Chapter 13
I woke up feeling disoriented and sore. Bahagya akong napaigik nang maramdaman ang paghapdi ng ibabang parte ng katawan ko.
Kinapa ko ang bahagi ng kama na hinigaan niya kagabi, pero 'di ko na siya naramdaman.
I closed my eyes tightly as I felt that familiar pain in my chest.He already left.
"Something happened last night." Agad akong napadilat at napalingon sa pinanggalingan ng boses na 'yun.
He's still here!
Nakaupo siya sa upuan malapit sa kama habang taimtim na nakamasid sa akin. He's just wearing his boxer shorts and I felt my face heaten as memories of last night flashed on my mind.
Umayos ako ng upo habang kipkip ang kumot na siyang tanging nakatabing sa hubad kong katawan at agad na napangiwi nang kumirot na naman ang bahaging 'yun.
Agad niya akong dinaluhan at inalalayan. Mababakas sa mukha niya ang kalituhan at pag-alala.
"Are you okay?"
Marahan akong napatango at tiningnan ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko. Agad niya itong inalis at umupo na lang sa tabi ko.
Sumeryoso ulit ang mukha niya at tinitigan ako.
"What actually happened last night?"
Napamulagat ako sa narinig.
Seriously? Please don't tell me--"Malabo sa akin ang lahat. I mean, I remembered calling you and you driving me home."
Shit. Lasing nga siya. I knew it! Ganun nga siya pag nalalasing, akala mo nasa tama pa siyang huwisyo, pero kinabukasan ay nakalimutan na niya ang lahat.
I knew he wouldn't let that happen kung nasa tamang pag-iisip pa siya. 'Di nga niya hinayaan dati, ngayon pa na may girlfriend siya..?Mariin akong napapikit at bumuga ng hangin.
Sinalubong ko ang titig niya."We're both drunk. I was already tipsy when I came to get you...so uhm, we kind of..."
I mentally grimaced at my lie.Parang sinuri niya ang mga mata ko kung nagsasabi ba ako ng totoo, so I kept my act.
"You're drunk too, huh?"
He muttered silently more to himself.
Tumango pa rin ako.Yeah, Duke. I was drunk with so much passion that I let you claim me.
Patlang.
"What are we gonna do now?" Napakunot ang noo ko sa tanong niya.
"What are we gonna do?" Ulit ko sa kanya. I searched his eyes at wala akong nabasa roon.
"We'll act like nothing happened and just forget everything. Simple." Kibit-balikat ko kahit medyo nanginginig na ang kamay ko. How could I just forget it? Ipinadama niya sa akin kagabi na pag-aari niya ako, kahit pa dala lang 'yun ng kalasingan.
Nagkasalubong ang mga kilay niya at dumilim ang itsura.
"Forget? Damn it, Savvianah, I'm your fuckin' first!" May diin ang mga salita niya at nag-igting ang panga.
I almost cowered at the intensity of his eyes, but I held my ground.
"So what? It's not as if you'll be my second, third, or last!"
Wrong answer. Mas nagdilim ang mukha niya at kitang-kita ko na ang apoy sa mga mata niya.
"Ganun lang 'yun kadali para sa'yo, huh?" Napaigtad ako nang mariin niyang hawakan ang braso ko. Malakas na hinawi ko 'yun at pinukol din siya ng masamang tingin.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
General FictionSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...