End Of Contract

10.9K 254 73
                                    

*bzt bzt*

Saturday, 6:45 pm....

Fr: Kookie

Uwi na ako jan tomorrow. See you on Monday! ;)

"He'll be here tomorrow huh.." not yet, di pa ako handa, di ko pa kayang makita siya. Huwag muna, naiisip ko palang ang ginawa niya ay matindi na ang kirot na nararamdaman ko. Please, not yet. Kookie, ayoko na ang masaktan pa pero bakit nasasabik akong makita ka?

To: Kookie

I see, anong oras dating mo?

Message sent.

"Huh?" teka, bakit ako nag-reply? at higit sa lahat, bakit ako nagtatanong? 

*bzt*

Fr: Kookie

Hmm, around 8:30 am. Why?

-=-

To: Kookie

Okay, I miss yo-

*erase*

[ KOOKIE'S POV ]


Sunday, 9:20am

"Thank you for boarding Army Airlines"

Wow, grabe. Kung gaano kalamig sa loob ng eroplano ganoon naman ang yakap ng mala-disyertong init paglabas! Para akong pumasok sa full blast na oven ah. Isang linggo lang akong nawala parang nag-migrate lahat ng init dito.

"This way to luggage area sir." Sinundan ko lang ang dereksyon ng mga nasa unahan ko. Bumungad sakin ang tumpok ng taong nag-aabang ng mga bagahe. At dahil ayokong nakikipagsik-sikan sumandal muna ako sa isang cylinder post na malapit sa glass wall kaya tanaw ko rin ang mga naghihintay na tao sa labas.

"Hay grabe ang init" pagrereklamo ko habang pinapaypay ang kamay ko sa aking mukha. Isinalpak ko ang earphones ko at pinatugtog ang  So Far Away cover by Suga, Jin & Jungkook. Nakapikit ako at ninanamnam ang musika nang biglang hinablot ang phone ko kaya sumama narin pati ang earphones.

"Ay! So far away!" bigla kong sabi sa pagkagulat. Sa harap ko ay si Annalise na ngising ngisi at pinapaikot sa ere ang earphones ko. Teka, anong ginagawa nito dito. "Oh, bakit andito ka pa?"

"Well duh! I still have to get my luggage here and thank you very much sa pag-iwan mo sakin sa rest room!" tinaasan niya ako ng kilay. "and so far away?"

"Eh malay ko naman. Sabi mo kasi deretso ka na sa next flight mo." pagpapaliwanag ko. Deretso na kasing balik niya sa US.

"Speaking, where on earth is your luggage?" pagtatanong niya. Nginuso ko naman ang kumpol ng tao sa belt na agad niyang nilingon. "Oh, makes sense."

"What time ba flight mo?"

"Hmm, around 12? still have lots of time checking in so.." itinigil niya ang pagpapaikot sa earphones ko. Inabot niya sakin ang phone ko na agad ko namang kinuha.

"Earphones?" inilahad ko ang kamay ko dahul sakal sakal pa niya ang mga ito.

"Come to think about it, may utang pa ako sayo." napaisip naman ako kun ano yun? kelan ko pa pinautang ng kahit ano ito?

"Anong utang? may utang ka sakin?" ang alam ko lang na may utang sakin eh si Jinny. Teka, di pa nagbabayad yun ah!

"Here.." isinalpak niya sa magkabilang tenga ko ang earphones at nagpalit na ang music. Awake x Butterfly remix na ang tumutugtug. Takte lumakas yung volume. 

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon