"Ako lang ba? o ang init dito?!" say ni Aiyoo. Napangiti naman ako, siksikan kasi eh. "Lipat tayo dun" tinuro niya yung canteen.
"Sige, tara.." nung akmang lulusong na kami sa ulan, biglang may humintong SUV sa harap kaya napatigil kaming dalawa. Bumaba yung window sa likod..
"Travis!" nakita kong dumungaw si Aemy at tinatawag ako. Di na ako nag-isip pa at hinila narin si Aiyoo para sumakay sa SUV. Bale ang posisyon namin sa likod ay.. Ako, Aiyoo at Aemy. Moment of awkward silence.
"Uuhhmm, palit siguro tayo ng pwesto Kookie.. nakaka-abala yata ako" sabi naman ni Aiyoo na halatang awkward din.
"Di, okay lang" napasulyap naman ako kay Aemy na parang awkward din. "Si Aiyoo nga pala, freind ko" pagpapakilala ko naman sakanya
"Aahh, okay, nice to meet you!" again, moment of silence nanaman hanggang sa makapagparada kami sa gilid ng gymnasium kung saan gaganapin ang entrance ceremony. May sariling payong si Aemy kaya pinayungan ko nalang si Aiyoo para di na niya buksan pa yung payong niya at dumeretso sa bukana ng gym.
"Eto na yung jacket mo.. salamat ha" inabot ni Aiyoo sakin yung jacket.
"Ayusin mo yung shirt mo" say ni Aemy na inaayos na yung shirt ko sa likod at pinagpagan yung balikat kong medyo nabasa sa ulan.
"Thanks" tugon ko naman. Iniwan namin yung mga payong namin sa rack di kalayuan sa entrance at pumasok sa loob. Nalula yata ako nung nakita ko ang kabuuan ng gym.. ano to? dome? ang laki! Natanaw ko ang "Converse High College" banner sa stage. Ang daming tao. Nagregister kami at nakihalo sa mga tao.
"ATTENTION FRESHMEN, PLEASE PROCEED TO YOUR DESIGNATED COURSE AREAS. WE WILL START THE PROGRAM IN A MINUTE." say nung announcer sa stage. May mga malalaking banner sa harap na may nakasulat na kurso.
"Pano ba yan, kelangan nating maghiwalay" sabi ko.
"Oo nga eh, tawagan nalang kita later after ng program" say naman ni Aemy.
"Sabay na ako sayo Kookie.." si Aiyoo naman.. same kami ng kinuhang kurso pero magkaiba ng section.
"Sige, Aemy.. ingat ka ha" lumapit ako sa kanya at humalik sa noo. Tumingala naman siya sakin at ngumiti.
"Ikaw din, huwag kang mambababae ha!" taray! baka manlalaki! "Aemy, pakibantayan ha.." ngumiti siya.
"Naman!" tugon naman ni Aiyoo. Tumalikod na si Aemy at nagpunta dun sa kakurso niya.
"Tara na rin.. nasa gilid yung saatin" nagmadali kaming umupo dun sa tapat ng BSN row at nanahimik. Di nagtagal napupuno narin yung mga katabi naming upuan. Naghiyawan ang lahat pati ako nung mayat maya eh namatay ang ilaw. Power shortage?!
"Anyare?!" si Aiyoo na napakapit sakin.
"Ewan ko" bigla namang nagkaroon ng spotlight sa stage. Anong kadramahan ito?
"GOOD MORNING! WELCOME TO LUCKY HEARTS COLLEGE!" say nung nasa stage, nagpalakpakan naman kami. "LET ME DO A ROLL CALL! STAND UP WHEN I CALL YOUR DEPARTMENT!"FIRST UP.. BACHELOR OF SCIENCE IN BUSINESS MANAGEMENT!" sumindi ang ilaw sa tapat nila saka sila angsitayuan.. palakpakan naman mga tao. Ganun rin ang ginawa namin.
---------- FAST FORWARD ----------
Nahirapan kaming lumabas ni Aiyoo sa sobrang daming tao, pati pagdating sa umbrella rack, parang relief operation! fall in line ang peg! Medyo nagkakatulakan na.
"Aray!" say nung girl sa tabi ko. Napalingon din naman ako dun sa girl na nasa likod niya na naitutulak rin. Nagkakabanggan kasi yung pila sa payong at mga palabas ng gym. Nakuha namin yung payong namin at agad agad lumayas. Tumila narin kasi ang ulan, ngayon si Aemy nalang ang hihintayin, nagpahuli kasi siyang lumabas para hindi siksikan.
"Uhhmm, excuse me" may lumapit na grupo ng babae samin ni Aiyoo. Ha! parang alam ko na ito!
"Yes?" tugon ko naman.
"Ano pong course mo?" tanung nung nasa gitna.
"Nursing, bakit?" sabay ngiti.
"Ayy.. name mo po?" aba aba! ang style teh! kung ako sayo, number agad tatanungin ko! hay naku!
"John.. John Juanito" eto nanaman ang nakakakilabot kong pangalan! Nagsikuan yung mga kasama niya at ngiting ngiti. Naku naku talaga! I can read you all! Medyo nakaka-attract na kami ng tao at tumitingin sa dereksyon namin.
"May girlfriend ka na?" bigla singit nung nasa gilid. Sabi ko na nga ba eh, haba ng hair! At ang peg ng mga usi.. naka-lock down sa beautiful me! Di kalayuan sa likuran nila, nakita ko si Aemy na papalapit samin kaya ngumiti ako habang nakatingin sakanya.
"She's my girlfriend." sabay sabay lumingon yung mga girls kay Aemy na rumarampa ang peg. Dramatic entrance! Ngumiti siya sakin.
"Pinaghintay ba kita?" bungad niya. Nahati naman sa gitna yung grupo ng mga babae at pinadaan si Aemy. Nahiya naman ako sa parang moses effect.
"Hindi naman"
"Hmm.. classmates mo?" tanong nya sabay ngiti sa mga girls. Flawless!
"Aahh-- hindi.. may tinanong lang kami." say naman nila.
"Aahh.. ganun ba? pwede ko na ba siyang makuha?" humawak siya sa braso ko at hinarap yung mga babae.
"Sige sige.." ngumiti yung mga babae sakanya at sumulyap sakin. kinindatan ko naman sila sabay ngiti.. kinilig to the bones naman sila.
"Ui, Aiyoo, hiramin ko muna si Kookie ha.." paalam naman ni Aemy kay Aiyoo.
"Naku, magpapaalam ka pa.. sige na.. kidnappin mo na yan, baka mahablot pa ng iba" say naman niya.
"Kitakits nalang" say ko sakanya. Dumeretso kami sa SUV at sumakay sa likod.
"SUCCESS!" nag-apir kaming dalawa.
"Ang galing! di napunta sa wala ang traning mo! keep it up!" excited na excited siyang nag spazz sa kinauupuan niya.
"Hahaha, kaya nga.. ang weird nga lang kasi.. ewan ko ba" weird ang pakiramdam ko.. kasi alam na alam ko yung mga kiliti ng mga babae.. well, sa tinagal tagal ba naman ng paghahabol so sa papabels. syempre alam ko yung mga nakapagpapakilig na gusto ng madlang girls!
"May mga napatid ka agad na girls! good job! popularity is welcoming you!" ngiting ngiti siya.
"Well, iba na talaga ang alindog ko noh!" ay.. mali..
"Oh oh.. hoy! ayusin mo!" tinapik niya ako sa noo.
"Sorry sorry!"
--------------------------------------------------------

BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!