Chapter 19
"Where are we?" Nagtataka kong tanong nang makitang nasa hindi pamilyar na lugar na kami. Parang village ito base na rin sa mga nadadaanan naming naglalakihang mga bahay.
Akala ko ba didiretso na kami ng condo niya? May dadaanan pa ba siya?
"Home." Mataman niyang saad at inihinto ang sasakyan sa tapat ng isang bahay na medyo natatabunan ng kulay brown na gate. Agad itong bumukas nang bumusina siya, marahil ay alam na ng kung sino man na nasa loob na siya ito.
Bago ko pa mapagtanto ang lahat ay nabuksan na niya ang pintuan sa side ko kaya dali-dali kong tinanggal ang seatbelt at lumabas na ng sasakyan.
Itinuon ko ang mga mata sa bahay na nasa harap. Dalawang palapag 'yun na kulay krema. Moderno ang design nito at halatang bago lang na gawa o renovate. Pinapalibutan ito ng maluwang na lawn. Sa kaliwang side naman ay makikita mo ang iba't ibang pananim na mga bulaklak. Though hindi ako masyadong mahilig sa mga ito ay nagagandahan talaga ako. Mahahalata mo na alagang-alaga ang mga 'to."Sa'yo 'to?" Kunot-noo kong tanong nang maalala ang sinabi niya. Pinagawa niya ba 'to? Ba't hindi ko man lang 'to alam?
Tumango siya at iginiya ako papasok sa loob.
"Kailan mo pa 'to pinagawa?"
Sinalubong kami ng isang middle-aged na lalaki na inutusan niyang kunin ang gamit ko na nasa kotse.
"Almost a year now."
And you didn't tell me? Tumahimik na lang ako at napatiim-bagang. Yeah, right. Hindi niya kailangan sabihin sa akin ang lahat.
Nilingon niya ako pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin.
"Anak, maligayang pagdating!" Napangiti ako nang magiliw kaming salubungin ni Nanay Marta. Nagpupunas pa ito ng kamay sa suot na apron bago ako yakapin. Napasulyap ito sa tiyan ko nang kumalas at mas lumambot ang ekspresyon sa mukha.
"Nahihinuha ko na talaga noon pa man na kayo ang magkakatuluyan nitong alaga ko."
Napawi ang ngiti ko at bahagya na lang na napayuko. Gusto ko mang itanggi ang sinabi nito ay 'di ko magawa. Kailangan pa ng mahaba-habang eksplinasyon 'yun. And I don't think it's the right time for that.
Tumikhim si Duke kaya bahagya ko siyang nilingon. I caught him staring at me na agad ding binawi at binalingan ang matanda.
"Ihahatid ko po muna si Avvie sa kwarto, Nay. Kailangan na po niyang magpahinga."
Nakakaintinding tumango ito at tumabi.
"O s'ya. Magpahinga ka muna hija. Tumawag ka lang kung may kailangan ka at ako'y sa kusina lamang."
I nodded politely at sumunod na kay Duke na nagsimula nang humakbang.
Huminto siya sa paanan ng hagdan para marahil ay hintayin ako.
"Kaya mo pa bang umakyat?" My brows immediately shot up at his question. At mas lalo akong nainis sa nakabakas na pag-alala sa ekspresyon niya.
"I'm not invalid!" Marahas kong saad at inunahan na siyang umakyat.
"Duchess, I'm just worried. After what happened--" Madali siyang nakahabol sa akin at pinigilan ako sa braso.
I instantly pulled away and turned to face him, my lips in a grim line."The doctor said I'm all good, didn't he?"
Nagsalubong ang mga kilay niya at wari ay aapila pa. I heaved a deep sigh and stared wearily at him.
"Look, I can take care of my baby just fine. Nagawa ko 'yun sa mga nakalipas na buwan, at gagawawin ko 'yun hangga't buhay pa ako."
His jaw instantly clenched as something that resembled desperation flashed in his eyes. Hindi nga ako sigurado kung 'yun ba 'yun dahil agad kong iniwas ang paningin ko.
"Just take me to my room."
Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa hanggang sa nakarating kami sa kwarto na para sa akin, pero ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin, lalong lalo na 'yung galing sa kanya.
God, I'm so stressed. I really need to calm myself.
Agad kumunot ang noo ko nang mabuksan niya ang kwarto na hinintuan namin at umatake sa akin ang amoy nito. It smelt exactly like him! Kahit ang ayos ng mga gamit dito ay malalaman mo na agad na siya ang may-ari! Or is it just me?What am I doing here?
"You may stay here. Hindi pa kasi maayos ang ibang kwarto." Seryoso niyang saad sa nananantiyang tono, wari ay nabasa ang nasa isip ko.
What does it mean then? Dito rin siya matutulog?!
Hindi ko na napigilan at binalingan siya para lang maabutan ang matiim niyang titig.
My heart started beating abnormally that I had to silently pray not to have another episode.
Tumikhim ako para alisin ang bara sa aking lalamunan.
"Okay."
Hindi ko na itinanong pa kung saan siya matutulog. I'm sure he'd find a way. And I don't think it's my business to ask anyway.
He hesitantly left the room when he received a call from the office. Ako naman ay inayos ang mga gamit ko bago nagpasyang maligo para makapagpahinga.
Tsaka ko pa lang naramdaman ang pagod nang mahiga ako sa kama at yumakap sa akin ang amoy ni Duke. His sheets and pillows smelt like him na tila ba kakabangon lang niya. Kahit na hindi maganda ang mga pangyayari nitong mga nakaraang araw mula nang magkita kami, 'di ko parin maitatanggi ang ginhawa at seguridad na nararamdaman ko ngayon. Para akong dinuduyan nito hanggang sa unti-unti akong hilahin ng antok.His scent almost smelt like home.
BINABASA MO ANG
Being His Duchess
Ficción GeneralSimula pa lang nung nasa sinapupunan sila ng mga ina nila, ipinagkasundo na silang ikasal na dalawa. Kaya naman, 'di na nakapagtatakang lumaki silang sobrang malapit sa isa't isa. Kung nasaan ang isa, nandoon naman ang isa. She's Duke's Duchess and...