[ AEMY'S POV ]
"Hello kuya..." pagbati ko sa kabilang linya ng telepono. Naririnig ko ang malakas na ulan at maaingay na kapaligiran.
"Hello? Babes???!! Hello?" pasigaw niyang sabi. Inilagay ko sa loudspeaker ang cellphone ko para mas-marinig ko siya.
"Hello.. naririnig mo na ba ako?" muli kong tugon.. mayat maya ay naputol ang linya. Nawalan siguro ng signal sa kinatatayuan niya. Sumilip ako sa labas ng bintana upang tingnan ang kalangitan. Nagbabadya ang malakas na ulan at eto ako, walang kasama. Dahil busy rin si yaya sa kusina, o-order nalang ako ng pizza. Humilata ako sa sofa, tinaas ang cellphone ko at tinitigan ang numero ni Kookie. Tatawag ba ako? ano naman ang sasabihin ko?
*ring ring... ring ring..* di ko nalang namalayan, tumatawag na pala ako kay Kookie. Agad ko sanang wawakasan ang tawag ngunit bigla syangg sumagot..
"Hello? Aemy..?" boses ni Kookie sa kabilang linya, Agad akong napatuwid ng upo at nilapat sa tenga ko ang cellphone.
"Ah.. good eve Kookie..." pag-aalangan kong tugon.
"Napatawag ka?" bigla nyang tanong. Bakit nga ba ulit ako tumawag?
"Ah.. eh ano kasi.." wala akong masabing palusot. Alangan naman sabihin kong.. matutunaw na kasi cellphone ko sa kakatitig ko sa number mo eh. Duh!
"By the way, kumain ka na ba?" agaran niya ulit na tanong.
"Hindi pa nga ih.." tugon ko.. kahit nilantakan ko buong chicken kanina hahahaha. "Ikaw dyan..?"
"Kakain palang eh.. gusto mo ng mami?" tugon niya. Bigla akong naglaway matapos niyang masambit ang katagang mami.
"Waaah! Paborito ko yan.. kumakain ka ng mami ngayon? nakakainggit!" sabi ko naman na parang bata.
*plik plok.. plik plok* *shaaaaaa* narinig ko ang malakas na pagbuhos ng ulan.
"Aish.. aahh.." si Kookie sa kabilang linya.
"Oh bakit?" agad kong tanong.
"Biglang umulan eh, teka sisilong lang ako" tugon naman ni Kookie, inilagay niya yata sa bulsa o kung saan cellphone niya, naririnig ko ang pag umpog eh. Sa labas yata siya kumakain at kelangan pa niyang sumilong. "Aemy..?" biglang salita ni Travis.
"Hmm..?" tugon ko at muling humiga sa sofa.
"Anong masmasarap, strawberry o chocolate drink?" ano nga ba.. mas gusto ko ang strawberry eh..
"Strawberry? nasa vendo machine ka ba?" tanong ko.. "teka, may payong ka bang dala? baka magkasakit ka niyan ha." ngayon ko lang naisip na baka wala siyang payong at na stranded sa tindahan.
"Okay.. hhmm.. E19..." nasa vendo machine nga siya, narinig ko kasi ang pagbagsak ng inumin niya.. dalawang beses?
"Ilan binili mo?" agaran ko namang tanong.
"Ah.. oo, parang kulang ko kasi itong isa eh" pagdadahilan niya. Baka naman kasi pang midet binili mo. "Siya nga pala, kamusta naman yung ginagawa niyo kanina? natapos niyo ba?" dagdag niya.
"Oo.." at ipinagsisigawan nito ang pangalan mo.. idadagdagg ko sana. "magaling mga kasama ko eh hehehe.."
"Aemy.." biglang naging seryoso boses niya, malalim at malinaw ang pagkakarinig ko kahit na malakas ang ulan. "Kamusta naman yung kay Vincent?" biglang kumirot ang dibdib ko, di ko maintindihan. Bakit parang pakiramdam ko ang susunod niyang sasabihin eh magpapalaam na siya?
"Uhhmm, bakit mo natanong?" kinakabahan ako, parang ayokong marinig ang susunod niyang sasabihin. Tila bumagal ang oras habang hinihintay ko ang sagot niya mula sa kabilang linya. Narinig ko ang pagtawa niya.
BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!