Chapter 40

6K 150 19
                                    

Matatapos na ang storilush saka lang ako nagkaroon ng moment! But anyways, thanks madam author at binigyan mo ako ng eksena dito. Mapapatunanyan kong ako na ang best actress sa kwentong ito.

-----------------------------------------

*Bzzt*

Dear Jinny/ Jimmuel Park,

Pasensya kana kung ngayon ka lang magkakaroon ng eksena, pero huwag masyadong mag-feeling. Supporting role ka lang dito. Hahaha!

Nagmamahal,

Author-nim

Author naman ih! Chupe na nga jan! Ayan na, gora na tayo sa eksena ko baka mawalan pa ako ng linya eh. Hmmpf!

[JINNY' POV]

Inalok ko si Aemy na pumasok sa bahay ni Kookie pero umayaw siya kaya nandito kami ngayon sa starbucks na di rin kalayuan sa bahay nila. Halos makalahati ko na nga rin itong kape ko pero hindi ko alam kung paano sisimulan ang superballs na buhay ni Kookie. Hindi rin naman siya nagtatanong. Naka-upo lang kami, naghihintay na lumamig ang mga kape namin. Kung bakit ba naman kasi di pa sinabi ng mahaderang Juanito na yun yung balak niya kay Angela ih. Nakakalerki!

"Sooo..." sumandal si Aemy sa sofa matapos humigop ng kape. "Please tell me their past." Eto na. Sasabihin ko lang ang talagang alam ko. Bahala na si Kookie pag balik niya. Huminga ako ng malalim at humigop rin ng kape para humugot ng buwelo.

"Okay, bago ko simulan. Ano sa tingin mo si Kookie?" pauna kong tanong.

"Tao." pamimilosopo niya pero seryoso. "Ano bang klaseng tingin?"

"Bakla parin ba siya sa tingin mo?" well, kung ikwekwento ko rin lang, dapat lang siguro niyang malaman diba? Chos naman. Kalmado ang aura niya ngunit hindi bakas ang pag-ngiti sa mga susunod pang sandali.

"Mahal ko siya." Agaran niyang sagot. Haba ng hair mo Kookie! Pakiramdam ko ako ang pinangsabihan niya ah. Bakit bigla akong kinabahan. Mahal niya ang malandutay na Kookie. Kung sabagay. Di na ako magugulat, napapansin ko narin naman kasi. Nakakalerki.

Teka lang mother earth. Bakit parang nasa harap ng korte suprema? Ang heartlalu ko, jumping over the moon ang peg! Kung bakit kasi naisipan ko pang kunin yung make-up kit ko sa bahay nila ih. Imbyernang timing oh.

"Aemy, katulad mo.. nagmahal din siya.." si Annalise yun. "at nagmamahal parin." syempre ikaw yun Aemy at dahil kwento ni Kookie at Annalise ito, di ko sasabihin sayo. Pangunahan ko ba naman si Kookie.

"Nagkakilala sila ni Annalise end of grade school. Ewan ko kelan nagsimula, nalaman nalang namin mag bestfriend na sila." Marahan kong sabi. Ang hirap pumili ng mga gagamiting salita eh. Mamaya ma-misinterpret niya ang mga kaartehan kong dila. Nanatili parin ang kalmado at nakikinig si Aemy kaya nagpatuloy lang ako.

"Naging malapit sila sa puntong isinama siya ni Kookie sa grupo namin. Akala nga namin girlfriend na niya si Annalise noon eh." Nakita kong parang may gustong itanong si Aemy ngunit itinukom niya ng bibig niya at sinabing ipagpatuloy kolang ang sinasabi ko. Ikwenento ko ang mga pinagdaanan nila at kung paanong malapit ang mga pamilya nila.

"Pero bigla nalang nagkaroon ng problema sa pamilya ni Kookie at pinapalayas sila ng lola niya sa probinsya." Sabi ko.

"Bakit?" sa wakas ay nagtanong siya.

"Iniwan kasi siya ng mga magulang niya sa lolo at lola niya nung maliit pa siya, yung baby sister naman niya eh isinama nila. Di daw nakayanan ng mga parents niya ang pang-aapi ng mga echoserang relatives nila kaya umalis."

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon