Chapter 14
Two lines. Positive.
'Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ng mga sandaling 'yun. Napatulala lang ako at 'di gumagalaw habang nakatitig sa dalawang linya sa stick na hawak ko.
I'm pregnant with his child.
Napahawak ako sa impis na tiyan.
I couldn't believe na may buhay nang unti-unting nabubuo rito.I'm definitely happy na nagbunga ang pagmamahal ko sa kanya, pero natatakot ako at 'di alam ang gagawin. Should I tell him?
Sooner or later ay malalaman din naman niya.
Ano na lang ang sasabihin niya? May girlfriend siya at alam kong 'di niya 'to iiwan. I wouldn't even ask for it.
Paano ang parents ko? Namin?Oh my God! I'm certain they'd push through with the wedding!
I didn't know what went through me, but my hand reached for my phone and dialed my Mother's number.
When they learned about the news ay agad silang umuwi ng Pinas at nagset ng dinner sa bahay namin together with Duke's family. Alam kong pareho silang nadisappoint sa akin dahil 'di pa naman kami kasal, pero wala na silang magagawa at isa pa, 'di naman nila ako matitiis.
"Alam mo ba kung anong meron?" Sa kalagitnaan ng biyahe ay tanong niya. Mariin akong napakagat-labi at umiling habang nakatingin sa labas ng bintana.
Natatakot ako sa maaaring reaksyon niya.I shouldn't have told them, but I did. Kaya ito kami ngayon.
"Hey, we're here." Bahagya akong napaigtad nang hawakan niya ang braso ko. Dali-dali kong kinalas ang seatbelt at bumaba ng kotse. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang pagtataka niya.
I'm sorry, Duke.
Sumalubong sa amin ang tawanan mula sa dining room kaya dumiretso na kami roon.
"Good evening, everyone!" Bati ni Duke na nakapagpatigil sa kanila. Our parents' faces went serious at alam kong mas nagtaka siya. Nararamdaman ko na ang panginginig ng mga kamay ko.
Sana naman maging okay lang ang lahat.
Ipinahanda na ang mga pagkain at nagsimula na kami magdinner. We were silent at first at walang maski isa ang nagsalita maliban na lang sa ingay ng mga kubyertos at maya-mayang pagtikhim ng mga magulang namin.
Halos 'di ako makakain dahil sa tensyon na nahalata naman ni Duke."Are you okay?" Mahinang bulong niya na tipid kong sinuklian ng tango. Naagaw ang pansin namin nang tumikhim ulit si Tita Mara, ang Mama niya.
"Hija, kumain ka ng maraming gulay. Kailangan mo 'yan at ng apo ko."
Nabitawan ko ang hawak na tinidor at namutla. Naramdaman ko naman na natigilan si Duke sa tabi ko at pinukol ako ng nagtatanong na tingin.
"Baby, masama ba ang pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Mommy. Lahat sila ay napatigil sa pagkain at tinitigan ako.
Mariin akong napapikit at binigyan sila ng tipid na ngiti kahit nanginginig ang mga labi ko."I'm fine po."
"Nagpunta ka na ba ng OB-gyne, hija?"
Shit just got real!
"Savvianah? What the hell's happening?!" frustrated na tanong ni Duke na sinaway ng ama niya.
"Avvie? 'Di alam ni Ducas na buntis ka?" Nagtatakang tanong ni Mommy. 'Di ko na nasagot ang tanong nito dahil biglang tumayo si Duke mula sa kinauupuan niya at mariin akong tinitigan.
"You're pregnant? What the heck, Savvianah?!" Napasabunot siya sa sariling buhok at madilim ang mukha.
"That's why we'll have your wedding earlier than originally planned." Pinal na saad ni Tito Harry. Kita ko na seryoso ang mga itsura nila.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
Fiksi UmumSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...