Chapter 23

117 6 3
                                    

Chapter 23


Sa buong buhay ko, 'di ko lubos naisip na darating ako sa ganitong sitwasyon. I dreamt of marrying him and having a family with him, pero nasira 'yun nang dahil sa nangyari nun. Nagmahal siya, pero sa ibang babae. Kaya nga umalis ako para 'di na madagdagan pa ang gulong pinasok ko. Ayaw kong mapapasaakin nga ang pangalan niya, pero hindi naman ang puso niya--ang buong pagkatao niya. Umalis ako na buo ang desisyon na palakihin mag-isa ang anak ko. Gagawin ko ang lahat at ibibigay ang buong sarili ko rito para hindi ito makaramdam ng kakulangan. Pero nahanap nga ako ng ama nito at muli, ipinamulat na naman sa akin na mali ang naging desisyon ko.

Pero ngayon, habang nakatingin ako sa dalawang taong masayang nag-uusap sa mesang 'yun, 'di ko maiwasang tanungin ang sarili ko kung talaga bang nagkamali ako.

"Hoy, ba't nakatayo ka pa d'yan? 'Di ba sabi--" Natigilan si Tris sa pagsasalita at tiningnan din ang pares na nagpahinto sa akin bago ko narinig ang pagbitiw nito ng mura. Nahinuha rin siguro niya kung sino ang kasama nito kahit nakatalikod.

"Let's find another place." Akmang igigiya na niya ako palabas, pero pinigilan ko siya at tipid na nginitian.

"Okay na rito. Isa pa, punuan na rin sa iba." It's not a lie though. Tanghalian na at punuan talaga sa mga oras na 'to sa mga kainan sa mall. At ayaw ko rin namang laging iiwas sa mga ganitong pagkakataon. I'm tired of running away.

Tinitigan niya ako ng mabuti na tila ba may hinahanap sa mukha ko bago napabuntong-hininga at napilitang tumango.

Doon kami pumwesto sa may tabi ng glass wall. Bago pa ako nakaupo ay nag-angat ng tingin si Duke at nagtama ang mga mata namin. Halatang nabigla siya na makita ako rito pagkatapos niyang sabihin sa akin kanina na marami siyang gagawin sa opisina. Kaya nga sa halip na siya ang yayain kong mag-mall ay si Tris na lang.
Agad akong nag-iwas ng tingin at naupo. I clearly didn't know what to feel. Ang alam ko lang, ayaw ko nang manghimasok pa sa kanila.

Nang makuha ng waiter ang order namin ay naramdaman ko na nakatayo na siya sa tabi ko pero 'di ko siya nilingon at nagkunwaring 'di ko alam na nand'yan siya. Nanlalamig ako sa 'di ko alam na kadahilanan.
Pinukol ako ng nag-aalalang tingin ni Tris.

"Saviannah..." Nag-aalangang tawag niya. Doon lang ako nag-angat ng tingin at binalingan siya.
Nang hindi ako nagsalita at tinitigan lang siya ay tumikhim siya.

"What are you doing here?" Banayad  ang boses niya, magkasalungat sa ipinapakitang iba't ibang emosyon ng mga mata. What now? I don't want him to think that I'm stalking him dahil hindi naman talaga.

Kumunot ang noo ko at iminuwestra si Tris.
"We're just shopping."

Parang doon lang niya napagtanto na kasama ko nga ito kaya saglit niya itong binalingan at tinanguan bago ibinalik sa akin ang atensyon.

May sasabihin pa sana siya nang biglang dumating ang pagkain namin. Binigyan siya ng upuan ng isa pang waiter at  mas lalong kumunot ang noo ko nang umupo siya sa gilid ko. Ba't pa siya umupo? Isn't he with someone? Panakaw na hinanap ng mga mata ko ang kasama niya sa pwesto nila kanina, pero wala na ito roon.

"You're not taking your lunch on time." Puna niya nang mapagtantong 1pm na, pero nagkibit lang ako ng balikat.

"Wasn't hungry."

He silently groaned in protest pero nagsimula na akong kumain at 'di na siya pinansin pa.  Niyaya siya ni Tris na kumain, pero umiling lang siya at 'di pa rin ako tinantanan ng tingin. Of course, nakakain na siya!

He was so attentive throughout the whole meal at nagawa pang punasan ang gilid ng bibig ko nang matapos akong kumain.
Maya-maya ay nagpaalam na si Tris na aalis dahil tinext daw siya ng Mama niya. Tumango naman ako at nagpasalamat sa pagsama niya sa akin.

Being His DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon