Chapter 24
Forgive and forget. It's always easier to think and dream of the ideals, but the world has its funny way of slapping you with reality. Often, you can forgive, but forgetting is almost closed to impossible. Wounds may heal, but the scars will remain, reminding you of what you've done and what you've been through.
As I stared at him unmovingly, I realized that no matter how much I'd try to redeem myself, people would always remember what I did. Nakatatak na 'yun sa kanila, lalo na sa kanya. The past few days were good--blissful even, but as much as I wanted to make it stay that way, things are bound to happen. This time, wala na akong takas sa realidad na pilit kong tinatakasan noon.Ilang saglit pa bago ako makakilos.
"Then what do you want me to do, Duke? Ang tumira rito habang kayo ni Micah? Ano ang iisipin niya kung ganun? Ang mararamdaman niya?" Matapang kong saad kahit kasalungat nito ang nararamdaman ko.
"You should have thought of that before you slept with me!" Pareho kaming natigilan sa mga salitang 'yun. Agad na napalitan ng pagsisisi ang itsura niya at inabot ang kaliwang braso ko, pero agad akong umilag. Kita ko ang sakit na dumaan sa mga mata niya na mas nagpalala sa nararamdaman kong lamig. Hindi ko na alam kung sa sobrang sakit kaya nakaramdam ako ng lamig, o dahil sa sobrang panlalamig ko kaya ako nakakaramdam ng sakit.
"Paulit-ulit na lang ba tayo?" Mahinang usal ko sa basag na boses.
"Avvie--" Pilit pa rin niyang inaabot ang braso ko at sa bawat pag-iwas ko ay mas dumadagdag ang sakit at kabiguan sa itsura niya.
"Alam ko namang mali ako eh. And nothing can justify my actions.--" Kahit pa dahil sa pagmamahal 'yun. Love should not be forced. It should be freely given without expecting anything in return. Above all, it should not destroy relationships. Because love, when it makes you ruin other people's happiness, is only love for oneself.
"Pinagsisihan ko lahat eh. Dahil kasalanan ko kaya nangyayari ang lahat ng 'to! Kaya gusto kong ayusin ang mga pagkakamali ko para sa anak ko. Gusto kong gawin ang tingin ko ay nakakabuti sa kanya. Dahil kahit bunga man siya ng kadesperadahan ko, siya ang pinakamagandang nangyari sa akin."
Naramdaman ko na lang ang paglaglagan ng mga luha ko habang nakatingin sa namumula niyang mga mata. He looked so shaken and defeated.
At nang akala ko ay 'di na siya kikilos, nabigla naman ako sa pagbagsak niya sa may paanan ko. 'Di ko napigilan ang mahinang pagsinghap habang nakayuko sa kanya.
His shoulders were slouched as he slowly grabbed my right hand. Bahagya akong napaigtad nang maramdaman ang lamig ng kamay niya. 'Di pa ako nakakurap ay humigpit na ang pagkakahawak niya rito.
I'd never seen him looking so weak and helpless that it painfully tugged something in me. I wanted to pull my hand from his hold, but at the same time, takot ako. Takot akong hilain ito dahil may parte sa akin na bumubulong na ito na lang ang pinaghuhugutan niya ng natitirang lakas. Ayaw ko siyang nakikitang ganito kahina. This is not the Duke I know."I'm sorry, please..." Mas bumilis ang pagpatak ng mga luha ko nang maramdaman ang pagkabasa ng kamay ko. Gusto kong isipin na sa akin nanggaling 'yun, dahil mas madali 'yung tanggapin. Pero sa pagdoble ng sakit ng dibdib ko, alam kong hindi 'yun ang sitwasyon.
Iniwas ko ang paningin ko dahil 'di ko na kaya pang makita siyang nakayuko at nagmamakaawa gayong 'di naman dapat. I'd rather bleed than see him hurt. Kaya nga umalis ako rati eh. I wanted to save him from misery. Gusto kong ibigay ang kaligayahan niya kahit sa piling man 'yun ng iba.
The pain in my heart intensified as I weakly tugged his hand."Please stand up." Sa garalgal na boses ay pagmamakaawa ko. Ibinalik ko ang paningin sa kanya nang maramdaman ko ang marahas niyang pag-iling. Nakayuko pa rin siya, pero 'di na ganun kahigpit ang hawak sa kamay ko.
"Ducas..." Sa pagkakataong ito, unti-unti niya akong tiningala. My hand unconsciously gripped his as I bit my lower lip hard. His bloodshot eyes confirmed what I dreaded a while ago. Nalaman ko na lang na nanginig ang kamay kong nakahawak sa kanya nang marahang yumugyog ang braso niya.
Paano tayo napunta sa ganitong sitwasyon, Duke?
Nahihirapan man ay dahan-dahan akong lumuhod para makapantay siya. Saglit na nanlaki ang mga mata niya bago lumarawan ang pag-alala.
"Avvie..." His hands went to my both sides para maalalayan ako kaya mas lalo kong nakagat ang pang-ibabang labi para mapigilan ang paglabas ng mga hikbi. I slowly raised my right hand to touch his tear-stained face."Patawarin mo ako kung nahihirapan ka na, Duke. Naging makasarili ako kaya tayo humantong dito." Suminghap ako para makapagsalita pa ng maayos. Unti-unti na namang nagbara ang ilong at lalamunan ko sa pinipigil pa na mga emosyon.
"No...No..." Mabilis niyang agap sa iba ko pang sasabihin. Marahan niyang tinuyo ang mga luha ko gamit ang palad habang nakatutok pa rin sa akin ang bigo at nahihirapan na mga mata.
"Kung may dapat mang humingi ng tawad ay ako 'yun. I've been a coward all along..." Gusto ko siyang kontrahin pero sa tono niya, alam kong ayaw na niyang makipagtalo pa. Parang sa haba ng panahon na pilit niyang nilalabanan ang isang bagay, ay handa na siyang sumuko--at wala na siyang magagawa kundi tanggapin kahit ano pa man ang kalalabasan nito.
"Mahal kita...."
And then again, I was left frozen on my spot.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...