Chapter 24

8.9K 184 22
                                    

[ KOOKIE'S POV]

  "Morning Aemy" nilapat ko mga palad ko sa magkabilang balikat ni Aemy na nakatalikod sakin. Naramdaman ko ang pagkabigla dahil napakibit balikat siya. "Morning Sugar" tugon ko sa pag-ngiti niya sakin.

"Ah-- Kookie.. good morning.." sabay nyang ngiti saakin. "Wala ka pang klase?"

"Nasa seminar daw si ma'am, anong ginagawa niyo?" may mga nagunting na papel, glue, glitters kasi sa lamesa.

"Gumagawa kami ng banner niya for the pageant." tugon naman ni Sugar.

"Hoy, pinilit lang ako nitong si Sugar, ang kulit kasi.. nakakahiya nga, gagawa pa ko ng sarili kong banner." ani Aemy na tuloy parin sa pag-gugupit ng papel. Umupo ako sa tabi niya at dumampot ng glue.

"Anong kelangan nating idikit?" sinimulan kong dumampot ng mga letters sa lamesa sabay hablot naman ni Aemy kaya napatingin ako sakanya.

"Hay naku huwag na Kookie, nakakahiya.." sabay layo niya sakin nung mga papel at glitters.

"Okay lang, tulungan ko na kayo." nasulyapan kong humahagikgik si Sugar. "Hmm? bakit?"

"Haha, wala., hayaan mo na tong si Aemy, ayaw niyang magpatulong sa competitor eh, Yiie!" ngising ngisi niyang sabi.

"Hoy, hindi ah! huwag mo nalang pansinin tong babaeng to Kookie.. saka kami nalang gagawa, jan ka lang." ani Aemy, parang may tinatago ang mga to ah.

"Sige., so ano--" di ko natapos ang sasabihin ko.

"Yo! kamusta?" si Vincent dumating may dalang illustration board at kahon. "Kookie" pagbati niya sakin. Ngumiti ako bilang tugon.

"You're just in time Vincent! Kelangan kasi ni Aemy ng tulong mo!" may diin ang pagkabigkas ni Sugar ng mga ito. Napatingin nalang ako kay Aemy na hindi makatingin sakin.

"Pffftt--" pinigil ni Vincent pagtawa niya. Pakiramdam ko talaga may tinatago mga ito. "Sige na pre, kami nalang gagawa nito." tinapik niya ako sa balikat.

"Anong meron? Aemy, magsalita ka.. may sikreto kayo noh!" humarap ako kay Aemy na di tumitingin sa dereksyon ko.

"Nothing, It's fine really.. and baka may gagawin ka pa,. we can manage.." hinawakan niya kamay ko at sa wakas ay tumingin sakin.

"Hmm.. ano ba ka----" pwede bang patapusin yung sinasabi ko, lagi nalang may sumisingit eh.

"Kookie!" boses ng isang babae, lahat kami napalingon sa likuran ni Vincent.

[ ANGELA'S POV]

"Kookie!" boses ng babae, napatingin ang lahat sa likod ni Vincent at talaga namang lumevel up ang kilay ko sa nakita ko.

"Nathalie.." pagtugon naman nitong si Kookie, hindi ba pwedeng .. Oh? Oi? Ah? Hi? muna.. kelangan Nathalie agad? eh kung batukan kita jan! Tse!

"Di mo sinasagot calls ko.." paghinto niya sa tabi ni Vincent.. "Hello guys" bati niya sabay ngiti. Syempre mega ngiti rin naman kami. Kaplastikan overload!

"Siya yung partner mo Kookie di ba?" singit naman ni Vincent sabay baba ng mga hawak niya.

"Ah--" di nakasagot si Kookie.

"Yes.. that's me! I'm Nathalie Reines by the way.. nice to meet you!" sabay abot ng shake hands., eto namang si Vincent nakipagshake hands din! This higad is so getting on my nerves!

"Uhhm, bakit ka pumayag na maing partner ni Kookie?" bigla kong tanong. Ang madaldal kong bunganga, may gawd! pwede bang lunukin ko yun? 

"Well, kasi.. I'm a fan of his." sabi niya.

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon