Chapter 21
"Get ready. We're going out." Nagsalubong ang mga kilay ko sa bungad niya sa akin. Kakagising ko lang mula sa siesta ko dahil naiihi ako. Kaya kahit inaantok pa ako ay wala na akong nagawa kundi magbanyo.
Nakaupo siya sa gilid ng kama habang kaharap akong nakatayo.
"Where to?" Lihim kong pinasadahan ng tingin ang suot niya mula sa inaantok ko pang mga mata. He's just wearing a cargo shorts and navy blue polo shirt. White sneakers lang ang sapin sa mga paa. Sabado ngayon kaya wala siyang pasok sa opisina.
Naghikab ako at kinusot ang mga mata para pawiin ang antok.
Kumunot ang noo niya habang sinusuri ako.
"If you're still sleepy though, we could--" Alam kong sasabihin niya na ipagpaliban na lang namin kung saan man kami pupunta, kaya iwinasiwas ko 'yung kamay ko para putulin siya.
"'Di. Okay lang. I'll just take a shower." Nahagip ng mga mata ko ang oras sa may nightstand. Alas-tres na pala ng hapon, so mga tatlong oras din ang tulog ko.
Akmang may sasabihin pa siya nang tinalikuran ko para kumuha ng towel. Sayang naman ang outfit niya kung 'di kami matutuloy.
Saglit lang akong naligo para mawala ang lagkit na nararamdaman at para pawiin ang bakas ng antok. Nakaligo na naman kasi ako kanina pero dahil sa init ng panahon ngayon ay feeling ko ilang araw na akong 'di naliligo.
Wala na si Duke pagkalabas ko ng banyo, marahil ay nasa baba na. I chose a light blue maternity dress na tatlong beses ko lang ata nasuot. Tinitigan ko ang sarili sa full-length mirror--wala namang pagbabago sa itsura ko mula nang magbuntis ako maliban sa lumaki ang tiyan ko, ang balakang at ang mga dibdib. My skin's slightly glowing as well, dahil na rin siguro sa pagbibilad ko sa pang-umagang araw nung nasa resort pa ako.
Tataba kaya ako pagkatapos manganak? If so, dapat na siguro akong mag-exercise nun. Though hindi naman ako ganun ka conscious sa figure ko noon, gusto kong i-maintain ang dati kong size. Ayaw ko namang magpalit ng wardrobe. It's a waste of money!
I just put a powder and a lipbalm dahil hindi naman ako namumutla. If anything, pregnancy made me look healthy.
Bumaba na rin ako pagkatapos magsuot ng ballet flats at kunin ang sling bag ko.Agad tumayo si Duke mula sa inuupuang sofa nung makita akong pababa ng hagdan. Tinagpo niya ako sa puno nito at inalalayan.
"Where are we going again?" Tanong ko na 'di siya binalingan pagkatapos naming magpaalam kay Nanay Marta. Pinatunog niya ang kotse niya at binuksan ang passenger's seat. Hinayaan ko lang siyang alalayan ako.
"Mall." Simple niyang saad at sinarado na ang pinto bago umikot para sa driver's seat.
Ano namang gagawin namin sa mall?
Oh well, bibili pa pala ako ng mga personal kong gamit. Good thing naisip na niya 'to.He inspected my side first, making sure that I was all buckled up, then started the ignition. Our entire ride was mainly silent, aside from the small talks that were short-lived, na para bang hanggang ngayon ay nagpapakiramdaman pa rin kami. Sa totoo lang, nakakapanibago talaga. It's like we've just known each other recently. Mas mabuti pa nga siguro 'yung mga bagong magkakakilala lang, hindi nila siguro ganito ka nililimitahan ang pag-uusap.
Kahit kasi hindi namin isatinig, alam naming may harang na sa pagitan namin. Hindi ko alam kung siya rin ba ay nagtayo nito o ako lang. Either way, parang mahirap na gibain. Hindi ko alam kung darating pa ba ang araw na babalik kami sa rati, basta ngayon, masaya na ako na maramdaman ang pagmamahal niya para sa anak namin. It's every mother's desire for her child.Nagtungo muna kami sa supermarket at namili ng mga kakailanganin ko. We even bought groceries for the whole week.
Napahinto ako sa paglalakad nang maramdamang bigla siyang tumigil. Bitbit niya ang eco-bags na naglalaman ng mga pinamili namin. Nilingon ko kung ano ang tinitingnan niya at tahimik na napasinghap. Binalingan niya ako at nakita ko ang kislap sa mga mata niya.
"Let's get inside?" He sounded even hopeful that denying him of his request just felt like a sin.
Tipid akong tumango na siyang ikinaliwanag ng mukha niya. Agad niya akong inalalayan papasok sa store.
Sinalubong kami ng iba't ibang kulay ng mga damit at iba pang mga gamit pambaby. Idineposit muna niya ang mga bitbit saka ako iginiya sa isang section na may mga pang-infant na damit.
"Girl? Do you think it's a girl?" Nakataas ang kilay kong saad nang itinaas niya ang isang pink na dress. Kumunot ang noo niya at binalingan ako.
"Ayaw mo ba ng babae?" Mas lalong napataas ang kilay ko. Parang litong-lito ang itsura niya at ibinalik sa rack ang damit para ibigay sa akin ang buong atensyon.
"Gusto mo ba?" I challenged him. Alam niya kasi na hindi ko pa inaalam ang gender ni baby, and he respected it. 'Yun nga lang, parang ini-expect na niya na babae ito.
"Yes. I want her to be a mini version of you." Mataman niyang saad habang hindi hinihiwalay sa akin ang seryosong mga mata. Kumalabog ang dibdib ko sa paraan ng pagtitig niya kaya agad akong nag-iwas ng tingin.
Too bad, I want him to be a little Duke.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...