Chapter 8

97 3 0
                                    


Chapter 8

'Di pa nga kami nangangalahati sa paglibot ng horror house, may tumili na ng "I quit!", kaya iginiya kami agad sa exit.

May humila pa sa damit ko kaya nilingon ko 'to at inambaan ng suntok.

"Madumihan ang damit ko kuya!" Tae 'tong multong 'to. Makahawak, parang siya ang maglalaba nito.

Natakot ata sa akin kaya biglang nagtago. Multong matatakutin? Sa'n ka pa?

Paglabas namin, kitang-kita ko ang pamumutla at pamamawis ng mga kasamahan ko-- well, maliban na lang kay Geo, Duke at Matt na pangisi-ngisi lang.

"Grabe, muntik na atang nasira ang tsinelas ko." Reklamo ni Tris na ininspeksyon pa ang hinubad na tsinelas. Yes, nakapaa lang siya noong nasa loob kami. Buti walang naapakan na nakakasugat.

"Sino ba kasing nag-quit? Sayang ang bayad natin." Napalingon kami kay Mark na pasipol-sipol lang. Alam na.

Bandang alas-diyes, umuwi na kami. Puno pa rin ng asaran ang loob ng sasakyan dahil sa mga nangyari kanina. Hanggang sa makarating kami ng bahay ay 'di talaga nila tinigilan ng pang-aalaska kay Jay at Mark.

Kinaumagahan, bandang tanghali na kami nagising. Dahil 'di pa nakakarecover ang iba sa mga sinakyan kagabi, eh nagmovie marathon na lang kami hanggang sa gumabi at nagpagpasyahan naming magbonfire.

Inilabas namin ang hotdogs at mallows para ihawin. May mga beer in can rin.

Nakapalibot kami sa bonfire, si Duke ang nasa kanan ko habang sa kaliwa naman ay si Luisa.

"Laro na lang tayo ng truth or truth. Katamad mag-dare eh." Noel grumbled. Siniko naman ito ni Sandy.

"Tamad mo talaga."

"Sige na lang."

Ayun nga, dahil tinamad kami mag-isip, sumang-ayon na lang kami.

"'La. Sunog." Mahinang sambit ko nung makitang nangitim na ang halos buong hotdog.

I heard Duke chuckled beside me bago may mag-appear na tamang-tamang pagkaihaw na hotdog sa harapan ko.

Nilingon ko siya at nakitang nakangisi lang siya sa akin.

"Eat." Inumang niya 'yun sa bibig ko kaya kumagat nalang ako ron pagkatapos ikutan siya ng mata.

Tiningnan ko ulit ang sunog kong hotdog. Sayang.

Bahagya akong ngumuso at narinig na naman ang mahina niyang pagtawa.
Sinamaan ko siya ng tingin pero tinaasan lang niya ako ng kilay bago kumagat sa nasa stick na hotdog.

Kinuha ko nga 'yun mula sa kamay niya at inubos. Ha! Sarap ah.

"At inubos mo pa talaga." Palatak niya at umiling-iling. Inirapan ko lang siya at ibinaling na ang atensyon sa laro.

"O, si Matt na. Truth or truth?" Jay wiggled his brows that caused Matt to roll his eyes. Isa si Matt sa mga matino sa grupo nila. Kadalasan, tahimik lang ito pero minsan, mas may topak pa kesa kay Mark at Jay.

"Question?"

"Hmmm..." Wari ay nag-iisip si Noel.

"Ah! Sino 'yung nagpadala ng roses sa'yo last week?" May nakakalokong ngisi ito.

"Ui, pare! Ikaw pa rin ang nililigawan? Ang gwapo mo!"

Umiling-iling naman si Matt pero bahagyang nakangiti.

"Just some crazy neighbor."

"Ui, kilala ko 'yan! Si Nessi noh?"
Binato nito ng mallow si Mark at 'di sinagot.

Being His DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon