Chapter 17
Nagising ako sa mga boses na mahinang nag-uusap. Masakit ang ulo ko at mabigat ang katawan na para bang galing ako sa isang bakbakan. At kahit gusto ko pang matulog ay tila ayaw na ng utak ko.
Pilit kong dinilat ang mga mata at muling napapikit nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa ilaw.
I scrunched my nose as I smelt the familiar air of disinfectant at agad akong napabangon nang mapagtanto kung nasaan ako, not minding the throbbing pain in my head. Bumalik sa akin ang nangyari bago ako nawalan ng malay kaya napahawak ako sa sinapupunan ko.
"Anak."
Napalingon ako sa gawi ni Mama na agad nakadalo sa gilid ng kama ko. My brows furrowed.
She looked so weary, her wrinkles even more visible now than the last time I saw her."My baby..." Malat ang boses ko at halatang galing lang sa mahabang tulog.
Wari ay naintindihan niya ang gusto kong itanong kaya tumangu-tango siya, her eyes teary. Pinainom niya muna ako tubig bago sumagot.
"The baby's fine..." Bago pa niya madugtungan ito ay pumasok na ang doctor, kasunod ang taong ayaw ko munang makita, pero isinantabi ko muna 'yun dahil sa nangyari. Ayaw kong magpadala ulit sa emosyon at manganib ulit ang anak ko. It's not worth it. Nothing's more important now than my baby.
"Good morning, Ms. Alarcon. How are you feeling?"
May chineck ito sa hawak-hawak na chart.
"Fine. How's my baby, Doc.?"
Itinaas nito ang ulo para matingnan ako sa seryosong mga mata.
"You just had a slight bleeding due to stress. The baby's fine, but please avoid being stressed as much as possible. You're lucky, malakas ang kapit nito, but we can't assure if it'll stay the same if this happens again."
Marami pa itong sinabi at pinaalala, habang ako naman ay tango lang nang tango at lihim na nagpapasalamat dahil safe lang ang anak ko.
"Thank, God you're okay now." Pagkapasok na pagkapasok ni Tris at Marco sa silid. Marahan akong niyakap ng dalawa at kumuha ng mauupuan para makaupo sa gilid ng kama. The doctor's long gone, kasabay ng paglabas ng parents ko para bumili ng pagkain. Almost 24 hours din pala ako nakatulog dahil sa gamot na ininject nila sa akin.
Ramdam na ramdam ko ang titig ni Duke sa gawi ko. Kanina pa siya hindi nagsasalita maliban na lang nung magtanong siya sa doctor at nung kinausap siya nina Mama, na siyang ipinagpasalamat ko. I didn't really feel like talking to him, or being alone with him."Agad kaming pumunta rito nang malaman na isinugod ka sa hospital. Ano ba kasing nangyari? Sabi ko naman sa'yo, 'wag kang magpagod. Alam mo namang delikado ang pagbubuntis mo." Sermon ni Tris at marahan na hinaplos ang buhok ko.
Nagkibit-balikat ako at tiningnan siya para tumigil sa pagsasalita. Baka kung ano pa ang masabi niya gayong 'di lang kami ang tao rito.
Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pagkunot-noo nito at pagtiim-bagang habang parang may malalim na iniisip.Tumigil naman si Tris at napailing. Alam kong kating-kati na ito magtanong, pero pinipigilan lang ang sarili.
"May dala kaming mga prutas, gusto mong ipagbalat kita ng mansanas?" Marco smiled gently. Napangiti na rin ako at tumango.
"Yes, please." Agad itong tumayo at lumapit sa may table kung saan nakalagay ang mga dala nila.
"Ipagbalat mo rin ako ng orange." Nakangising baling ni Tris dito pero inismidan lang nito ang nauna.
"May kamay ka naman." Napataas ang kilay ko.
"Aba, pag si Avvie, ang sweet-sweet mo, pagdating sa akin, ang suplado!" Si Marco, nagsusuplado? Something's quite fishy.
"Syempre, hindi naman ikaw si Avvie."
Nakita ko na lang ang paglipad ng unan na nasa tabi ko patungo sa mukha ni Marco. Sapul."Ba't mo ginawa 'yun?" Kunot ang noong baling nito kay Tris pero inirapan lang ito ng huli.
"Asar." Mahinang bulong nito sa tabi ko.
"'Wag kayo rito mag-away."
Napatiim ang labi ko nang marinig ang boses nito. Nakita ko ang paglapit nito sa kinatatayuan ni Marco at may kinuha.
"Ako na."
Walang nagawa ang isa at ibinigay ang plato na may lamang sliced apple.
Naglakad ito patungo sa pwesto ko. Nakatitig lang ang dalawa sa amin at nakiramdam, pero maya-maya lang ay nagpaalam na lalabas muna. Kahit ayaw ko man ay wala na akong nagawa.Nakatuon lang ang tingin ko sa may bintana nang marinig ko ang pag-upo niya sa binakanteng pwesto ni Tris.
"Here."
Iniumang niya sa bibig ko ang isang slice ng apple pero tiningnan ko lang 'to at kinunutan ng noo.
Does he think I'm invalid?
"Just eat, Savvianah." Pagod na buntong-hininga nito.
I sighed heavily and grabbed the fruit from his hold. Ayaw kong makipagtalo pa.
Hindi ko man siya tingnan ay kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang titig niya. Nararamdaman kong marami siyang gustong sabihin pero pinili na tumahimik na lang. Good. Ayaw ko rin namang marinig ang boses niya.
Binigyan niya ako ng tubig nang matapos akong kumain, at akala ko ay doon na ulit siya sa may sofa uupo, pero bumalik siya sa tabi ko at doon pumwesto.
Nabigla ako nang hawakan niya ang kaliwang kamay ko kaya agad ko itong sinubukang bawiin, pero mas hinigpitan niya ang hawak nito, but not to the point na masaktan ako.
Kunot-noo ko siyang nilingon at naabutan ang matiim na titig niya sa akin.
"Let go."
May lumitaw na takot sa mga mata niya, pero agad ding nawala kaya inisip ko na lang na imahinasyon ko lang 'yun.
Marahan siyang umiling at pinisil ang kamay ko, sending jolts of electricity through my entire body. Saglit akong napapikit. Ba't ganito pa rin ang epekto niya sa akin?
"I'm sorry." I stopped when I heard his hoarse voice. Mahina lang ito pero narinig ko ang kaunting takot dun. Why would he--
"Damn it, I--I just put you in danger!" Nakatitig na ako sa kanya ngayon, siya naman ay bahagyang tumingala, waring may pinipigilan. Marahas siyang napalunok habang naka tiim-bagang. Nang bumaba ang tingin niya sa akin ay bahagya akong nagulat. Namumula na ang mga mata niya at punong-puno ito ng pagsisisi. Nakaramdam na naman ako ng kakaibang sakit sa dibdib. Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako nang dahil sa kanya.
"Duchess..." Napalunok ako at nag-iwas ng tingin.
Please, don't call me that. I'm not your Duchess anymore.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...