♫Gweona, Chong Jojun Balsa!♫ ring tone ko syempre.
*beep*
"Hello bakla" say ko.
"Hoy madam! kelan mo ko bibisitahin dito sa salon? haaaa?!" si Jinny sa kabilang linya. Oo nga pala, masyado akong naging busy sa pagiging lalake, di na ako nakadalaw sa baklang to.
"Sows! parang 3 days palang na-miss mo na agad ako? may kelangan ka noh!" feeling ko lang kasi may kailangan to eh, di magaaksaya ng load to para tawagan lang ako.
"Eto naman, kung tatawagan ka may kailangan agad? ay basta, pumunta ka dito sa salon!" aba aba.
"Nahiya naman ako sayo bakla. Oh sige na, sige na" pagbigyan na nga.
"Okay, wait kita huh!" then nag-hung up siya. Wala naman kaming napag-usapan ni Aemy na magkikita kami ngayon eh. Shower muna bago gumora sa labas. Sa totoo lang, di ako masyadong nakatulog sahil sa mga pangyayari kahapon. Remember muntik na akong rumampa sa fashion show? Di kinaya ng ovaries ko ang view at kalandian ng katawan ni Ralph Mond my labidabs. Paano ako makakalakad ng matino kung ang katabi kong rarampa ay isang yummybels, makakasalubong ko sa runway ay yummybels at sightings ko sa backstage ay oh my so delicious almost naked yummybels? rawr! Kulang na nga lang matunaw na ako sa init sa loob ng tent eh! nakaka-imbyerna nga yung mga P.A. ng mga models, shocks! kung hubaran naman ang mga papabels kala mo lalantakan nila ng buhay! buti pa si Ralph Mond my labidabs, sariling sikap.. kung pwede lang, ako nalang isuot mo, pupulupot ako sayo ng bongga!
♫ Gweona Chong Jojun Balsa!♫
Sinu nanaman kayang tumatawag na yan.
"Wait lang! naliligo ang tao eh" shunga lang? malay mo sumagot yung phone. Hahaha! Minadali ko tuloy ang pag-ligo. Kukuha na sana ako ng idadamit ko nang makita ko ang nakasulat sa salamin.
"MISSION: CAMPUS HUNK"
Oo nga pala. Nilagay ko yang reminder na yan kagabi lang. To the max na talaga ang peg ko after kong makita ang aking Ralph Mond my labidabs slash honey! So imbes na buksan ko ang aking beauty queen wardrobe kinalkal ko yung mga paper bag na pinamili ni Aemy.
Again, black shirt, red suit, leather pants and shoes sinuot ko. Sobrang sikip nitong leather pants, puputok yata mga ugat ko sa binti. Ano kayang magiging reaction ni Jinny kapag nakita nya akong ganito. Haaaay.. ikamamatay ko nanaman pangangantyaw ng baklang yun. Paglabas ko ng gate nakita ko si Aiyoo, kapitbahay namin, close kami niyan since lumipat kami dito.
"Ui! Jeon--" bigla siyang napatigil at lumapit sakin. "Jeona!?" kumunot noo niya, di yata ako nakilala. Sige, ma-try ko nga ang umarte.
"Oh, Aiyoo, kamusta naman?" pinigilan kong mag-beso sa kanya.
"Uwaah, Jeona? kaw talaga yan? anyare sayo?" bigla siyang nangiti. "Ang gwapo mo! grabe!" sabay hampas sa balikat ko.
"Haha- okay ba?" nag mister pogi pose ako.
"Huy! grabe! anu-- bakit.. paano? anyare sayoooo?!" ayun at parang excited na bata.
"Ehh.. mahabang kwento eh, saka na ako magkwekwento." say ko habang nagkakamot ng ulo.
"So hindi kana bakla? no more gorgeous Jeona?" paglilinaw niya.
"NO WAY! I'm still the gorgeous Jeona!" Errghh.. "ENEBEYEN! asar ka! ang hirap umarte eh!" at hindi nagtagal ang boy cover ko. Natawa naman siya.
"Hahaha! pero ipagpatuloy mo lang yan, bagay mo, pramis!" hinawakan niya dalawang kamay ko. "Magkwento ka sakin ha!" then nag smile siya.
"Oo naman, pero for now, lalake muna talaga ako ha.. help me spread the word, khay?" mapagkakatiwalaan kasi si Jeona, at talagang magkasundo kaming dalawa.
"Oo naman.. kaw pa! sige na parang may date ka eh.. hihihihi.. good luck! at kung anu mang kwento mo.. excited na ako!" at talagang may issue yung ngiti ha.. oh sige na.. beso beso na kami.
"Buh-bye! huy ah.." nagwave kaming pareho sa isat isa.
--------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!