Chapter 36

7.3K 160 13
                                    

[ KOOKIE'S POV ]

Monday is gravity day. Ayaw lubayan ng katawan ko ang kama, may tampo ang mga mata ko sa sinag ng araw at parang adhesive tape ang kumot ko sa katawan ko. Ano bang meron sa umaga at napakalakas ng hila ng gravity?

"Lola, hatid ko na muna kayo sa istasyon bago ko pumasok." pagprepresenta ko. Inilipat ko sa mula sa sofa papuntang wheel chair.

"Hindi na apo, ihahatid naman daw ako ni Jinny, pumasok kana." pagtanggi niya. May usapan pala sila ni Jinny.

"Oh sige po. Pero ingat ka ha. Siguraduhin mong bago ka baba eh nakita mo na si Felix, baka mamaya niyan iba ang mapuntahan niyo. Nandiyan narin sa bag niyo ang mga tinapay at tubig kung sakaling gutumin kayo. Pati nari---" naputol ang pagbibilin ko.

"Apo, naka-ilang beses mo nang sinabi sakin yan kagabi. Ayos lang ako, kaya ko na ang sarili ko." ngumiti siya sakin kaya nagbuntunghininga ako. Di kasi ako mapakali eh.

"May masasabi pa ba ako?" pagsuko ko. Humalik ako sa noo niya at nagpaalam. Panatag naman na ako at si Jinny ang maghahatid sakanya.

Papasok na ako sa gate ng school in..

3

2

1

"Kyaaaaah!" Heto na ang mga nagtitiliang papulasyon ng babae sa school. Di na sila nagsawang makita pagmumukha ko. Derederetso lang ako sa daang inilaan ng mga ito. Ngiti dito, ngiti diyan hanggang sa makapasok ako sa loob ng building in

3

2

1

"asdSFGSsfgsrhraE#@%$^E%^7!" at hindi na naubos ang batalyon ng kababaihan. Napahinto ako sa gitna nang mag-vibrate ang phone ko.

Fr: Jinny Chim Chim

Dito na kami bus terminal ni Lola. 9:15 ang alis.

Nakahinga naman ako ng maluwag.

"Kyaaaaah! OMG!" Nadagdagan ng lakas ang tilian nang may humintong pares ng paa sa tabi ko. Si Vincent. Psh, kaya naman pala.

"Yo!" tipid niyang bati sakin. Humarap ako sakanya at tumango. Nagkuro kuro ang mga nakatingin samin kung gaanong picture perfect at parang eksena sa movie ang pagtayo namin sa gitna ng first floor.

"Dami mong fans ah." pa-angas niyang sabi. Nangiti naman ako.

"Sayo yang mga yan. Napagkamalan lang ako." tugon ko. Sa totoo lang gusto ko na dumeretso sa classroom at kulitin si Aiyoo.

"See you around." humawak siya sa balikat ko at bumulong. "Protektahan mo si Mae sa mga fans mo. They can get dirty." sabay lakad sakabilang dereksyon. At kahit di naman niya sabihin eh gagawin ko yun.

Mula sa gate haggang harapan ng classroom namin ay isang napaka-habang runway para sakin. Kelangan laging nakangiti o di naman ay cool tignan. Mabuti nalang sa section namin ay normal na tao lang ako. Nilugmok ko ang pwet ko sa malamig na upuan.

"Alam mo kulang nalang palagyan ng red carpet dinadaanan mo eh." Si Aiyoo na kakarating lang at inilapag ang sandamakmak na libro sa lamesa niya.

"Di pa ba sila nagsasawa sa pagmumukha ko? ikaw alam kong sawa kana sakin."  pinatong ko ang baba ko sa lamesa.

"Nung Jeona ka pa.. oo, halos isuka na kita. pero ngayon?" pinutol niya ang sinasabi niya kaya napaangat ako ng ulo.

"pero ngayon?"

"Gwapo mo kasi, kung di lang kita talaga kilala, baka isa ako dun sa mga matang pusong sunod ng sunod at tinitilian ka." tugon ni Aiyoo habang kinikilatis ang pagmumukha ko.

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon