Chapter 10

87 4 0
                                    


Chapter 10

"'Wag mo namang ipahiya nang ganun si Mica, Avvie."

Pagkapasok na pagkapasok namin sa loob ng condo ko ay 'yun agad ang sinabi niya.

"I didn't mean it okay?" I raised my hands exasperatedly.

"At 'wag kang mag-alala, 'di ka babastedin nun!"

Padabog na hinubad ko ang sapatos ko at sinuot ang tsinelas na pambahay.

Halata naman kasing may gusto rin 'yun sa kanya. Nagtaka pa nga ako kung bakit 'di siya agad sinagot nito eh.

"You know it's not about that!" Frustrated niyang saad at sumunod sa akin hanggang kwarto.

Huminto ako at tiningnan siya nang masama.

"Then what is, Duke?!"

Nagsalubong na rin ang mga kilay niya, but then, his features slowly softened.

"Ayaw ko lang maramdaman niyang 'di ako karapat-dapat sa kanya."

I clenched my jaw.

The heck?!

"Paano naman niya iisipin 'yun kung mahal ka niya? At isa pa, it's just a small thing, Duke! Matalino siya kaya dapat niyang maisip na may mahaba pa siyang panahon para malaman ang lahat ng bagay tungkol sa'yo!"

Padabog na pumasok ako sa banyo para doon magkulong.

Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman na naman ang sakit dun.

Ako, Duke. Wala na akong panahon. Kaya ibigay mo na sa akin 'to.

Napatingin ako sa kaharap na salamin.
Namumutla ang mukha ko pero halata ang pamumula ng mga mata.

Mababakas ang sakit sa itsura ko.
Umiwas ako ng tingin at naghubad para makaligo.

Gusto kong alisin ang lahat ng mga masasakit na nangyari nitong mga nakaraang araw.

Tumapat na ako sa dutsa at nilunod ang mga luhang mabilis na nagsipagbagsakan.

'Di ako umalis doon hanggang sa nangangatal na ang mga labi ko sa ginaw.

Nanghihinang pinatay ko ang shower at kinuha ang tuwalyang nakasabit sa may rack.

Lumapit uli ako sa may salamin at nakita ko ang pagod sa itsura ko.

Napahawak ako sa may bandang puso ko at suminghap nang malalim.

Ba't ang sakit mong mahalin, Duke?

Pagkalabas ko sa banyo ay naabutan ko siyang nakaupo sa may paanan ng kama ko habang nakayuko.
Agad din siyang napalingon sa gawi ko nang marinig ang pagsarado ng pinto.

Kumunot ang noo niya at nilapitan ako.

"Are you sick?" Hinawakan niya ang baba ko kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Malamig lang ang tubig."
Tipid kong sagot at humakbang papunta sa vanity table. Naramdaman kong nakasunod ang tingin niya sa akin.

Napabahing ako. Tss. Magkakasipon pa yata ako.

"Sabi ko naman sa'yo na 'wag kang masyadong magtagal sa shower, 'di ba?" Pangaral niya at pumasok sa banyo. Narinig ko ang pagbukas ng cabinet doon.
Shit!

Natatarantang tumayo ako at sumunod sa kanya.
Nagpang-abot kami sa may pintuan, may hawak na siyang garapon ng gamot.

Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko habang itinaas niya 'yun.

"Magbihis ka muna baka tuluyan ka pang magkasakit." Iginiya niya ako sa walk-in closet ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang makitang Decolgen at Biogesic ang laman nun, pero agad ding namula nang marealize na nakahawak ang kamay niya sa hubad kong balikat.

Tanging maliit na tuwalya lang pala ang nakatapis sa hubad kong katawan!

Dali-dali akong pumasok sa closet at inilock ang pinto.

Nagririgodon na naman ang puso ko.

Pero teka--ba't pa ako nahiya eh sanay naman ako ng ganito?

Ito ba ang nagagawa ng pagkakasipon ko?

Bumahing ulit ako.

Matapos kong magsuot ng PJs ay lumabas na ako. Agad naman niyang iniabot sa akin ang isang tablet na gamot at baso ng tubig.

Kinuha niya agad ang baso na ginamit ko at inilagay sa nightstand.

Pinahiga niya ako sa kama at kinumutan.

"Masama ang pakiramdam mo?" Nag-alalang tanong niya kaya umiling ako kahit gustong-gusto kong sabihin na "Oo, Duke. Masamang-masama. Nasasaktan na ako."

"I'm fine. Mawawala rin 'to." Bumahing ulit ako.

Nagflat ang linya ng mga labi niya at tinitigan ako.

Naghubad siya ng sapatos at hinubad ang t-shirt kaya tumambad sa akin ang perpekto niyang katawan.

Nanlaki ang mga mata ko.

"What are you doing?" Nilingon niya ako at tinaasan ng kilay.

"I'm sleeping here." Simple niyang saad at kinalas ang belt ng pantalon. Napaiwas ako ng tingin.

Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin kaya napalingon ako sa kanya.

"'Di ka maliligo?"
He raised his brow and licked his lower lip.

"Tinatamad ako. Bakit? Mabaho na ba ako?" Inamoy pa niya ang sarili.

Napanguso ako. Ang bango kaya niya. Para pa ring bagong paligo pa lang siya kahit kanina pa 'yung umaga.

Ngumiti siya at niyapos ako ng yakap.
Bahagya ko naman siyang tinulak kaya napakunot ang noo niya at niyuko ako.

Mas mahuhulog ako sa'yo, Duke. Alam ko namang 'di mo ako sasaluhin.

"Baka mahawa ka sa akin."
Simple kong saad at pumikit.
Pero 'di siya nakinig at mas hinapit pa ako kaya napasubsob ang mukha ko sa hubad niyang dibdib.

"Eh 'di mahawa. Ayaw ko namang ikaw lang mag-isa ang mahihirapan."

Naikuyom ko ang mga palad ko at mas isinubsob ang mukha sa kanya. I tried hard to fight off the tears that threatened to fall.

Please, 'wag kang magsalita ng ikakalunod ko pa lalo. Mas 'di ako makakaahon nito.

At baka ikamatay ko na 'to.

---------

Being His DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon