Chapter 12

86 3 0
                                    

Chapter 12

It was February 14 when things made a major turn.

He had a major fight with his girlfriend at 'di ko alam kung ano ang dahilan.
Basta tinawagan niya lang ako para sabihin na nasa bar siya at kailangan niya ang bestfriend niya. Syempre dahil 'di ko naman kayang hayaan na lang siya ay dali-dali akong pumunta.
Galing pa akong isang party na hinohost ng kaklase ko para sa mga singles at bitter sa pag-ibig. All black ang theme to signify independence daw. The heck, 'di ba?

"Duke..." Tinapik ko ang balikat niya para maagaw ang atensyon mula sa kaharap na baso ng rhum. Sinenyasan ko si Nico na bartender na ako na ang bahala.

"Duchess, you're here!" Bigla-bigla niya akong niyakap nang mapagsino ako. Namumungay na ang mga mata niya, halatang medyo nakainom na talaga.

"Why are you drinking alone?" Umupo ako sa katabing stool.

Wala ba ang mga kabarkada niya?

Bahagya siyang tumawa at tinungga ang alak na nasa baso. Napakunot ang noo ko.
May balak talagang maglasing.

"'Cause you're not here. Wala ka nang oras sa akin."

Napamulagat ako sa narinig.

Lasing na ata talaga 'to. Ako pa raw ang walang oras? Damn that!

"Excuse me?"

Hinarap niya ako at tinitigan. Mas pumungay ang mga mata niya.

"Don't you miss me? 'Cause I freakin' miss my Duchess." Mahina niyang anas at hinaplos ang mukha ko.

Napalunok ako at nagtagis ang bagang na umiwas ng tingin.

Huminga ako nang malalim at binalingan siya ulit.

"Let's get you outta here."

Tumayo ako at hinawakan ang braso niya.
Bahagya pa siyang napaigtad pero agad din na ngumiti at tumango.

I paid for the bills and led him out.
Buti na lang at kaya niya pang maglakad nang mabuti.
We used his car dahil 'di ko naman dinala ang kotse ko. I figured I'd get too drunk to drive, pero 'yun nga at tinawagan ako 'di pa nga ako nangangalahating baso ng beer.

"You look hot on the wheels." Tinapunan ko lang siya ng tingin at ibinalik sa kalsada ang mga mata. 'Di ko siya hinayaang magmaneho dahil baka sa ospital pa ang bagsak naming dalawa.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makauwi.
Binuksan ko ang side niya at inalalayan siyang lumabas. Pumipikit-pikit na ang kanyang mga mata.

"Duke, kaya mo pang maglakad?" Tanong ko sa kanya. Nagmulat naman siya ng mga mata at tumango.

Napabungtong-hininga ako at inakay siya hanggang makarating sa loob ng unit niya.

He immediately slumped on his couch and closed his eyes.

"Shall I make you a cup of coffee?" Umungol lang siya at umiling, pero pumunta pa rin ako ng kusina para ipagtimpla siya. Kailangan niyang mahimasmasan.

Pagbalik ko sa sala bitbit ang tasa ng kape ay wala na siya. Inilagay ko na lang 'yun sa coffee table at pumasok sa kwarto niyang bahagyang nakabukas. Nagkalat sa sahig ang hinubad niyang mga damit. Isa-isa ko 'yung pinulot at inilagay sa basket.

Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo kaya malamang ay naliligo siya. Mabuti na nga 'yun nang mabawasan ang pagkalasing.

I was just looking around his room and I couldn't help but smile.
It's still the same.

It's so nice knowing that some things stay the same despite everything.

Nilapitan ko ang nakaframe na picture sa may bedside table.
It was of me and Duke's. 7 years old pa ako dun at 8 naman siya. Nakaakbay siya sa akin habang pareho kaming nakaharap sa camera at malaki ang mga ngisi.

I touched his 8 year old face and smiled sadly. I wish I could bring back the old times.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng bathroom kaya agad akong napalingon sa kanya.
Basa ang kanyang buhok at nakatapi lang ng tuwalya ang ibabang bahagi ng katawan niya.

"Avvie?"
Bahagya pa siyang nagulat pagkakita sa akin. Tipid akong ngumiti at naglakad na palabas ng pintuan.

