Chapter 30

9.5K 187 29
                                    

[ KOOKIE'S POV ]

Mabilis na lumipas ang tatlong linggo. Wala naman masyadong nagbago o nangyari maliban sa madalas na pag-eensayo para sa pageant. Sa tabi ko naka-tayo si Nathalie, tanaw ko namang nag-uusap sina Vincent at Aemy sa may gilid at sa kabila ng kurtinang nasa harapan ko ay ang libo-libong studyante ng Converse High Colleges na naghihintay magsimula ang programa. 

"Kookie, paki-abot naman yung box ng shoes ko sa tabi mo.." ani Nathalie na dinuro ang kinalalagyan nito sa tabi ko. Agad ko namang inabot sakanya ito at umupo.

"Naririnig mo ba yung mga tao?" tanong ko. Itinigil niya ang paglalagay ng sapatos saka ibinaling ang tingin saakin.

"Oo naman, kinakabahan na nga ako eh." tugon naman niya matapos ay isinuot ang sapatos.

"5 minutes guys, start na ang program." sabi ni director Bang na lumabas mula sa kurtina. Narinig ko naman ang pag-umpisa ng tugtog sa kabilang kurtina at ang malakas na hiyawan ng mga tao.

"Tara.." inabot ko ang kamay ko kay Nathalie upang alalayan siyang tumayo. Luminya ang lahat sa likod ng kurtina. Di kalayuan sa kinatatayuan namin ay sina Vincent at Aemy. Nagsalubong kami ng tingin kaya agad akong ngumiti at kumaway. Tumuon naman siya

Napa-hiyaw ang mga tao nang biglang mamataw ang mga ilaw. Maririnig mo ang pagbubulungan n mga tao at ang unti unti pag taas ng kurtina. Na-rehearse namin ito ngunit ibang-iba ang pakiramdam kapag actual na at sa harap ng maraming tao. Nagkaroon ng spot-light kung saan nakatayo ang MC ng programa.

"Good evening ladies and gentlemen! Tonight, 10 gorgeous candidates will shower their charisma and talents on the hope of becoming the next Mr. and Ms. Converse High of campus!" anang MC na siya namang tinugunan ng audience ng mau-gong na hiyawan at palakpakan. "Are you ready to see them?!" maslalong lumakas ang hiyawan. 

"Candidate # 1: Mr. Francis Ong and Ms. Shiela Garcia!" sa bawat bigkas ng pangalan at lalabas ang spot light sa kinatatayuan namin.

"Candidate # 2: Mr. Edz Torio and Ms. Mary Anne Solomon!" matapos silang tawagin ay bigla akong sinapian ng matinding kaba.

"Candidate # 3: Mr. John Juanito McKook and Ms. Nathalie Reines!" Nabigla ako dahil daramdaman ko ang pag--ugong ng hiyaw at palakpakan matapos matawag ang pangalan namin.

"Whoa, looks like we have our crowd's favorite from the start. But then again, We have yet to reveal the rest of our contestants!" anang MC.

Candidate # 4: Mr. Denver John Lim and Ms. Krizzana Sarmiento!" nabawasan ng bahagya ang hiyawan at palakpakan.

"Now, for the last pair--" hindi pa natatapos magsalita ang MC ngunit napuno muli ng hiyawan at palakpakan ang dome. "I see you guys are hyped up! Let me introuce to you....!" maslalo pangg lumakas ang hiyawan. "Last year's Mr. Converse High! Mr. Vincent Strikeland and his partner! Ms. Aemy Kim!" ang mga sumunod na sandali ay nakakabingi at nakakapanindig balahibo. Alam kong sikat si Vincent, pero ngayon lang isinampal sa mukha ko kung aano talaga siya ka-sikat. Pakiramdam ko ay wala kaming pag-asang manalo sa lagay na ito.

"vent.. Vincent.. Vincent!.. Vincent!!" nagsimula ang fanchants..

"Kook..McKook..  McKook.. McKook!" nanlamig ako nang marinig kong unti unting nabubuo ang pangalan ko ere. Naglalaban ang pangalan naming dalawa ni Vincent.

"Vincent! McKook! Vi--kook! .. Vi-kook!.. Vi-kook!! " hindi magkamayaw ang mga tao sa pagsiaw ng pangalan namin. [Lowkey shipping here]

"We have two resounding names there! I hear Vincent!" sabay siaw ng mga tao. "I hear McKook!" hiyawan ulit ng mga tao. "Now let me welcome my co-MC for today's event!" napalitan ang hiyawan ng bulungan at palakpakan. "He is currently the hottest male model of Bench! Please welcome, Mr. JHope!" muli ay dumaundong ang dome nang lumabas sa stage si Micheal.

[#1] Gay Turned Campus Hunk  [BTS Jungkook, Taehyung , Jimin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon