ka pa umuungol. Ang init mo."
Doon ko lang naramdaman ang basang bimpo na nakalagay sa noo ko."Anong oras na?"
Masakit ang lalamunan ko at namamaos ang boses ko.
Kinuha niya ang bimpo at inalalayan ako sa pag-upo tsaka pinaiinom ng tubig.Medyo nakaramdam ako ng pagkahilo.
"8:10 na." Simple niyang saad at itinapat uli sa noo ko ang likod ng palad.
"May klase ka pa ah."
Takang saad ko at pumikit ulit. Gusto kong matulog ulit na parang ayaw ko."And leave you here alone?" He stated dryly at narinig ko ang mahinang kaluskos.
"You should eat."
Iminulat ko ang mga mata at nakita siyang hinihipan ang kutsarang may lugaw."You know I hate porridge." I bitterly muttered. Umiling siya at iniumang sa akin ang kutsara.
"Wala 'tong chicken or anything. Just plain salt."
Tinitigan ko pa ito para siguraduhing wala ngang ibang nakalagay ron.
Nang masiguradong wala nga ay ibinuka ko na ang bibig ko.'Di ko talaga gusto ang lugaw lalo na pag may mga sahog.
Patuloy lang niya akong sinusubuan at nung 'di na matanggap ng sikmura ko ay hininto na niya. Pinainom niya ako ng gamot pagkatapos.
Pinunasan niya ang noo ko nang may mamuong pawis roon bago iniligpit ang mga gamit at lumabas ng kwarto.
Pagbalik niya ay may dala na siyang oranges.
Umupo siya ulit sa tabi ko at binalatan ang isa.Sinubuan niya ako kaya wala na akong nagawa kundi tanggapin 'yun.
Tinitigan ko lang siya. Nangangalumata siya at parang walang tulog. Pero 'di pa rin nababawasan ang kagwapuhan niya.
His handsomeness is immortal. Really.Tinaas ko ang kamay ko at hinaplos ang ibaba ng mata niya.
He just stared at me through his lashes."'Di ka ba nakatulog?"
Nagshrug lang siya at patuloy pa rin akong sinusubuan."You should eat more. Nangangayat ka na."
Binalewala ko lang ang sinabi niya.
"Kumain ka na?"
Tumigil siya at pinunasan uli ang noo ko gamit ang tuyong hand towel."Later. 'Di pa ako gutom."
Nang maubos ang isang orange ay inalalayan niya ulit akong humiga."Just rest, 'kay? Nandito lang ako." Tumango lang ako at pumikit nang makita siyang umupo sa katabing upuan.
Hanggang kailan ka nandito, Duke?
Umayos na ang pakiramdam ko kinahapunan.
'Di na rin talaga pumasok si Duke. Wala naman daw kasing masyadong gagawin sa klase nila.Kinagabihan ay nakatayo na ako at lumabas ng kwarto.
Naabutan ko siya sa kusina na nagluluto. 'Di ko naman 'to maamoy."What are you cooking?"
Nilingon niya ako at pinatay ang stove.
Agad siyang lumapit sa akin at inilapat ang likod ng palad niya sa noo ko.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...