[ AEMY'S POV ]
"203, 204, 205... 208- Ugggh!" humilata ko sa sofa. Sinusubukan ko lang naman bilangin ang bawat hibla ng buhok ko. Bangs palang namumulubi na ako. Hay naku. Gusto ko lang kasi malibang isipan ko nang hindi ko na maisip ang babaeng yun. Si Annalise, sino pa nga ba.
Bad vibes talaga ako sa kanya. Hmmmphf! Kaano ano ba siya ni Kookie? Gusto ko siyang tanungin. Bakit di ko nalang siya tawagan? Tiningnan ko ang oras. 9:30 pm palang naman.
*Calling Kookie*
"Hello Aemy?" sinagot niya ang tawag. "Uh- hello..." ano na nga ba ang sasabihin ko? Teka lang buffering eh.
"Napatawag ka?" tanong niya. Lagot na. Wala akong maisip na sabihin. Aemy sagot! "Ahh- eh, ano... papasok ka bukas?" ay shunga, anong klaseng tanong yan, malamang may pasok eh!
"Sino kausap mo?" boses ng isang babae. "Ah-- si Aemy... friend ko." tugon ni Kookie dun sa babae. Correction? Girlfriend po! Na-friendzone ako sa phone? Ano 'to! At teka nga.. teka lang!
"Saan ka ngayon?" Tanong ko. Mukhang wala na sa background yung babae. "Sa bahay, ikaw?" tugon naman niya agad.
"Sinu yung girl?" usisa ko habang namumuo ang kaba sa dibdib ko. "Ah.. bisita ko galing Canada."
"Aahh, diyan siya mag-stay? Hanggang kelan? Sino pa mga kasama mo sa bahay?" Oh diba, usisa kung usisa.
"Oo eh, mga one week siya dito.. hmmmm.. bale dalawa lang kami, nasa probinsya na kasi si Lola eh." Sagot niya sa mga tanong ko.
"Dalawa lang kayo?!" Bigla akong napabulyaw. Di pa nga ako nakakapunta sa bahay nila, may patutulugin na siyang babae dun? At dalawa lang sila! Nakaka-inggit! Este, hindi naaari ito!
"Don't worry, hiwalay kami ng kwarto." At nakarinig naman ako ng di ka-aya ayang impormasyon. "Dito nalang ako." say nung babae sa background.
"Anong sabi niya?!" napa-reak tuloy ako ng di oras. Kakasabi lang na hiwalay ang kwarto eh! "Spare me a towel, kahit yung gamit mo na" dagdag pa niya. Yung bagong twalya ibigay mo Kookie! At bakit ba lakas makasagap ng boses tong tawag na ito! "Thanks!" inabot na siguro ni Kookie yung twalya niya.
"Kamusta nga pala lakad niyo ni Sugar? Sorry di ako nakasama ha." Si Kookie. Okay wa wakas may topic kami.
"Ah! Kumain kami sa Dessert Palace. Naparami nga kami ng order eh." Masigla kong sabi.
"Dessert Palace? Katapat lang nun yung restaurant na pinuntahan namin ah."
"Oh?! Sayang di ko kayo nakita." kasinungalingan, kitang kita kaya kita. "Aahh-" napahikbi siya. "Bakit?" agad ko naman tanong.
"W-wala" pa-utal niyang sabi. Pumilantik naman kilay ko.
"Oh~ c'mmer sweetie..~" Aba't ang malanding linta! sweetie ka jan!
"Uy-- ah-- hik--Aahh!" Si Kookie, gumagawa ng nakaka-iritang tunog!
"Bad boy. C'mmer now sweetie." yung linta.
"Hoy! Anong kalandian ginagawa niyo jan?!" syempre di ko sinabi yan. "Hang-up na muna ko Aemy ha" sabi ni Kookie pero di niya ata napatay yung call. Nilapag niya ata sa lamesa yung phone at medyo naririnig ko parin pinag-uusapan nila.
"Wa-wait lang Annalisw... Aaahh- Wag mo munang tanggalin.. masakit" si Annalise? yung palagi niyang kausap sa phone? Teka, wag tanggaling ang alin? nag-headset ako at nilakasan ang volume para mas marinig ang pinaguusapan nila.
"Oh my.. look oh~ it's getting hard."
"Uggghh..."
"Ready?! Mabilis lang 'to"
BINABASA MO ANG
[#1] Gay Turned Campus Hunk [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]
FanfictionWhat will happen if a Gay became the Campus Hunk. Join Kookie and Aemy in their roller coaster mission of love and revenge. Cover by jongdaisies, the champion of the cover contest!