Chapter 20
Nagising ako dahil sa mahihinang katok na nagmumula sa labas ng pintuan.
"Saglit lang!" My voice came out hoarse from sleep. Dahan-dahan akong bumangon at tinungo ang pinto para pagbuksan ang kung sino mang nasa labas. Bumungad sa akin ang mukha ni Nanay Marta na sa tingin ko ay kanina pa kumakatok.
"Pasensya na, hija, kung nadisturbo ko ang tulog mo. Pero kailangan mo nang kumain muna. Nalipasan ka na siguro ng gutom." Sa sinabi nito ay agad kong naramdaman ang pagkalam ng sikmura kaya nilingon ko ang gawi ng orasan sa loob ng kwarto at nalamang 8pm na pala. Masyadong napahaba ang tulog ko.
Hinarap ko muli ang matanda at tumango."Okay lang po, Nay. Salamat. Susunod po ako agad."
Nang umalis ito ay agad akong nag-ayos ng sarili at bumaba na.
I wondered where Duke was. Kung bakit hindi man lang ako nagawang gisingin. Oh well, it's not his responsibility.
Nakahanda na ang hapunan nang dumulog ako sa hapag-kainan. Napabuntong-hininga ako nang mapagtantong ako lang mag-isa ang kakain dahil nauna na pala sina Nanay Marta. At dahil bigla akong nawalan ng gana, binilisan ko nalang para makabalik na sa kwarto.
Ito ba ang magiging eksena araw-araw?
I suddenly felt so alone. Na parang bumalik ako nung mga panahong bago pa lang ako nagpakalayu-layo. 'Yung tipong kahit marami ka nang taong nakikita, pakiramdam mo ikaw lang mag-isa. Na kahit anong gawin mo, para pa ring may kulang."Ipinapasabi pala ni Duke na babalik din daw siya agad. May inaasikaso lang sa opisina."
Bahagya akong napatigil sa pagkain at tumango bilang tugon.
Does he normally work this late? If it's Mica waiting here instead of me, would he come home early?Damn it, Avvie! Ba't mo pa kailangang isipin 'yun? For all you know, kasama niya pala 'yun ngayon kaya ginabi! And no, you're not waiting for him!
Marahas akong napabuntong-hininga at tinapos ang pagkain. Nagpaalam ako kay Nanay Marta na lalabas muna para magpahangin. I just felt so suffocated.
Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin pagkalabas ko. Tinungo ko ang hardin na napapalamutian ng mumunting ilaw mula sa maliliit na lamp post na pinasadya pa yatang ipagawa para bumagay rito. Litaw na litaw ang kagandahan ng lugar lalo na at maliwanag ang buwan.
Naupo ako sa nakitang bench habang tinatanaw ang paligid. 'Di ko parin mapigilan na mamangha sa ganda nito. Hindi siya ganun kagarbo pero 'yung pagiging simple niya ang hihila sa'yo. At sa ayos nito, alam mong pinag-iisipan talaga at pinaglalaanan ng oras.This place is quite homey.
Umihip pa ang malamig na hangin, making me rub both of my arms.
I should've worn a cardigan.
"It's cold here. Baka mahamugan ka." Agad kong naramdaman ang coat na inilagay sa likod ko. I slightly shivered when I was engulfed with his familiar scent.
Hindi ko siya nilingon pero naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin.
My heart instantly beat at an abnormal pace when I felt his warmth. Like, what the--?
"I'm sorry, hindi na ako nakapagpaalam sa'yo. I didn't want to disturb your sleep." His voice was apologetic, but it was tinged with something else. Worry? I didn't even want to know.
"It's okay. You don't have to." It came out colder than I intended to, pero hindi ko na mabawi. Para ano pa? Iyun naman ang totoo.
Katahimikan.
Gusto ko na sanang bumalik sa kwarto dahil mas bumibigat ang pakiramdam ko habang tumatagal na magkatabi kami, pero narinig ko ang pagod niyang buntong-hininga.
Muntik ko na siyang lingunin kung 'di ko lang agad nahamig ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...