Chapter 26
"Aren't you sleepy yet?" Mahina niyang tanong habang magaan na hinahaplos ang buhok ko. Mag-aalas-nuwebe na at kakatapos ko lang uminom ng gatas. We were both lying on the bed, his right arm served as my pillow, while his other hand was busy caressing my bulging tummy. Paminsan-minsan na nararamdaman namin ang pagsipa ni baby at ramdam na ramdam ko ang saya ni Duke kahit hindi man niya isatinig 'yun.
I slightly pouted my lips as I lazily shook my head.
"Nope." Kahit nasagot na niya ang iba kong mga katanungan, marami pa rin ang bumabagabag sa akin. I heard him sigh as he moved a bit. Alam niya siguro na may mga gusto pa akong itanong.
"What about Mica?" I asked tentatively. Alam kong labis itong naapektuhan sa mga nangyari sa amin. If anything, siya ang pinaka naagrabyado ko. I don't know what's the real score between them now, but I want to know where should I stand. Hindi naman kasi porke't sinabi niya na mahal niya ako ay magiging okay na ang lahat. Some issues are needed to be fixed first.
"We broke up ...before our supposed wedding..." He trailed. His voice was laced with emotion I couldn't fathom. Gumalaw ako para tingalain siya, pero agad na nagsisi nang bumungad sa akin ang malungkot niyang ngiti. Naramdaman ko na naman ang pagdurog ng aking puso. Is he still hurting because of her? Minahal niya ba ito? Hindi na ako magtataka kung ganun man dahil ilang buwan din na naging sila, pero 'di ko pa rin maiwasan na masaktan.
"We could have been married by now." Mula sa tiyan ko ay itinaas niya ang kamay at marahang hinaplos ang aking pisngi.
"Kung 'di lang ako naging gago, hindi na sana tayo nagkasakitan pa. Asawa na sana kita..." I closed my eyes as I reveled in his touch. Mas nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya. Maybe I was wrong after all. Maybe there's still hope for the both of us.
Agad kong naramdaman ang paghapit niya sa akin at ang paglapat ng malambot at mainit na bagay sa noo ko. His familiar scent and warmth gave me so much comfort that it lulled me into a deep and dreamless sleep.The morning that came after was somewhat awkward but a whole lot better than the first few days. Hindi pa rin fully nag-sink in sa akin ang mga nangyari pero ang mga kilos ni Duke ay laging nagpapaalala sa mga sinabi niya kagabi.
"Bacon?" Tanong niya habang naglalagay ng kanin sa pinggan ko. Marahan akong tumango habang namamangha sa mga galaw niya. He was so engaged in what he was doing pero ang gaan niyang tingnan. He looked intense, pero he kind of radiated with something. Para bang natanggal ang mga alalahanin niya nitong mga nakalipas na mga araw. Parang nakikita ko na ulit ang Duke na kilala ko.
Simple lang kaming nagkukwentuhan ng kung anu-ano habang kumakain, pero 'di namin nabuksan ang tungkol sa nangyari kagabi. Though nararamdaman ko ang maya't maya niyang pagtitig sa akin.
"Mahal kita...." Nasamid ako sa iniinom nang bigla na lang niyang ibulalas 'yun. Dali-dali naman niya akong inalalayan at marahang hinaplos ang likod ko.
"I'm okay." Pigil ko sa kanya nang mahimasmasan at pinunasan ang bibig ko. He looked so worried that I wanted to laugh at his reaction. Kung 'di ko lang agad naalala ang sinabi niya. Nag-iwas ako ng tingin at tumikhim.
Nararamdaman ko na naman ang pagbilis ng pagtibok ng puso ko."Aren't you going to work?" Pag-iba ko sa usapan. Akala ko may trabaho siya ngayon--pero alas-otso na at nandito pa siya sa bahay.
Saglit niya akong tinitigan bago bumuntong-hininga at magaan na ngumiti.
"I filed a two months leave."
Kumunot ang noo ko.
"Why? Ang tagal naman yata. Bago ka pa lang sa kompanya niyo at maglileave ka agad ng ganun?"
Lumawak na ang ngiti niya at mababanaag na sa mga mata ang amusement sa pagkakataong ito.
"I'm taking care of you, Duchess. Kaya tinapos ko na lahat ng mga dapat kong gawin at naihabilin na rin ang ibang trabaho sa opisina. Naiintindihan naman nina Papa. Mas natuwa pa nga sa desisyon ko at agad inaprubahan ang request ko."
Diskumpiyado ko siyang tiningnan.
"But isn't it too long? I mean--"
"Nope.." He immediately cut me off.
"--Saglit nga lang 'yun eh. You are close to giving birth to our baby and I wanted to be with you every step of the way.--" Mas sumeryoso ang itsura niya at inabot ang kanang kamay ko.
"I know you've been through a lot these past few months, at kahit gaano ko mang pilitin na ibalik ang oras at ayusin ang mga pagkakamali ko ay hindi ko kaya." Mabigat siyang lumunok, pero 'di pa rin nag-iwas ng tingin. Para na namang may bikig sa lalamunan ko nang masaksihan ang sakit at pagkabigo sa itsura niya.
"Ang tanging magagawa ko na lang ngayon ay samahan ka at ibigay sayo lahat ng mga pangangailangan at kagustuhan mo. Hindi na ulit kita hahayaang mag-isa at mawala sa paningin ko."
I painfully smiled at him as I pressed the hand that was holding mine.
I never knew that happiness is painful too.
![](https://img.wattpad.com/cover/65950270-288-k756464.jpg)
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
Художественная прозаSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...