Chapter 39

6.1K 152 23
                                    

[ KOOKIE'S POV ]

Tingnan mo tong Felix na 'to. Halos malow-bat na tong cellphone ko sa kakahintay ng text at tawag niya. Alam naman niyang importante sakin na malaman ko mga nangyayari dun eh, lalo na at wala ako sa tabi ni lola. Baka kinakain na siya ng buhay ng mga bwayang kamag-anak namin.

"Ikaw nalang kaya ang tumawag?" si Annalise. Hinatid namin ang papa niya sa airport at kasalukuyang nakasakay sa taxi pauwi.

"Sinubukan ko na, cannot be reached. Tsk." Hay naman. Kung kelan naman kailangan mong makausap ang taong ito, di mo matawagan.

"Sino ba yan? Kagabi ka pa di mahiwalay sa cellphone mo eh. Nung kausap natin si papa, panay din ang tingin mo sa phone mo. Ang bilis mo ring sinagot ang tawag ko kanina, first ring palang eh." paninita niya.

"Si Felix. Bilin ko sakanya tumawag sakin at sabihin kung ano na nangyayari doon. Kung okay lang si lola, yung mga invitations, ang program-" di ko natapos ang sasabihin ko dahil nagsalita si Annalise.

"OA ka. Magiging maayos ang lahat, ako nga ang kinakabahan sayo eh. Loosen up." inayos niya ang kwelyo ko at pinagpag ang magkabila kong balikat. Sa halos 4 na taon naming hindi pagkikita, wala paring pinagbago sakanya. Lagi siyang kinakabahan para saakin. "Ahh, nga pala. Daan tayo ng mall. Bibili ako ng dress."

"Dress.. para saan?" tanong ko naman. Napakunot ang noo niya. "Aahh.. okay, gets ko na.. kelangan talaga bagong dress? magaganda naman yung mga sinusuot mo ah." sabi ko.

"Hhhmm.. sabagay, di naman kasalan ang dadaluhan natin. Engagement lang." pasarkastiko niyang sabi. "But wait, dapat dramatic.. yung ikagugulat nilang lahat."

"Bakit, hindi paba dramatic ang sasabihin natin?" pasarkatisko kong sabi. Napatawa kaming dalawa. "It will be the sweetest engagement surprise for them."

"Our sweet revenge huh?! Can't wait!" nakita ko ang saya at pagkasabik sa mukha niya. Dapat ba akong masabik dahil napapalapit na ang pagbawi ko sa mga taong sugapa at nagtakwil samin? Di ko mapigilang mapangiti kapag naiisip ko ang mga itsura nila. Malaking bagay rin na pumayag ang papa ni Tanya.

"Siya nga pala, nung ipapakilala sana kita kay Aemy. Bakit friend lang ang sinabi mo?" bigla ko lang naalala.

"Well duh, I know you haven't told her anything about me.. and I can tell then that you have feelings for her. She's your current girlfriend right?"Napalunok ako sa sinabi niya. Paano niyang nalaman? "Jinny told me. In case you are wondering." Aahh.. kaya naman pala.

"So, alam mo rin na we're in a fake relationship right?" Sa daldal ba naman ni Jinny, siguradong nasabi niya lahat lalo na at si Annalise ito.

"Yep, kaya nga I juist said we're friends. Besides you should be the one to tell her. Masasaktan siya kapag saakin pa niya nalaman noh. You should really tell her you know." aniya. Ang kulit rin nito eh.

"Okay. Okay. But not now." pagsuko ko. "At malabo namang masaktan ko siya. She has her head occupied by Vincent."

"Her ex? Hey, you developed feelings for her, so she might as well have feelings for you." Aniya. Love expert ba tong nasa harap ko? Psh. Malabo pa sa mata ni lola na magkagusto sakin si Aemy. Ni hindi nga niya ako pinipigilan kapag pupunta ako kay Annalise. Hindi nga yata siya concern na dalawa lang kami sa bahay eh. Napasimangot ako. Aasa ba ako?

"Hey, at least tell her that I'm your fiance. Aren't you doing all of this for her sake?" bakas ang pag-aalala sa muha niya habang hawak hawak ang mga kamay ko. "Or just tell her your plans. It would be much easier."

Lumiban ako ng buong araw sa klase at pinagisipan ang mga sinabi ni Annalise. Gustong gusto kong sabihin kay Aemy, pero natatakot ako. Buo na ang pasya ko at luluwas na kami sa susunod na araw. Ayoko nang dagdagan pa ang iniisip niya. Masyado na siyang nahihirapan kay Vincent nitong nakaraang mga araw. Napapansin ko siyang balisa at parang walang tulog. Ni hindi na nga kami nagkakasabay kumain at umuwi.

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon