Chapter 4
Monday, and I just wanted to immediately end the week.
Tinamad pa ako na bumangon, kung 'di lang ako binulabog nung isa. Seriously, ba't 'di na lang mag-Saturday pa?
Ba't kailangan ko pang gumising nang maaga para mag-aral?
Ba't kailangan ko pa mag-aral?!
Urrghh. I just hate Mondays!
Kahit gusto ko pang ibaon ang sarili ko sa kama, I just couldn't do that. Kinarga ba naman ako ni Duke at ipinasok sa bathroom. And guess what he oh-so-awesomely did?
He just turned on the cold freakin' shower while I was still wearing my freakin' PJs!
The heck, diba? Sinong hindi magigising ang kaluluwa sa lamig ng tubig na malapit na atang magyelo?
Ang sarap niyang ipatapon sa Jupiter kung 'di ko lang siya mamiss nang bongga, I swear.
"I so hate you." Nakabusangot kong saad matapos magkabit ng seatbelt.
He just chuckled amusely at me and drove off.
Mas nalukot ang mukha ko at umirap sa kanya. Tahimik lang ako buong byahe.
Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko na panay ang sulyap niya sa gawi ko tas bigla na lang siyang iiling at parang matatawa.
Really? He found it so funny huh?
Pagkahintong-pagkahinto ng kotse eh agad akong padabog na bumaba at 'di na siya hinintay pa.
And the jerk! He didn't even follow me!
Nilingon ko siya at nakita na may kausap na siyang mga babae.'Di man lang ako nagawang tingnan.
Damn you, playboy!
Dire-diretsong naglakad na lang ako papuntang first class ko kahit may 15mins pa bago magstart ang klase. I'd rather bore myself to death waiting inside the room than to watch him flirt with those bitches!
Ay nako! Ang init talaga ng ulo ko pag Monday!
"Hola, girl! Alam na alam ko talaga na Lunes ngayon eh. Sa mukha mo pa lang." Bungad sa akin ni Tris na inikutan ko lang ng mata. Oh 'di ba? Kahit siya, alam na 'di ako fanatic ng araw na 'to.
Umupo ako sa tabi niya at inilagay sa kandungan ang bag.
Mga lima pa lang kami sa room na 'di na nakapagtataka. Ganito naman kasi talaga rito, kadalasan, pag bell na talaga nagsisidatingan ang mga estudyante.
"So, what's new? Maliban sa naiinis ka kay Duke ha?" Maintriga nitong tanong. She's actually the closest girl friend I have. 'Di naman kasi ako masyadong nakikipag-usap sa iba, especially girls. Dahil kung hindi sila naiinggit sa akin dahil sa sobrang close namin ni Duke, gagamitin naman nila ako para mapalapit sa kanya. Tragic, right? Ito lang kasi si Tris ang kahit matanggal-tanggal daw ang matris sa kilig dahil sa sobrang hot ni Duke, eh loyal daw sa kanyang iniirog (yuck!) na hanggang ngayon ay 'di pa siya sinasagot.
"Nothing. He just drowned me under the freezing shower." Exaggerated kong sagot na ikinailing nito.
"Oh. The usual."
Napangisi ito ng malaki na parang may kalokohang naisip.
"Wala pa ba talagang nangyari sa inyo?" Nanlaki ang mga mata ko nang makuha ang ibig nitong sabihin.
"H-hoy! Grabe ka naman!"
Napahalakhak naman ito sa reaksyon ko, kaya napalingon ang iba naming kaklase.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
Fiksi UmumSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...