"I made you coffee. Nasa sala."

Lumabas na ako at bumalik sa sariling condo.

I badly needed a relaxing bath. Medyo sumakit ang mga muscles sa katawan ko.

Pagkatapos kong ihanda ang bathtub ay hinubad ko na ang aking mga saplot.

Ibinabad ko ang katawan sa tubig at agad nakaramdam ng ginhawa.

I let out a sigh of relief as I closed my eyes.

Pilit ko na lang pinapasaya ang sarili ko nitong nakaraang mga buwan. Mabuti na lang talaga at tinutulungan ako nila Tris na maibaling sa iba ang atensyon ko. Tulad na lang ng paghila niya sa akin sa mga parties kung medyo nababakante kami.
Tsaka pasalamat na rin ako at malapit na ang mockboard namin, isinubsob ko na ang sarili ko sa pag rereview. Pero sa kabila ng mga 'yun, kusa pa ring bumabalik si Duke sa isip ko. Nasanay na kasi talaga ako na siya lang ang laging inaalala ko noon, ang laging nakakasama.

Saglit akong nakaidlip nang makarinig ng pagkabasag ng kung ano mula sa labas.

Agad na napabalikwas ako.

'Di naman siguro ako nalooban since mahigpit ang seguridad ng building.
O baka naman nakapasok 'yung alagang pusa ng kabilang unit?
Pero naalala kong nilock ko naman ang pintuan.

Inabot ko ang bathrobe at isinuot.

Dahan-dahan na lumabas ako ng banyo at agad bumungad sa akin si Duke na hawak-hawak ang bag na gamit ko kanina.

Napahinga ako ng maluwag.

"Ikaw lang pala."

Tinapunan niya ako ng tingin at inilagay ang bag sa study table ko.

"Uh. Yeah. You forgot your bag."
Tumango ako at nagpasalamat.

"Sa'n ka pupunta?" Takang tanong niya nang pumihit ako pabalik ng bathroom.

"Magbabanlaw." Simple kong sagot. 'Di ba naman ako nakapagbanlaw dahil sa pang-iisturbo niya.

I took my time showering at lumabas ng banyo na naka-bathrobe lang.

Naabutan ko siyang nakaupo sa may paanan ng kama ko at nakatitig sa kawalan.

"O. Nandito ka pa?"

Lumingon siya sa akin at nagkibit-balikat.

Pumasok ako sa walk-in closet ko at nagbihis ng pantulog. Isinuot ko rin ang kapares nitong roba.

"Problem?"

Tanong ko sa kanya pagkaupo sa may vanity table. Tinanggal ko ang pagkaka-bun ng buhok at hinayaan itong bumagsak sa likod ko, creating soft waves.

Hinarap ko siya nang maramdaman ang mga titig niya.

"So, you traded your PJs for that huh?" Muwestra niya sa suot kong negligee. Manipis ito at hanggang sa may kalahati lang ng hita. Halos gawa pa sa lace lahat. Kaya nga sinuotan ko ng robe para 'di masyadong revealing.

Nagkibit-balikat ako.
"A wowan has to feel sexy sometimes."
Biro ko lang naman 'yun.
Bigay lang naman kasi 'to ni Tris nung Pasko at nacu-cutan naman ako sa design niya kaya ginamit ko na.

"Huh. Sexy." Parang wala sa sarili niyang anas at kinagat ang pang-ibabang labi.

Napalunok ako sa nakita.
He looked so hot biting his lip.
I suddenly missed the taste of it.

Bumalik sa mga mata niya ang paningin ko at kitang-kita ko ang emosyong dumaan doon.
I felt the sudden rush of excitement all over my body.

Hindi ko alam kung ano ang sumapi sa akin at dahan-dahan na humakbang ang mga paa ko papunta sa kinaroonan niya.
He was staring intensely at me the entire time.

Huminto ako ilang dipa mula sa kanya, giving him a chance to do a once over of my body, at tumagal ang mga mata niya sa may punong dibdib ko.

Bumilis ang paghinga ko habang nakaawang ang mga labi.

I was caught off guard when he suddenly pulled my hand causing me to land on his lap.

Mas bumigat ang hininga ko nang maramdaman na ang init ng katawan niya.

Being His DuchessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon