Chapter 11

11.2K 215 23
                                    

"Sinu ba yung tumawag?" nagpamaywang ako. Again, another silence from her. At bakit ba kasi napaka-usi ko, pati bakit ko papaki-alaman kung sinu tumawag? Ako ba ang mudra niya? "Oh sige, kung ayaw mong pag-usapan, you don't need to tell me na.. kaya smile ka na jan, hmm?" hinaplos haplos ko ang buhok niya na parang kuting.

"Hmm, thanks.. I'll tell you someday.." inangat niya ulo niya at ngumiti. "Ano gusto mong gawin natin?"

"BOY HUNT!" proud kong sabi. Haynakupo! eto na nga at lumabas na ang darna!

"Hahaha! boy hunt ka jan! pagpatuloy nalang natin ang training mo!" nabuhayan siya ng dugo at biglang tumayo. Napatayo narin ako at nagpagpag kaming dalawa ng mga buhangin na kumapit sa damit namin.

---------- AEMY'S POV ----------

"Pwede bang break muna sa pagiging lalaki Aemy?want to enjoy the scenery!" say ni Kookie sabay lingon dun sa mga naka topless na lalaki.

"No, endure mo yan, isa yan sa dapat mong malagpasan noh! and besides.." sinadya kong bitinin ang sasabihin ko.

"Besides?" nagaabang siya.

"Mag-overnight tayo dito" sinimulan kong maglakad palayo sa kanya.

"Overnight? where? here?! what?!" sumunod siya sa likod ko.

"Dun!" tinuro ko yung cottege di kalayuan sa kinatatayuan namin.

"Doon?! At kelan naman kaya ako pumayag na mag-stay jan aber?" sumabay siya sa gilid ko at talagang nagpamaywang. Tinapik ko nga.

"Sinasapian ka na ng kababaihan!" hinampas ko bewang niyang naka-arko at kumekebmot.

"In the first place, babae po kaya ako!" gone with the wind ang male image ng baklang to. Napa-face palm nalang ako.

"Basta, overnight is overnight!" say ko nalang, nawalan ako ng enerhiya sa kembot nito, daig pa ang sexbomb eh.

"No! not gonna happen Aemy my dear!" hinarang niya ang dadaanan ko.

"Oh, bakit naman? my treat, you don't have to pay anything" pag-point out ko, baka kasi iniisip nito hati kami sa bayad.

"I know that already! duh!" again, nagpamaywang siya.

"Oh! eh anung problema?!" pumilantik tuloy kilay ko.

"I need my beauty needs!" yung pagkakasabi niya eh tipong yun na ang pinakaimportanteng bagay sa buhay niya.

"Fine! what do you need ba?" para matapos na ang lahat.

"Hhmm.. I need my soap, body scrub, lufa, face mask, facial scrub, nail--" hindi ko pinatapos sasabihin niya at sumingit na ako.

"Toilet scrub gusto mo? kulang nalang sabihin mo spa eh" this time ako naman ang nagpamaywang. Masma-arte pa sakin to ah.

"Sungit naman neto, tssh.. tara na nga" tumalikod siya at derederetsong naglakad.

"Oh, edi pumayag ka rin!" paghabol ko sakanya.

"May magagawa ba ako? The gorgeous goddess of beauty in a deserted island far awat from her prince charming Ralph Mond! Bakit ang lupit ng panahon!" tindi talaga ng bokabularyo nitong taong to.

"Whatever!"

---------- KOOKIE'S POV--------

Infairness rin naman kay Aemy, ang ganda nitong cottege na nakuha niya. Masmaganda pa sa bahay namin, kaso nga lang nasa labas ang banyo, may jakusi daw kaya nakahiwalay. Di narin kami bumili ng mga gamit dahil provided na except for clothes syempre. Bongga naman nito kung pati damit kasama.

"Aemy! tara na! excited na ako sa jakusi!" ang bagal kasing gumalaw eh, nakapaglotion na ako at lahat lahat nagpapalit parin siya ng damit.

"Anjan na, wai--- Aaah!" nakarinig ako ng pagbagsak kaya agad akong pumunta sakanya.

---------- AEMY'S POV ----------

"Ow ow.. aray--" natapakan ko pa kasi tong tali ng bathrobe eh, Tsk! angsakit ng pagkabagsak ko. Bigla bumukas yung pinto at iniluwa niya ang naka-twalyang si Kookie, well, nakapalibot ito sa waist niya at topless. Nanlaki mga mata ko. Lalaking nakatapis plus topless plus alone in a room.. oh my god! mega turn on!

"Aemy! okay ka lang?!" bigla siyang lumapit sakin. *lub dub* biglang tinadyakan ng buffalo yung puso ko. Nung akmang itatayo niya ako, bumalandra sakin ang dibdib at bisceps niya. *lub dub* Ang hot ng eksena ko ha! teka teka.. hinawakan nya ako sa magkabilang braso para ipatayo. Napatingin naman ako sa mukha nyang nakakademonyong halikan! Oh my gulay! Kumapit rin syempre ako sa kanya.. kyaaah! Ang landi ko.. Unti unti kaming tumayo.

"O-okay lang ako" Aaahh-- bakit ganito, nauutal pa ang salita ko. Silk tela ng bathrobe ko kaya nung tinanggal ni Kookie pagkakahawak niya sa barso ko, nagslide yung robe sa kaliwang balikat ko at na-expose ang-- ang--

"Oops-" agad niyang initaas ang robe at talaga namang nakuryente ako. Ewan ko ba, tumaas balahibo? kinilabutan? nanginig? name it! yun yung naramdaman ko. Niyakap ko naman ang sarili ko sa hiya.

"Ay? nahiya kapa sakin teh? eh pareho tayong babae" Nagpamaywang nanaman siya! Biglang nag cool off ang hot temperature ko. Bakla nga pala siya.. Turn OFF! pero type ko talaga ang tipo niya. Bakit po bakla siya? Kung kelan-- "Tara na nga kasi..!" hinila niya ako bigla sa kamay at deretso sa jakusi.

"Bakit hindi ka naka-bathrobe?" bigla ko namang tanong.

"May choice ba ako? eh isa lang bathrobe na binigay? and besides, tatanggalin ko rin lang naman yung bathrobe eh" may point rin naman siya.

"tatanggalin ko rin naman yung bathrobe eh" ilang beses nagpa-ulit ulit sa ulo ko ang katagang yan.

"Are we getting naked!?" bigla nalang akong nagreact.

"Well, duh! magbababad ka na naka-bathrobe? Naturalmente, huhubarin mo yan noh!" nagtanggal siya ng slippers. Ano bang nirereact mo Angela! Nanlaki nanaman ang over dilated kong mata nung inuumpisahan na nyang tanggalin yung towel na nakapalibot sa bewang niya. Napatakip ako ng mata pero nakikita ko parin siya. hahaha!

"Oh?! anong tinatakip takip mo jan? Plunge na tayo!" say niya sabay hubad nung towel. Naglakbay ang mga mata ko mula sa mukha papuntang ulam na ulam na dibdib at sa kanyang cute na abs at sa-- floral na boxer shorts niya. FLORAL?!

"Oh! bakit naka boxer shorts ka!" unconciously idinuro ko yung baba nya.

"Eh anu expect mo? magpanty ako? duh?!" say ni Kookie. Expect ko kasi walang kang suot-- este.. nakabrief ka.

"Eh bakit floral?!" tumaas boses ko.

"Bahala ka na nga jan, ang weird mo teh! gora na ako" tumalikod ulit siya at lumubog sa mainit na jakusi. Nagdadalawang isip parin ako kasi hindi ko siya nakikita bilang bakla.. lalaki siya sa panahon na ito! It doesn't matter the feelings! a man is a man! "Go ka na here!" aya naman nya na parang sarap na sarap sa jakusi! Naaakit tuloy ako.

"Oo na, wa-wait lang" dahan dahan kong tinanggal ang bathrobe ko at lumusong sa jasuki. Grabe.. nakakarelax. Dahil sa steam, medyo blurred and paligid pero malinaw pa sa ilaw ng meralco ang imahe ni Kookie sa harapan ko na nakapikit at nakasandal ang dalawang kamay sa gilid ng jakusi! Jusko tulungan niyo ako.. Kung siya ay isang babaeng ipinanganak sa katawan ng lalaki.. ako naman yata yung lalaki na ipinanganak sa katawan ng babae! This is sooo wrong!

---------------------------------------------------------------------------------

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon