Chapter 18
May mga bagay na alam mo nang mangyayari talaga pagdating ng panahon. Na kahit pa anong gawin mo para mapigilan ito ay mangyayari't mangyayari pa rin. Yes, you can delay it, but it will eventually happen. Delaying means prolonging the pain of knowing the inevitable, but it can also provide you ample time to plan and execute your next move, to look for other choices--choices better than what you're letting go.
Pero may mga bagay rin na sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay mabibigla ka na lang. 'Yung tipong ni sa hinagap ay 'di mo talaga maiisip. Maybe you hoped for it once, but eventually gave up on it when you realized it's not meant for you. And just when you thought things are getting better and you've already forgotten what you gave up, life decided to throw this at you--faster than you can say, "Surprise!". And you're indeed surprised!
"You're to stay at Duke's place."
Marahas akong napabaling kay Daddy nang marinig 'yun sa kanya, his lips in grim line."Dad--"
"No but's, Savvianah. Muntikan ka nang mapahamak at ang apo ko kung 'di pa dumating si Duke. It's only appropriate that someone's looking out for you at your state."
At 'di rin 'yun mangyayari kung 'di siya dumating.
Minabuti kong 'wag na 'yung isatinig pa. I didn't want to be rude, and Dad looked like it's not up for argument. Besides, malaki ang kasalanan ko sa kanila. I didn't tell them my whereabouts because I figured they'd drag me back and force me to marry Duke instead. Pero nitong mga nakaraang araw, napagtanto ko na nagkamali ako sa parte na 'yun. Hindi ko na isinaalang-alang ang nararamdaman nila. They're my parents at natural na mag-alala sila kung bigla akong maglaho, lalo na't alam nila ang kalagayan ko.
Hindi na nila hinalungkat ang nangyari noon. They're just glad I'm already fine, at nagpapasalamat ako roon. But I don't think makakatakas ako ngayon sa desisyon nila, lalo na sa nangyari."Dad, doon na lang po ako sa bahay natin if it'll make you feel better." Kahit alam ko sa sarili ko na kaya ko namang mag-isa. But it's better than having to live with him under the same roof.
Hinaplos ni Mommy ang likod ng palad ko.
"Baby, we're always away for business. Ang mga kasambahay lang ang makakasama mo roon. Mas mapapanatag kami kung nababantayan ka ni Duke."
But I won't be.
"Your parents are right, hija. Duke, will take care of you." Mahinahong saad ni Tita Mara na saglit na sinulyapan ang anak. Kanina pa silang umaga rito ni Tito Harry at humingi ng paumanhin na hindi agad nakabisita dahil nag out of town sila.
Huminga ako nang malalim at nahagip ng mga mata ko si Duke na nasa may sofa nakaupo. Malalim ang mga titig niya at wari ay maraming iniisip.
Tumahimik na lang ako pagkatapos nun. I know I wouldn't win against them this time. Feeling ko pinagkakaisahan nila ako ngayon.
Kinabukasan ay na-discharged na ako. Nandoon ang pamilya ko, sina Tita Mara at sina Tris. Gusto pa sana nila akong ihatid kina Duke, but I insisted na 'wag na lang. Alam kong may kanya-kanya pa silang gagawin at nitong nakaraang mga araw ay naaabala ko na sila.
I even insisted na okay lang na mag-taxi ako papunta sa lugar ni Duke dahil sigurado akong busy ito sa opisina, base sa maya't mayang tawag sa kanya, pero tiim-bagang niya lang akong tinitigan at kinuha na ang bag kung saan nakalagay ang mga gamit ko.I sighed as I positioned myself on the passenger's seat. Inunahan ko na siya nang akmang pagbubuksan niya ako ng pinto ng kotse. Napahinto siya at ilang saglit akong tinitigan bago pumunta sa driver's seat.
Buong biyahe ay walang nagsalita sa amin. Tanging ang tahimik lang namin na paghinga ang maririnig sa loob ng sasakyan. I shifted on my seat at mas itinuon ang mga mata sa labas ng bintana. Nararamdaman ko ang maya't mayang pagsulyap niya sa akin pero hindi ko na 'yun pinagtuunan ng pansin. I just came to a point where I've stopped overanalyzing things like this. Nakakapagod pala.
Sa gitna ng katahimikan ay tumikhim siya.
"It's almost lunch time. Where do you want to eat?"
Kung hindi pa niya sinabi ay 'di ko pa ma-realize ''yun. 'Di rin naman kasi ako nakaramdam ng gutom. Pero dahil nga hindi na lang sarili ko ang inaalala ko, dapat na talaga akong kumain sa tamang oras.
Nagkibit-balikat ako.
"Kahit saan." Simple kong saad.
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya nang malalim at iniliko ang sasakyan sa may hilera ng mga establishments na kainan.Nang alalayan niya akong maglakad ay bahagya akong napalayo sa kanya, na para bang napapaso ako sa saglit na pagdikit ng aming mga balat. I felt how his body immediately tensed at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. I bit my lower lip as I felt that familiar painful tug inside me. Balang-araw, mawawala rin 'to. Someday, I'd just laugh remembering this moment and all these feelings. Or maybe, I wouldn't remember all of these anymore.
Pumasok kami sa isang medyo sikat na restaurant.
Nung tinanong niya ako kung ano ang gusto kong kainin ay itinuro ko lang ang unang nakita sa menu. Napakunot ang noo niya noong makitang salad lang 'yun. Wala naman kasi akong ganang kumain. At least healthy 'yun for the baby.Ako naman ang napakunot ang noo nang marami siyang in-order samantalang kami lang namang dalawa. Whatever, siya naman ang magbabayad nun. Problema na niya 'yun kung paano ubusin.
"You should eat more." Mariin niyang saad nang mapagtantong 'yung gulay lang talaga ang kinakain.
"Okay na 'to." Simple kong sagot at uminom ng tubig. Napahimas ako sa umbok ng tiyan ko. You're already full, baby?
Nang magtaas ako ng tingin ay naabutan ko siyang matiim na nakatitig sa may tiyan ko, may iba't ibang emosyon na naglalaro sa mga mata. Saglit akong napapikit at iniwas ang paningin nang makaramdam ng pitik sa dibdib ko. Why are you looking so lost, Duke?
Dahil ba hindi ako ang gusto mong maging ina ng anak mo? Na ibang tao ang gusto mong nasa posisyon ko ngayon?You don't have to deal with this anyway.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...