Chapter 9
Natapos ang isang linggo naming bakasyon na pilit kong in-enjoy ang sarili ko. 'Di naman nila nahahalata na kadalasan ay pilit lang ang mga tawa at ngiti na ipinapakita ko.
Pero lagi kong nahuhuli si Duke na nakatitig sa akin na parang may iniisip. Pag nangyayari 'yun ay ngingitian ko lang siya o 'di kaya ay iirapan. It's what I usually do naman kasi."Tita called, 'di mo raw sinasagot ang tawag niya." Bungad niya sa akin pagkalabas ko ng kwarto ko. 2 days ago pa kami nakauwi at balik sa dati ang set up namin.
"Oh. Naka-silent ang phone ko." Kibit-balikat ko at dumiretso sa sala.
Sumunod siya sa akin at tumayo lang sa harapan ko habang nakaupo ako sa couch."May problema ba?"
Bahagya akong nagulat sa tanong niya pero agad ding nakabawi at sinimangutan siya."Kinukulit lang nila ako na pumunta sa States this Christmas. 'Di raw kasi sila makakauwi."
He sighed and sat beside me.
"Pagbigyan mo na."
Kinunutan ko siya ng noo sa narinig.
"Eh 'di ikaw lang mag-isa sa Pasko?"
Wala rin kasi ata sina Tita dahil nasa cruise tour ang mga 'to at sa January pa uuwi.
He just shrugged his shoulders.
Ang totoo niyan, 'di talaga 'yun ang dahilan kung bakit laging tumatawag si Mommy.
Yes, gusto nilang pumunta ako roon sa Christmas vacation, pero 'di para magcelebrate."Pa-enroll tayo bukas."
Tumango ako sa sinabi niya. Mas mainam na 'yun para 'di masyadong siksikan kung sa start na ng klase magpapa-enroll. 'Yun kasi kadalasan ang ginagawa ng mga estudyante, kung kailan magsisimula ang pasukan, doon din mag-enroll tas magrereklamo kung bakit mahaba ang pila.Dumaan ang mga araw at balik-eskwela na naman.
"Finally, kunting kembot na lang, graduation na!"
Masayang saad ni Tris pagpasok namin sa classroom. Nandoon na rin ang ilan naming mga kaklase."Hello, Marco! How's life?" Bati nito kay Marco na napangiti pagkakita sa amin.
"Okay naman. Kayo?"
Ayun, kinwentuhan ni Tris sa mga pinaggagawa namin.
"Naku, dapat talaga sumama ka sa amin para dumami ang friends mo..."
Napailing na lang ako nang magkamot ng batok si Marco. Ito na naman ang napagdiskitahan nung isa."--right, Avvie?" I just nodded in agreement at nakinig lang sa kanila. I mean, kay Tris na salita nang salita.
"Avvie, totoo bang may nililigawan si Duke na taga-Educ department?"
Nabaling ang atensyon ko kay Mariel na kaklase namin. Ito ang dakilang tsismosa sa buong department kaya 'di na ako nagtaka na malaman nito ang bagay na 'yun."Saan mo naman nakuha 'yan ineng?" Biglang sambat ni Tris na nakataas ang kilay.
Nagkibit-balikat lang ang isa.
"Kalat na kaya. 'Di nga kami makapaniwala eh. Akala namin kayo na talagang dalawa."
Parang nanghihinayang nitong saad. Nakatingin na rin ang iba naming kaklase."We're just bestfriends." Tipid kong ngiti at inayos ang mga gamit.
"Talaga lang ha? 'Di kayo nagkadevelopan? Bagay pa naman kayo."
"Ay, tama girl!" Masiglang nakipag-apiran pa si Tris dito.
Buti pa ang ibang tao, nakikita nila na bagay kaming dalawa. Eh si Duke?'Di talaga pwede sa amin ang "us against the world". It's the other way around--"the world and I against you". Tss. Parang kontrabida pa ang dating ko eh.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
Ficción GeneralSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...