"Yo, John Juanito McKook, 17.. but you can call me Kookie. Nice to meet you all" then killer smile, di ko bet ang intro kong ito! the past few years mega super pageant ang peg ng intro ko tapos bigla puchu puchu! At walang masyadong papabels na classmate ko uh! Well, okay lang.. Ralph Mond my labidabs is all I need! I'll just stick with the girls.
"Thank you Mr. Cassanova" sabi nung prof. Nangiti naman ako. Cassanova agad agad?
"No ma'am.. I'm already taken." then wink, nakarinig naman ako ng iba't ibang reaction sa mga kaklase ko.
"Whoa! Paano ba yan girls.. taken na siya" sutil din tong prof. namin ha, I like her.
"Sayang naman..!"
"Sino kaya?"
"Pwede pa yaaan! di pa naman kasal eh!" sabay tawanan ng lahat. Hindi ko alam pero nakikita ko talaga sarili ko sa mga ito. Sorry girls pero may Ralph Mond na ako.
"Hahaha, Good luck then Mr. McKook.. now let's start with some overview.. blah blah blah" Nagsimula na siyang magdiscuss about rules and regulations at nagbigay ng reading assignment. Pagkalabas niya ng room, nagsilapitan ang mga girls sa desk ko.
"Sabay sabay na tayong kumain, Kookie!" ano na nga ulit name nito? Nikki ba?
"Pre! tara, baka naghihintay na girlfriend mo sa cafeteria" say nung lalaki sa may pintuan.. If I'm not mistaken.. Dominic Jay Hope name niya. Gusto ko mang sumama sa mga girls pero mas-safe siguro kung sa boys nalang ako makikisama. Tumayo ako at sinukbit yung sling bag ko.
"Sorry, next time nalang.." deretso na ako sa pintuan. Nung makalabas kami ng corridor nagsalita siya.
"Unang araw palang dami mo nang chix, idol!" say niya. Oooyy.. may itsura naman pala tong isang to, Tangos ng ilong.
"Haha, di naman.. Dominic Jay ba?" confirm ko kung tama pagkaka-alala ko.
"Jhope nalang, asan nga ba girlfriend mo?" sabi niya. San naman nanggaling yung jhope?
"Magkikita kami sa cafeteria eh, nasa kabilang building kasi siya." tugon ko naman.
"Kung ako sa girlfriend mo, tatalian kita sa leeg" say niya sabay ngiti. Aawww, ang cute nyag ngumiti! Halos magkasing tangkad lang kami at maganda rin tikas ng katawan niya. Pero bakit di siya kapansin pansin kanina.
"Haha, bakit naman?" pa-inosente effect ang peg syempre!
"Ang daming tigreng handang lumapa sayo eh, tignan mo" say niya, napatingin tuloy ako sa paligid. Oo nga, halos lahat ng madaanan namin napapalingon. anong magagawa ko, I'm beautiful! but I feel sorry for them, naaakit sila sa kapwa nila babae. Hay naku! Nginitian ko yung girl na nakanga-nga sa gilid. Itikom mo teh..!
"Phew~ Playboy!" siniko niya ako.
"Oi, hindi ah!" defensive kuno! ang gravey ng acting ko! Pumasok kami sa cafeteria at sobrang dami ng tao. At tipong napalingon samin ang lahat.
"San na girlfriend mo?" say ni Jhope, sa sobrang dami ng tao di ko alam kung saan siya makikita. Nahagip ng mata ko yung corner ng cafeteria at nakita si Aemy na nakaupong mag-isa.
"Doon, tara" lumapit kami sa table. "Aemy" tawag pansin ko sakanya.
"Oh, Kookie" ngumiti siya at napansin si Micheal sa gilid ko. "Classmate?"
"Aahh- Oo,.. Aemy si Jhope.. Jhope si Aemy girlfriend ko" nagkamay silang dalawa.
"Kaya naman pala taken na eh, high class taste mo" say ni Jhope. umupo ako sa tabi ni Aemy at sa harap namin si Jhope. Iniwan namin ang bag namin at kumuha ng pagkain, naunang bumalik si Aemy at Jhope habang kumukuha ako ng drinks.
"Kyaaaaaaaaaaaaah!" bigla nagtilian mga tao. Anong meron? artista? papabels? Nagtipon ang tao malapit sa entrance ng cafeteria kaya napalingon ako. Ulo lang nakikita ko.
"Uhhmm, miss.. anong meron?" Nagpsya akong tanungin yung mga katabi ko.
"Anjan kasi yung captain ng soccer team.." say niya. Aba, papabels nga!
"Okay, thank you" Sinundan ko ng tingin yung ulo nung captain at patungo ito sa dereksyon nina Aemy. San pupunta yun? Itinaas ko ang tray na hawak ko at inilit kong isiksik ang sarili ko sa nagkumpulang tao. Nadatnan ko naman yung papabels na kinakausap si Aemy. Nakatalikod siya kaya di ko makita ang mukha. Kilala yata ni Aemy. Nilapag ko yung tray sa lamesa at napatigil nung makita ko ang facelalu ng captain ng soccer team!
"Aahh-- Kookie.. ito nga pala si.."
-------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!