Chapter 1
"Good morning, your majesty!" Nakangising bungad ni Duke sa akin nang pumasok ako sa kusina kinaumagahan. Inikutan ko lang siya ng mata at umupo sa pwesto ko. Nakahain na sa mesa ang lutong hotdog, eggs, bacon at fried rice na walang garlic since alam niyang ayaw na ayaw ko talaga ron.
Nilagyan niya ang plato ko ng pagkain at sinalinan din ng tubig ang baso ko bago umupo sa harapan ko.
"What's your plan for today?" Tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain. Uminom muna ako ng tubig bago sumagot.
"Grocery lang. Sama ka?" Nagshrug naman siya sa akin.
"Kailan ba ako 'di sumama sa'yo?"
Napangisi ako sa tinuran niya. Kailan nga ba? Eh simula't sapol, lagi na siyang nakabuntot sa akin eh. Siya ang laging personal kong alalay pag may binibili ako.
"Maligo ka na after kumain, I'll do the dishes." Bilin niya maya-maya. Tumango na lang ako at inubos ang pagkain.
Agad akong naghanda ng pampaligo, habang niligpit niya ang pinagkainan namin. Ganito ang kadalasang routine namin, siya ang nagluluto, tas siya rin ang maghuhugas ng mga plato pag may pupuntahan kami. Alam naman kasi niyang natatagalan talaga ako sa banyo kaya ako ang pinapauna niya.
It took more than 30 minutes for me to finish taking a shower. Usually kasi eh umaabot ng 1hour.
"Bilis ah." Bungad niya paglabas ko ng bathroom na nakatapis lang ng tuwalya.
Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilampasan.
"Ba't 'di ka pa naliligo?" Tanong ko at kinuha ang lotion sa may vanity table.
"I'm showering here."
Umupo ako sa upuan na naroon para maayos na makapagpahid ng lotion.
"Ayos ka rin noh? Ano pang silbi ng tubig sa condo mo kung dito ka rin lang laging nakikiligo?"
Magkatabi lang naman kasi kami ng unit at 'di ko talaga maintindihan kung bakit dito pa siya nagsasayang ng tubig. Ipaputol na lang kaya niya? Nagbabayad lang siya buwan-buwan, 'di naman halos ginagamit.
Unti-unti siyang lumapit sa akin habang nakangisi.
"Want me to help you with that?" Tukoy niya sa pagpapahid ko ng lotion. I just rolled my eyes at his remark.
Nasapian na naman 'to ng kalandian eh. Ke aga-aga.
"Maligo ka na nga lang dun. Andami pang sinasabi eh." Mabilis niya akong hinalikan sa pisngi at dumiretso sa banyo.
You see, we're like each other's bestfriends. Mula pa lang pagkabata, kami nang dalawa ang laging magkasama. Our parents were also closed friends kaya naman sa kalapitan ng dalawang pamilya, ipinagkasundo kaming ipakasal 'di pa man kami ipinanganak. So that made him my fiance.
He's a year older than me, pero sabay kaming nag-aral. We're classmates until highschool at nung college na, magkaiba kami ng kurso, though same university pa rin. He's taking BSBA, while I was taking BSA. Pero as much as possible, magkaparehong klase ang kinukuha namin sa mga minor para naman magkaklase pa rin kami. That's how attached we were to each other.
Akala nga ng marami, mag-boyfriend kaming dalawa eh. Pero 'di nila alam, we're basically engaged. 'Yung family lang talaga namin ang nakakaalam.
Ayaw ko rin namang malaman pa ng iba. It would just create complications especially when he'd finally meet the woman he'd want to marry.
I smiled bitterly at the thought. Someday, he'd finally have his own duchess. 'Yung pagsisilbihan niya katulad ng pagsilbi niya sa akin ngayon. Maybe more than that.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
Художественная прозаSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...