[ AEMY'S POV ]
Sa tahimik at maliwanag na kusina, magkaharap kaming kumakain ni Kookie. Nagluto si yaya ng ham and egg at pinainit din ang pizza sa microwave. Hindi ko maiwasang magnakaw ng tingin sa lalakeng nasa harap ko.
Napapailing nalang ako sa kagwapuhan niya, hindi na tama ito. Napa-buntong hininga ako kaya napasulyap saakin si Kookie.
"Hm? bakit?" tanong niya. Ipinatong ko ang siko ko sa lamesa at nilagay ang mukha ko sa pagitan ng aking mga kamay. Bakit ang gwapo niya ngayong umaga?
"Pwede bang titigan kita, huwag kang gagalaw?" sabi ko. Medyo kumunot ang noo niya at napangiti.
"Sige lang, magtitigan tayo." aniya at ginaya ang posisyon ko. Walang umimik saamin. Ewan ko kung anong meron pero yung pagkakadapo ng bangs niya sa kanyang kilay parang sinadya. Yung ilong niyang medyo nangingislap dahil oily kasi di pa naghihilamos napaka-kyut. Yung pag-dila niya sa kanyang labi na napakalambot ay sexy. At yung kung paano niya paglaruan yung tinidor habang tinutusok yung ham----
"Haaaaay" buntong hininga ko. Baka artista na ito o di naman kaya sikat na idol kapag hindi lang siya bakla.
"Baka matunaw naman na ako Aemy." Aniya.
"Bakit ang gwapo mo ngayon ha? Inaakit mo ba ako?"
"Huh?" kimi niya.
"Ha?" na-alimpungatan ako.
"Ikaw nga nang-aakit sakin eh" aniya. Nalaglag panga ko. "Kulang nalang ako na ang ulamin mo" dagdag pa niya habang natatawa.
"I said that out loud? Oh my god!" pagtatakip ko ng bunganga. Sarap i-stapler nitong bunganga ko paminsan minsan eh.
"Ay hindi, malamang psychic ako at nabasa ko utak mo" pasarkastiko niyang sabi.
"Tse, huwag mo kong umpisahan ha, hmmphf!" asar lang, umagang-umaga nabubuking ako. Ano ba kasing kalandian ang pumapasok sa isip ko. Hay naku! Tumayo siya at inilagay yung pinagkainan niya sa lababo. "Tapos ka na? Hindi ko pa nakakalahati yung pagkain ko ah"
"Paano kasi, panay titig mo saakin." hirit pa niya. Naglakad siya sa likod ko at humawak sa likod ng upuan. Tumingala ako para makita siya. "Bilisan mong kumain." aniya.
Grabe lang siya oh. Jawline so on point, I could grate cheese with it. "Ayoko nga, subuan mo ako." pagbibiro ko. Pinisil niya ilong ko at yumuko para bigyan ako ng back-hug. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko habang suaveng kinuha ang tinidor dito. Tinusok niya yung ham at inangat ito.
"Aahh~" aniya habang isinusubo yung ham saakin. Ngumanga naman ako at kinain ito. Sino ako para tumanggi sa grasya, diba? diba? Nang malunok ko ito ay naghihintay akong subuan niya ako pero pektus sa noo ang inabot ko. "OA na, ano ka baby? subuan mo na sarili mo" pagsusungit niya at tumayo. Lumingon ako sa likod at nakita siyang naglalakad papuntang sala.
"Saan ka pupunta?" tanong ko. Lumingon siya pabalik saakin.
"Uuwi na." tipid niyang sabi. Wow, eat and run?
"Eh! ang daya naman, dito ka pa." pagpapakyut ko. "Wala akong kasama sa bahay."
"Si yaya oh" aniya at itinuro si yaya na nasa hagdan na dala ang laundry bin. Oo nga naman, nandito si yaya. "Saka kailgan ko rin talagang umuwi Aemy, aalis ng maaga si Jinny, walang kasama si Lola." dagdag niya.
"I see, go ahead then, say Hi nalang kay Lola." sabi ko at tuluyan na siyang umalis. Bigla tuloy nawalan ng lasa tong kinakain ko.
--------------------------------------------------
VOTE. COMMENT. SHARE.
BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!