[ KOOKIE'S POV ]
Tatlong araw na ang nakalipas nang bumalik si Annalise. Naging busy ako sa pagtatapos ng mga term papers.
"Anong oras pasok mo John-- Kookie?" isinukbit ko ang bag ko at nilingon si Annalise sa pinto.
"8:30.. pero may dadaanan pa ako kaya kelangan akong magingmaaga" tugon ko naman. Nakapang lakad siya at bitbit ang alaga niyang aso. "May pupuntahan ka?"
"Yep, ayoko maiwang mag-isa dito noh. Sabay na tayo, maglilibot nalang ako sa mall" kung sabagay, wala rin naman kasing magawa dito sa bahay.
"Si Aemy..." bigla siyang nagsalita habang naglalakad kami kaya napalingon ako.
"Hmm?"
"Nasabi mo na ba sakanya?" may pag-aalala sa kanang mukha. Umiling ako at tumingin sa daan. "Tell her, paano kung malaman niya sa iba?" Napabuntong hininga ako.
"No need. Nakaplano naman na pagbalik natin sa probinsya, di na niya kailangang malaman." tugon ko naman. Nagkaroon ng katahimikan. Nagpatuloy kami sa paglalakad at hindi kumikibo.
"Tell me, hindi mo naman siguro sineryoso yung promise mo sakin noh?" napahinto ako bigla kaya huminto rin siya. Bakit ba naalala pa niya yun! Di ako makatingin sakanya at nag-iiwas ng mata. "No way! Don't freaking tell me.. naging bakla ka!?" nanlaki mga mata ko.
"Huwag na nating pag-usapan." dali-dali akong naglakad papalayo ngunit hinarang niya ako at bakas sa mukha niya ang pagpipigil ng tawa habang di makapaniwala.
"You were that loyal para hintayin ako Jo-- Kookie?" Ewan ko ba at gusto kung hukayin tong kinatatayuan ko para ilibing ang sarili ko. Hindi ako makasagot.
"Oi, huwag mong sabihin.. till now.. beki?" pag-aalangan niyang tanong na para bang hinuhusgahan niya ang isasagot ko. Sinamaan ko siya ng tingin at agad namang napatawa. "Sooooo, ano ang pangalan mo sa gabi?" ay bituka ng kambing, sabi ko na nga ba at tatanungin niya yan eh.
"Hulaan mo." seryoso kong sabi. Napaisip naman siya at kung ano-anong pangalan ang binanggit niya. Hinampas niya ako ng malakas sa balikat nang malaman niyang pangalan niya ang ginamit ko.
"Bad ka! bakit Jeona?!" lamog na ako sa kakahampas niya at sobrang sakit ng tiyan sa kakatawa dahil parakaming baliw na naghahampasan sa daan. Naging seryoso ang ere niya at binaling ang atensyon sakin kaya huminto narin ako.
"Were you really hurt that you'd go that far to wait for me?" Ngumiti ako habang dahang dahang tumango sa tanong niya.
Sa totoo lang, siya ang dahilan ng pagiging bakla ko. Bago siya umalis papuntang states ay nangako ako sakanya. Ipinangako ko na hihintayin ko siya at hindi maghahanap ng iba kahit pa maging bakla ang kahihinatnan ko. Mahal ko siya, minahal ko siya at ngayon ay nasa harap ko na. Nasaktan ako ng sobra dahil sa biglaan niyang pagkawala, naging miserable at nag-umpisang magbago. Naguguluhan ako. Masaya ako at nagbalik siya pero bakit ngayon pa? kung kelan nakilala ko si Aemy?
"I think you should tell her about us, Kookie. Alam mo naman siguro kung paanong maiwan ng taong mahal mo diba? Save her heart." paano ko magagawang salbahin ang puso niya, kung ang sarili ko eh nalulunod na. Hindi pa nga rin pala alam ni Annalise na nagpapanggap lang kami ni Aemy. Besides, it's one sided for me.
"Dito na ako. Ingat ka ha" nakaiwas ako sa topic nang marating namin ang kanto, hinintay ko muna siyang makasakay ng taxi bago nagpatuloy sa paglalakad.
Kelangan ko pa bang sabihin sakanyang babalik ako ng probinsya ngayong sembreak?
*Beep beep* napalingon ako sa sasakyang huminto sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!