Chapter 9

10.9K 214 21
                                    

Heto ako, sa harap ng salon ni Jinny at nag-aalangan pumasok. Paano ako magpapakita? Anong sasabihin ko? Aarte ba akong lalake? Anu vei! Napakamot nalang ako sa ulo ko, paano ba kasi ang gagawin ko? Bumili muna ako ng buko juice dun sa may tabi para makapag-isip. Dinaanan ko narin ang fishball at kwek-kwek tapos bumalik sa harap ng salon ni Jinny. Para akong shunga shunga na pabalik balik.

"Hay! nakaka-imbyerna naman! bakit ba ako kinakabahan? eh si Jinny lang naman yan!" pagdadabog ko. Huminga ako ng malalim at dahan dahang itinulak ang pinto. Bumungad sakin ang naka-dekwatrong si Jinny kasama ang isang papabels. Napatingin siya sa dereksyon ko at napatayo. Ako naman parang napatigil sa paglalakad at pinagmasdan lang siya habang pinagmamasdan ako. Ang weird noh?

"JUANITO?" nakakunot ang noo niya na tila di ako makilala. Naningkit mga mata niya habang papalapit sakin. "JOHN JUANITO?!" biglang sigaw.

"Sabing wag mo kong matawag na Juanito eh!" sympre male mode on!

"Madaaaam! anong-- haruuuuujuskoooo!" paikot- ikot ito sa akin, kinikilatis ako mula ulo hanggang paa.

"Ano?!" medyo nakaka-irita, ganito pala pakiramdam kapag pinagnanasahan ng bakla! Kakakilabot!

"BAKLA! TYPE NA KITA!" biglang yakap nito sakin. Grabe, para akong binuhusan ng malamig na tubig sabay lagay sa refrigerator at bagsak sa antartica! Nagsitayuan mga balahibo ko! Bigla ko siyang kinalas.

"HINDI AKO BAKLA!" biglang say ko naman, na-shock siguro ako? ewan ko ba! weird eh!

"Hoy! BAKLA! ang OA ha! sige na.. ikaw na best in acting! echos namang bakla to, nagdamit lalake lang eh.." bigla tingin sa paa papuntang ulo sabay kagat labi "pero type talaga kita!" at ang malanding Jinny na to! pinagnasahan pa ako?

"Tigilan mo nga ako" napansin ko ulit yung papabels sa gilid.. gwapo! ehem.. kalma lang "nakaka-istorbo yata ako sa inyo eh" sabay tingin dun sa papabels at ngisi kay Jinny.

"Ay buti alam mo! maupo ka na nga dyan sa tabi, tapusin ko lang service ko" bigla talikod sakin at deretso sa papabels. Lumuhod ang bruha sa harap ng papabels na naka-upo! Nanlaki nalang mata ko. anung klaseng service ito! Unti-unti pa nyang niyuyuko ang ulo niya.. at-- at..!

"Phew~" bigla akong nakahinga ng malalim. Kinuha niya yung paa nung papabels mula sa foot spa tub at sinimulan nyang imasahe ito. Natawa nalang ako at umupo sa sofa malapit sa register. Inabot ko yung magazine sa ilalim ng side table at nagsimulang mag-basa.


♫Gweona Chong Jojun Balsa!♫  

 Sinu naman tong tumatawag. Si Aemy..

"Hello, Aemy?" say ko.. syempre male voice.

"Dre, Ralph to" Kung kanina ara akong binuhusan ng malamig na tubig sabay lagay sa refrigerator at bagsak sa antartica.. ngayon naman.. para akong hinubaran, inilagay sa kumukulong tubig at ibinuhos sa bulkan! Oh my delicious honey Ralph Mond! talaga naman ang puso ko, to the max ang karera! Hinay hinay lang!

"Honey?" napafalseto ako. JUSKO!

"Honey? anu?" biglang na-piwe ang boses niya. Ehem..

"Ahaha-- magulo kasi tong katabi ko" palusot ang peg! kumagat ka!!!

"Aaahh, ganun ba? kala ko kasi bakla." nanlaki mga mata ko as in malaking malaki! This can't be!

"Hi-hindi ako bakla, pare!" biglang kambyo ng vocal cords ko. Topic.. mag isip ka ng topic! "A-anu.. bakit ka nga pala napatawag?" haaaay..

"Ah, oo nga pala dre, pwede bang pumunta ka dito sa bahay ngayon?" Paki-ulit nga? sinu ang pupunta sa bahay ninu? Ako? sa bahay ni Ralph Mond my labidabs? Oh my uterus! It's contracting! This is it pansit!

"N-ngayon na?" anu ba? bakit ka ba na-uutal?

"Oo, kung di ka busy, kasi si Aemy---" di na niya tinapos sasabihin niya sumabat na ako.

"Oh sige, papunta na ako jan, malapit lang naman ako eh" super lying powers on! enebe! si Ralph Mond na to!

"Ok" then bigla siya nag hung up. Yun lang? Ok lang? nakakabitin! grabe! Ang haba ng hair ko! pati pubic hair! muwahahaha!

"Jinny! una na ako, may emergency eh" say ko derederetso lang palabas ng salon. Di ko na narinig talak ni Terry dahil sa sobrang excited ko.. Kumaripas ako ng takbo.. Hahaha!

--------------------------------------------------------------------

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon