Chapter 3
Nagising ako kinaumagahan na may mabigat na bagay na nakadantay sa bewang ko.
I tried prying it off, pero mas lalong humigpit ang pagkakahawak sa akin.
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at bahagyang nasilaw sa liwanag mula sa bintana. 'Di ko pala nasara 'yung kurtina kagabi.
Narinig kong umungol ang katabi ko kaya napatingala ako rito.
He's still sleeping peacefully, his dark and long lashes almost fanning his cheeks.
Ilang ulit na ba akong nainggit sa pilik-mata ng taong 'to? They're every girl's dream lashes.
Bumaba ang tingin ko sa aristokratong ilong niya. Tamang-tama lang ang tangos nito at hugis na bagay na bagay sa mukha niya.
My gaze went down to his slightly parted lips. Those sinful lips na habang paulit-ulit kong tikman ay lalo akong naaadik.
He's really gorgeous.
Napakakinis ng mukha niya na pati mga pores eh nahiya yatang magpakita. 'Di ko maalala kung natubuan na ba 'to ng pimples kahit isang beses lang.
Bumaba pa ang mga mata ko at napalunok nung makita ang hubad niyang dibdib. I raised my hand to trace his chest down to his rock hard abs.
Damn. This guy's really hot. Every model would kill to have a body like him. And face. And hotness. And--okaaayy... Every guy would kill to be him. And girls, to be with him.
"Take a picture. It'll last longer." Agad kong inilayo ang kamay ko at tiningala siya ulit.
Sumalubong sa akin ang kanyang mga matang medyo inaantok pa.
Ang gandang lalaki talaga ng taong 'to kahit anong gawin.
But he definitely looked hotter with his just-woke-up look and I couldn't help but raise my hand to touch his god-like face.
He's just silently watching me through his hooded eyes as I traced his lashes, down to his nose. When my index finger reached his lips, he grabbed my hand and put it between us.
Bahagya akong napangiti.
"Good morning, Duke." I murmured silently.
His eyes roamed on my face as if memorizing every detail of it. Then oh-so slowly, they stared back to mine.
"Morning, my Duchess." Mahina niyang anas at mas niyapos ako ng yakap kaya napasubsob ako sa dibdib niya.
Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa buhok ko.
"Simba tayo ngayon?" My voice was a bit muffled. Bahagya niya akong inilayo sa kanya.
"What time is it?" Sabay naming tiningnan ang digital clock sa bedside table ko. It said 7:15am kaya naman kahit gusto ko pang humilata sa kama habang yakap-yakap niya, bumangon na ako para makaligo. 9am kasi 'yung kadalasan naming ina-attend-an na mass.
Paglabas ko ng banyo, wala na si Duke sa loob ng kwarto ko, pero naririnig ko ang ingay mula sa kusina. Probably cooking.
Agad akong nagbihis ng dress pangsimba at lumabas na nung makapag-ayos.
Sumalubong sa akin ang amoy ng niluluto niya pagpasok ko ng kusina.
As usual, inihanda ko na lang ang table at umupo.
Ilang sandali pa, natapos na siya at inihain na ang pagkain sa mesa. Sabay kaming kumain at ako na lang ang nagpresentang magligpit ng mga pinagkainan para makaligo na siya.
15minutes bago ang misa, nakarating na kami sa simbahan. Good thing may mga bakante pang upuan sa may bandang gitna. Ayaw ko kasi talagang umupo sa likod kung maaari dahil baka madistract lang ako.
The homily was about honoring one's parents, and I suddenly missed mine. I noted to myself to call them later. Ilang araw ko na rin kasing 'di sila nakakausap. They're away in a business trip.
Nung Ama Namin na, mahigpit na hinawakan niya ang kanan kong kamay at 'di na 'to binitiwan hanggang sa part na sinabi ng pari na mag-offer ng smile-not just a single nod, to everyone as a sign of peace.
Nilingon ko siya at nginitian.
"Peace be with you, Duke."
Hinila niya ako payakap at ginawaran ng halik sa noo.
"Peace be with you, Duchess."
Natapos ang misa na napakagaan ng pakiramdam ko. Ganito naman talaga ako pag nakapasok ng simbahan. Napaka-solemn kasi ng lugar at nararamdaman ko talaga ang presensiya ni God. Though kahit saan naman akong lugar pag nagpi-pray ako, gumagaan ang pakiramdam ko, pero iba pa rin ang feeling ko pag nasa simbahan, especially pag um-attend ng mass. I just felt so blessed.
Tumambay muna kami saglit sa may plaza bago pumunta ng mall para maghanap ng makakainan.
This is our usual set up every Sunday.
Nung mga bata pa kasi kami, our families would go to church kada linggo- ganito ring oras. Nagpi-picnic kami or anything basta magkasama ang dalawang pamilya.
As we grew older at naging busy na ang mga parents namin sa business, minsan na lang namin magawa 'yun, lalo na at lagi pa silang out of the country.
Kaya ayun, parang kaming dalawa na lang ang nagpapatuloy.
Sunday's like our time together. Parang, we could ditch each other any day, just not Sunday. Unless, it's very important, 'yung tipong it's a matter of life and death. Dahil kung hindi, may consequence ang 'di tumupad.
Matapos maglunch, naglibot muna kami saglit bago umuwi dahil sumakit na ang mga paa ko. Nagkakapaltos pa yata ako eh.
I tiredly slumped on the couch when we arrived home. Tinanggal ko ang sapatos ko at tiningnan ang mga paa kong namumula.
Napapangiwing hinilot ko ang mga 'to.
"O, nangyari d'yan?" Bungad niya pagkaupo sa tabi ko. Nagkibit-balikat ako at sumandal sa kanya.
"Let me see." Bahagya niya akong inilayo para ma-inspeksyon ang paa ko at narinig ko siyang napapalatak.
"I've told you countless times to always wear foot socks." Pangaral niya sa akin. Pinaayos niya ako ng upo at inilagay ang mga paa ko sa ibabaw ng mga hita niya.
I grimaced as he pressed his finger on the reddened skin. Tinaasan niya naman ako ng kilay at waring sinasabi na magtiis ako dahil matigas ang ulo ko. Malay ko ba na sasakit ang paa ko roon. Ni ngayon ko nga lang 'yun nagamit eh.
'Di na lang ako nagkomento pa at hinayaan na lang siya.
Ilang sandali pa, nakakaramdam na ako ng ginhawa sa paghilot niya. I heaved a sigh of relief as his skillful hands went up to massage my aching right leg. Isinunod rin niya pagkatapos ang kabila.
Napaigtad ako nung masanggi ng kamay niya ang likod ng tuhod ko.
"Oh, shit!"
May kiliti ako ron!
Ipinukol niya ako ng masamang tingin dahil sa pagmura ko.
"Don't cuss." I rolled my eyes at him. Ayaw na ayaw niya talaga akong marinig na magmura. Masama raw pakinggan. Sus. Kung alam niya lang kung ilang beses ko na siyang namura sa isip ko, baka itapon niya ako sa bintana.
Tinigil na niya ang paghihilot nang mapansing okay na ako at ibinaba ang mga paa ko sa carpeted floor.
Umayos naman ako ng upo at sumandal sa likod ng couch. Ha! Like a boss.
"And next time, wear shorts when you're wearing a dress."
Bigla akong napatingin sa kanya para lang makitang nakaigting ang mga panga niya habang nakatingin sa nakapatay na TV.
Ano raw?!
----------------------
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...